Chapter 14

11K 397 26
                                    

"Wow!" manghang reaction ni Yanyan, "Gende nemen ng bahay ninyo, ang laki pa! Mansyon 'to, ano? Yung totoo? Umamin na kayo, hindi naman ako magagalit, eh."

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Pakialam ba nila kung magalit ka?"

"Charing lang, pinsan! Bini-big deal mo naman lahat." sagot niya.

"Ewan ko sa'yo. Baliw ka na."

Nagtago siya sa likod ni Ate na parang bata. Tumingin siya kay Juliet na katabi ko lang na nakayapos sa akin. Nakaupo kaming lahat sa sofa habang hinihintay sina Trisha at Dianne na mag-prepare ng tsibog daw. "Juliet, yung girlfriend mo, oh, away ako. Paluin mo nga 'yan sa puwet."

Tumawa si Juliet. Tinitigan ko siya nang masama. Napahinto siya at yumuko habang nakanguso. Lumingon ako kay Yanyan na nasa likuran pa rin ni Ate. "Humanda ka sa akin pag-uwi. Pasalamat ka at nasa ibang bahay tayo. Nako, magdasal ka na."

"Joke lang!" parang batang sagot niya sa akin. Niyakap-yakap niya si Ate Steff at inalog. "Steff, tulong naman, oh."

Para namang nagayuma itong kapatid ko at tumango. Tumingin siya sa akin na parang nagpapaawa. "Mahal kong sis—"

"Gusto mong madamay?"

"Sabi ko nga ayaw ko, eh. Sige na, mananahimik na ako, mahal kong sis." Zinipper niya kunwari ang bibig at ngumiti ng inosente.

"Good." Tumangu-tango ako. Akala mo ang tapang, babahag din naman pala ang buntot. Si Yanyan nga yata ang gumagamit ng gayuma sa'min, eh, tapos ang lakas ng loob na ipasa sa'kin yung gawain niya.

Sumimangot ang hindi masyadong cute kong pinsan. Tinulak niya nang malakas si Ate kaya ayin, nahulog ito sa sofa.

"Aray naman."

"Oh, Ate? Nags-swimming ka sa carpet?" Nagtatakang tanong ni Dianne na kakarating lang. Kasama niya si Trisha at parehas silang may dalang tsibog—mga cookies na ni-request ko, sandwich, Piattos, hopia, marshmallow, stik-o at softdrinks. Ang dami. Nilapag nila lahat ng pagkain sa center table.

"Swimming ka riyan. Si Yanyan ko kasi, masyadong kinilig sa akin, napalakas tuloy yung tulak niya." Pinagpag niya ang binti at puwetan at umupo na ulit sa tabi ni Yanyan. Yumakap pa si Ate rito. "Love na love mo talaga ako, ano?"

Tinulak-tulak siya ng pinsan ko pero ayaw bumitaw ni Ate. "Asa ka! Love ka riyan, pinagkanulo mo 'ko kay Cindy!"

"Kita ninyo 'yan, ah? Witness kayo. Kinikilig talaga siya sa'kin, kung makatulak wagas, kinikilig sa yakap ko si Yanyan!"

Halos sabay-sabay kaming napailing. Halata namang naiirita si Yanyan at hindi kinikilig. Ang gulo ng dalawang 'to, kaysarap sapakin. Pwede kaya?

"Ate Steffani, Marian," tawag ko sa kanilang dalawa. Napahinto sila at tumingin sa akin ng seryoso, mukhang kinakabahan pa nga, eh. Pati sina Juliet, ang seryoso din ng pagmumukha.

"B-bakit?" sabay na tanong nilang dalawa. Bakit may utal-utal effect pa?

"Pwede sapakin ko kayo parehas? Sige na, one time lang. Itotodo ko, promise." Itinaas ko ang kanang kamay. "Cross my heart pa kung gusto ninyo." dagdag ko. Malay namin, baka tumino sila dahil sa suntok ko. 'Di ba, 'di ba?

Yung seryosong mukha nang dalawa ay napalitan ng nakakalokong poker face. Nagsimula naman tumawa sina Juliet, Trisha at Dianne. Napakunot ang noo ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

Nagkatinginan sina Ate at Yanyan at sabay na tumango. Sabay din silang tumingin sa akin kaya medyo napapitlag ako. Nanlaki ang mata ko at napadaing nang sumugod sila sa'kin at binatukan ako ng binatukan. "A-aray, aray! Aray, aray, aray! Pusa ang sakit, ano ba! Hoy! Aba't—aray!"

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now