Chapter 12

11.4K 430 122
                                    

"Mahal mo ako."

"Hindi nga."

"Mahal mo ako."

"Hindi nga kasi, eh."

"Mahal mo ako."

"Hindi."

"Mahal mo ako."

"Oo na lang! Ang kulit mo!"

"I-replay mo ulit, bilis—"

"Tigil-tigilan ninyo na 'yan at naririndi na ako!" sigaw ko kina Yanyan, Ate Steff, Trisha at Dianne na aliw na aliw sa panonood nila sa video namin ni Juliet. Nandito rin pala mga friends ni Juliet na late na nagpakita. Kung hindi rin naman talaga loko-loko tong mga 'to, vinideohan ba naman yung ka-abnormal-an namin ni Juliet kanina!

"Eh, bakit ba, kami nag-record nito, panonoorin namin 'to hangga't gusto namin." sagot sa'kin ni Trisha. Sina Yanyan, patay-malisya lang.

"Wow, close ba tayo? Close? Kailan ka pa naging tagapagsalita ng mga 'yan? Bangasan ko mukha mo, eh." Inirapan ko siya pero ngumiti lang ito ng pang-asar. Bwisit!

"Mine," Naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa baywang ko, hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. "Hayaan mo na sila."

"Ayos ka lang? Tingin mo hahayaan ko silang pagtawanan tayo? Nah-uh-uh! At saka sino may sabi na pwede kang sumiksik sa leeg ko? Layo!" Tinulak-tulak ko siya palayo pero hindi man lang natinag 'tong babaeng 'to. "Ano ba? Layo sabi, eh!"

"What?" inosenteng tanong niya, "You are my girlfriend now, huwag ka nang mahiya."

"Kapal, 'di ako nahihiya." Napairap tuloy ako nang wala sa oras. "Ba't ba kita sinagot."

Umalis siya sa leeg ko at tumingin sa akin. Ang ganda talaga ng babaeng 'to, kaasar. "Simple. Because you love me."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Mahal kita?"

"Yep!"

"Talaga?"

"Absolutely!"

"Wala akong matandaan—" Sakto namang nag-play yung video namin ni Juliet do'n sa part na napaamin niya ako. Tinitigan ko nang masama sina Yanyan na panay ang bungisngis. "I-itigil ninyo nga 'yan! Letse naman, oh!"

Tuluyan na ngang bumunghalit ng tawa itong mga asungot na 'to. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa pagkaasar.

"Huli ka, balbon!"

"Boom, peyns!"

"Bistado ang loko!"

"Humanda kayo sa'kin." nasabi ko na lang. Palibhasa madami kayo. Tse!

"Caught guilty." pang-aasar sa akin ni Juliet, "Now, say you love me."

"Lumayo ka sa'kin." Kalmadong sabi ko habang nilalayo siya. Ang kaso, nuknukan ang tigas ng ulo ni Juliet kaya mas lalo siyang sumiksik sa akin. Ang clingy! "Isa, Parker. Lalayo ka sa'kin o hindi tayo aabot ng daysarry?"

Mabilis pa kay Flash na sumunod siya. "S-sorry..."

Bigla tuloy akong na-guilty sa sinabi ko. Halata kasing nasaktan siya. Napabuntong-hininga ako. Dapat 'di ko na sinabi 'yon, eh. Paano ba 'to...

"Halika," Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya patayo bago ako lumingon sa mga bangungot ng buhay ko. "Hoy, kayong mga bugok, huwag kayong susunod sa amin kung ayaw ninyong malintikan."

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now