Chapter 18

9.8K 356 9
                                    

"Cindy, aking pinsan, relax ka lang."

Pinanlisikan ko siya ng mata nang marinig ko siyang nagsalita. "Tumahimik ka, babae."

"Babae lang talaga? May pangalan ako, Marian ang pangalan ko. Ganda, 'di ba? Pwede ring Yanyan para mas cute o kaya—"

"Sige, ituloy mo 'yan, ituloy mo lang! Kapag hindi ka tumigil sa pagyayabang ng pangalan mo—nakikita mo ito?" Inangat ko ang kamao ko habang nakangisi. "Sh-shoot 'to sa bibig mo. Gusto mo?"

Mabilis pa sa dagang umiling-iling siya. Halata mong natakot sa sinabi ko. "J-j-joke lang naman! Bakit ba ang hard mo sa'kin? Ang bad mo." At 'yon, ngumuso na siya. Hindi naman bagay.

"Nakikita mo na kasing natataranta yung tao, nagagawa mo pang mag-joke!" Iritadong sagot ko. Paano ako magre-relax kung hanggang ngayon, wala pa rin akong naiisip na gagawin para sa monthsarry namin ni Juliet bukas! Bukas na! Tapos ito, hanggang ngayon, waley, nga-nga. Lumingon ako kina Dianne at Trisha na mukhang abala sa landian nila. "Kayong dalawa, tulungan ninyo ako!"

Magkakasama kami ngayon dito sa bahay namin, nandito sa kwarto ko. At simula ng tumapak sila sa loob ng pamamahay ko, wala na silang ginawa kung hindi ang magharutan. Mga bugok talaga.

Lumingon sila sa akin at nag-peace sign. Finally, lumapit na rin sila pero muntik na akong mapamura nang bigla ba naman nila akong daganan. "Aray ko! 'Langya, ang bigat ninyo!"

"Sandwich!" Hyper na sigaw ni Dianne at talagang ang kapal ng mukha na ginulungan ako. Buti na lang bumangon agad si Trisha dahil kung hindi, baka tuluyan na akong naghingalo. Sa sobrang bigat ni Dianne nahirapan na akong huminga.

Malakas na tinulak ko si Dianne pahiga sa kama at umupo ako sa tiyan niya. Pabirong sinakal ko siya sa leeg, tawa naman siya ng tawa. "Cindy, nakikiliti ako!"

"Mamatay ka sa pangingiliti ko! Ang sakit ng paggulong mong letse ka!" Naiinis na sabi ko. Bumangon na rin ako at humiga na lang sa tabi niya. Baka mapatay ko pa 'to kapag sineryoso ko ang pagsaka.

"Oh, ano, relax ka na ba?" Tanong niya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan.

"Ha?"

Humarap ako sa kanya at ganoon din siya. Ngumiti siya, yung smile na hindi maloko. "Halata kasing tense ka. Oh, ano, kumalma ka naman ba?"

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Parang nabawasan nga yung stress na nafe-feel ko. Napangiti tuloy ako. Dinistract pala ako ng loka. "Oo nga ano."

"Buti naman. Mas mahihirapan ka kasi mag-isip kapag taranta ka. Relax lang. So...ano bang naiisip mo na posibleng surprise sa mahal na prinsesang Juliet?"

"Wala," flat na sagot ko.

Walang emosyon na tumitig siya sa akin. "Pardon?"

"Bingi ka ba? Wala nga akong maisip." Kalmadong sagot ko.

"Ikaw talagang babae ka!" Bumangon siya at dinaganan ako sa tiyan ko at pinanggigilan ang pisngi ko na ikinasigaw ko. "Saan mo ba naiwan 'yang utak mo? Sa banyo?"

"Buang ka ba? Edi silipin mo yung banyo! Tingnan natin kung may makita kang utak doon!" Tinapik ko ang kamay niya. Hinawakan ko yung pisngi kong nangangapal ang pakiramdam dahil sa lakas ng pagkakakurot niya. Panggigilan ba naman!

"Ew! Kadiri ka Cindy!" Halata sa boses niya ang disgusto. Inabot ko yung pisngi niya at pinanggigilan din ng sobra. "A-aray! A-ouch! Aray mashakit! Letse ka! Aray!"

Binitawan ko na yung pisngi niyang parang kamatis sa pula at tinaasan siya ng kilay nang mapansing naluluha siya dahil sa kurot ko. "Ang arte mo, Dianne."

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon