Chapter 21

9.2K 284 12
                                    

"Dito ka na mag-Christmas."

Napalingon sa'kin si Juliet tapos ang mata jusko, pwede nang isabit sa christmas tree sa sobrang ningning! Ang laki pa ng ngiti. Parang nagtanong lang.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa couch ng living room namin. Alas-dos na ng hapon at walang may gustong mag-siyesta sa amin. Si Ate Steff nasa work pa, nagpapakadalubhasa. Si Yanyan missing in action, baka inutusan ng nanay niya or baka naghihilik sa bahay nila. Sina Dianne at Trisha naman may date. Susko, araw-araw na lang kung gumala yung dalawang 'yon. May balak yatang libutin ang Pinas.

"Really? Dito?" Tuwang-tuwang tanong niya, may kasama pang paghawak sa kamay ko.

"Ay hindi na pala binabawi ko na." Poker face na sagot ko na ikinasimangot niya. Napailing tuloy ako at binatukan siya kaya lalo siyang napasimangot, may kasama pang pag-pout. "Joke lang, ano ka ba!"

"Ows?" Naniniguradong tanong niya.

"Ah, ganyan, sige! Huwag ka nang—"

"Joke!" Singit agad niya na parang natakot. "I'd love to be here! Sakto magbabakasyon din mga maids namin. Hanggang New Year ako rito, ah?"

"New Year ka riyan! Sabi ko Christmas, 'di ba?" Taas-kilay kong tanong.

Napakagat siya sa lower lip niya. "B-but, gusto kong makasama ka sa New Year." Nilaro-laro niya ang mga daliri na parang bata habang nakatingin sa akin na akala mo nagpapaawa.

Napairap tuloy ako at napakamot sa ulo ko. Kung sabagay, kakaalis lang ng magulang niya last month and nalaman ko na hindi sila makakarating sa Pasko and New year. Mga busy. Si Mama naman hindi pa nagsasabi, pero sure akong dadating 'yon. Lagi namang ganoon 'yon, umuuwi ng biglaan. "Oo na."

"Really?" Ngumiti ulit siya.

"Ay, hindi hindi—" Babarahin ko sana siya kaso inunahan ako ng yakap at halik sa lips ng bruha.

"Thank you! I love you, Mine!"

Pinalobo ko ang pisngi ko bago ngumiti habang hinahagod ang likuran niya. Hay nako, Juliet, hindi na kita natanggihan. Hindi man lang ako hinayaang mag-inarte ng slight, dinadaan ako lagi sa yakap at kiss, eh. Kainis!

Pero okay na rin siguro na hindi ako nakapag-inarte, at least masaya siya. Tsaka gusto ko rin naman siyang makasama sa New Year, ayoko lang sabihin. Huwag na huwag niya lang akong aayain manood ng fireworks.

"Let's watch the fireworks together!"

Binitawan ko siya at nag-cross arms. "Ano? Ayoko nga!"

Ang baduy-baduy no'n! Tsaka ang boring!

"Why?" Parang bata niyang tanong. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at niyugyog. "Why?"

"Why ka riyan. Ang baduy no'n Juliet!" Sagot ko at tinulak siya ng mahina para bitawan niya ako.

"Eh..." Ngumuso siya at bumaba ang tingin sa mga kamay niya. "Hindi pa ako nakakanood no'n."

"Ows?" Naningkit ang mata ko sa sagot niya. Tumango-tango naman siya ng mabagal. Napabuntong-hininga ako at ginulo yung buhok niya. "Fine. Pero last na 'yon ah."

Tumingin siya sa akin ng nakangiti na ulit, yung parang ngiti ng batang binigyan mo ng chocolate na tigpiso. Ganoon yung ngiti niya, labas lahat ng ngipin pati gums kita. Ang cute, nakakainis! Tapos nawawala pa yung mata niya, chinita kasi. Yumakap siya sa akin at binaon ang mukha niya sa leeg ko. "Thank you."

"Mm-hm." Napapikit na lang ako at ibinagsak ang katawan sa couch kahit nasa ibabaw ko siya. Whatever, inaantok ako. "Juliet, tulog tayo."

Naramdaman kong umiling siya at hinalikan ang leeg ko. Napahinga tuloy ako ng malalim sa ginagawa niya. Umangat yung halik niya sa tainga ko at kinagat ito ng mahina kaya napakagat ako sa lower lip ko, hindi na ako nag-abalang imulat ang mga mata.

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now