Chapter 23

8.2K 279 21
                                    

"Gusto mong sa kumukulong mantika kita paliguan?"

Nakakabwisit na talaga 'tong batang 'to! Bakit ba ang hirap-hirap niyang paliguan?

"'Yaw! Magiging prayd Peter ako, Tita Cindylangot, 'pag sa mantika mo 'ko niligo." Sagot niya na may kasama pang pagbelat.

"Tse! Cindy lang!" Naiiritang sagot ko. Nag-cross arms ako. "Ayon nga ang plano, Pedro. Iluluto kita tapos ipapakain sa mga aso riyan sa labas!"

Sukat doon ay bigla naman siyang umiyak at nagdabog sa harap ko. Nakakaloka! Ano 'to? Natakot talaga siya sa sinabi ko?

"Bad ka! Bad ka!" Ngalngal niya sa akin habang panay ang iyak. Hay, edi lalo akong mahihirapang paliguan 'to! Ang amos-amos na nga tapos iiyak pa! Kaya wala akong pasensya sa bata, eh.

"Mama! Anuhin mo nga 'tong bata rito! Iyak ng iyak!" Sigaw ko kay Mama na abala sa pagluluto sa kusina. Katulong niya si Juliet doon dahil yung butihin kong kapatid ay missing in action pa rin ngayon. Susme, kaninang umaga pa siya wala, tanghali na!

"Ay nako, Cindy! Patahanin mo 'yan at may ginagawa ako rito!" Rinig kong pasigaw na sagot niya.

Ay shit talaga. Ako talaga yung magpapatahan? Paano ba patatahanin 'tong tiyanak na 'to? Lagyan ko na lang kaya ng packing tape yung bibig pati mata niya?

"Huwag na huwag mong tatapalan ng tape 'yang mukha niyan, Cindy," Rinig ko ulit na sabi ni Mama. "Tatanggalin ko 'yang kilay mo!"

"Letse!" Pigil inis na bulong ko. Napatakip tuloy ako sa kilay ko dahil sa pananakot niya. Hindi pa naman nagbibiro 'yon. Manipis na nga kilay ko tapos tatanggalin niya pa? No way highway!

Napakamot na lang ako sa batok ko at napadabog na rin. Lalo namang lumakas yung iyak niya.

"Bad!"

Ayoko namang tawagin si Juliet para humingi ng tulong. Asa siya! Hindi pa kami bati, 'no!

Nag-count muna ako ng one hanggang ten, huminga ng dahan-dahan hanggang sa kumalma ako. Kailangan ko nang mag-praktis na habaan ang pasensya ko dahil siguradong mabilis akong tatanda lalo na kung may bulilit na tumatambay sa bahay.

This time, tiningnan ko na siya ng mahinahon at nilapitan. "Hoy, Peter, tahan na."

"Wah! Bad!"

Ay putragis naman. Eh, bakit lalong umiyak 'to! Diyusko, nawa'y magkaroon sana ako ng mahabang pasensya para sa pamangkin ko na 'to bago ko pa tuluyang isagawa yung madilim kong plano sa kanya. Pilit kong pinakalma ang damdamin ko at labag man sa loob ko ay hinagod ko na yung likod niya para pakalmahin siya at tumahan.

"Stop crying na, yung sipon mo, oh, ew!" Nandidiring sabi ko at napilitang punasan yung ilong niya. Kadiri! "Sige na, hindi ka na ipapakain ni Tita sa aso."

Next time na lang siguro.

"P-pwamis?" Masinuk-sinok na tanong niya. Aw, ang pula ng ilong ni bata, sarap panggigilan hanggang matanggal. Kaso baka mapatay ako ng nanay nito. Huwag na lang.

"Opo," sagot ko, "sa susunod na lang."

Natatawang napakamot ako sa ulo nang umiyak ulit siya ng malakas. Hah! Eh, kasi naman ang sarap lang i-bully!

"Mama Lola, oh! Wah!" Sumbong ng pikuning bata kay Mama. Pinandilatan ko siya ng mata kaya lalo na namang umiyak.

"Cindy!"

"Opo na! Sorry!" Natatawang sagot ko. "Aray! Peter!"

Bigla ba namang akong pinaghahampas? Sama ng ugali talaga! Hinawakan ko naman yung dalawang kamay niya para hindi na siya makagalaw. Ang kaso ang walangya, aba, sinisipa naman ako! "Bad ka, Tita! Cindylangot! Bad!"

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now