Chapter 24

6.9K 245 5
                                    

"Ssh!"

"Huwag kang maingay."

"Ikaw yung maingay, eh."

"Shut. Up."

Napakunot naman ako ng noo nang makarinig ako ng mga maiingay na bulungan sa tabi ko. Nakadapa ako sa kama at nakapikit. Malamang natutulog ako. At nakakainit ng ulo dahil maingay sila. Inaantok pa ako, eh!

"Ready?"

"Oo."

"Basta kapag nag-ala dragon, alam na, ah?"

"Yes, ma'am!"

Ano bang pinagsasabi ng mga 'to? At saka sino ba yung mga boses? Kaurat.

"One, two, three..." Sabay-sabay na bilang nang mga boses. "Hiya!"

"Aray!"

Tuluyan nang nagising ang diwa ko at lahat ng nerve cells ko sa katawan nang makaramdam ako ng bigat sa katawan ko, sa likod. Jusko ano 'to, bangungot? Ang bigat!

"Sandwich!" Sigaw ng mga hinayupak na dumagan sa likuran ko.

Napamulat ako ng mata at pinilit silang lingunin. Shete talaga, hindi ako makahinga!

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko nang makita ang pagmumukha ni Dianne at Trisha. "Ay letse ta-talaga! A-lis! H-hah!"

Umalis na sila sa pagkakadagan sa akin at automatic namang napatihaya ako at sumagap ng maraming oxygen. Uubusan ko sila! Hagikhik naman sila ng hagikgik habang pinapanood akong mahirapan dito. Loko, at talagang natutuwa pa sila.

"Good morning, Cinderella!" Hyper na bati ni Dianne. Ngumiti naman si Trisha at nag-peace sign. "Long time no see!"

Sinamaan ko sila ng tingin at bumangon ng dahan-dahan. Napahawak kaagad ako sa likuran ko dahil sobrang sakit. Shit, nabalian pa yata ako. "Letsee kayo." Inis na inis na sambit ko sa kanila habang nanggigigil. "Lumapit kayo at kayo ang babalian ko ng likod!"

Sukat doon ay nambelat lang sila. "Ayaw nga namin. Ano kami, tanga?"

"Oo, Dianne." Tatango-tangong sagot ko. "Sa lagay natin, kailangan mong maging tanga ngayon. Langya ka, sasapakin talaga kita!"

Letse! Sakit talaga ng likod ko! Dalawang tao ba naman pumatong sa'yo ng biglaan tingnan natin kung hindi ka maghingalo.

"Sapak, bilis!" Pang-aasar niya. "Sapak!"

Bubulyawan ko pa lang sana sila nang bigla silang tumakbo palabas ng kwarto ko. Aba't! Tinakbuhan ako!

May araw din 'tong mga 'to. At ngayon ang araw nila! Lintik lang ang walang ganti. Hah! Kotse mo ngayon, Dianne, ang kawawa. Napangiti ako sa naisip ko. Paniguradong iiyak yung babaeng 'yon.

Masakit man ang likuran ay dahan-dahan na rin akong bumangon para mag-ready sa pagligo. Alas-diyes na pala ng umaga. Wala rin sa tabi ko si Juliet. Malamang, si Pedro na naman ang kasama no'n. Bwisit yung batang 'yon, gustung-gusto yung girlfriend ko. Oh, edi si Juliet na may charms sa bata! Ako na wala! Tse! Bwisit.

Dala-dala ang towel ko ay pumasok na ako sa banyo at naligo. Hindi ko maiwasan na hindi mapakislot nang tumama yung malamig na tubig sa katawan ko, lalo na sa likuran ko. Nadali yata talaga ako ng mga ugok na 'yon.

Hay. Kung kailan naman kasi bisperas ng bagong taon saka pa sila nagpakita. Bwisit, mga epal. Sana nag-around the world na lang sila.

Papikit-pikit pa ako nang lumabas ako ng banyo. Nakabalot lang sa tuwalya ang katawan ko habang pinapatuyo ko ang buhok ko. Sakit talaga ng likod ko, shit!

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now