Chapter 25

6.9K 239 13
                                    

Steff's

"Relax." Natatawang sabi sa akin ni Cindy kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tinaasan naman niya ako ng kilay kaya napabuntong hininga na lang ako. "Relax nga, Ate."

Napahilamos ako sa mukha ko gamit ng kamay ko. "Cinderella—" Tinitigan niya ako ng masama dahil sa pagtawag ko sa kanya so tumikhim ako at nagpatay-malisya. "C-Cindy. Tama, Cindy."

"Good." Nag-crossed arms siya sabay tumango.

"Ayon nga. Cindy, paano ako magre-relax kung alam kong..." From mahinahon na boses ay unti-unting nagkaroon ng diin ang bawat syllable na binibigkas ko. "...kung alam kong may bagong nanliligaw sa kanya at nagd-date sila ngayon ng poncho pilatong pangit na lalaking 'yon!"

Nakakainis naman kasi 'yang si Marian! Alam nang nililigawan ko siya tapos malalaman ko na nagpapaligaw na din siya doon sa classmate niya sa isang subject sa school? Jusmiyo. Makakapatay ako ngayon. Nakakainis lang yung sagot niya sa akin no'n nung malaman ko 'yon. Hay.

"Mahal kong pinsan! Juliet, my crush!"

Sabay-sabay kaming napalingon kay Yanyan na humahangos palapit sa amin. Naka-uniform pa siya noon at pawis na pawis na akala mo tinakbo ang buong subdivision namin. Pasaway na babae 'to. Hindi man lang umuwi para magpalit ng damit.

"Maingay kang haliparot ka." Sagot sa kanya ng ever kong masungit na sis na itago natin sa pangalang Cindy.

Humagikhik naman si Juliet sa sinabi ng girlfriend niya at dahil na rin sa biglaang pagsimangot ng aking love of my life. Kakilig! Kyot-kyot talaga ng aking future bride.

"Sama mo talaga, Cindy—!" Nakanguso niyang sagot. Inambahan naman siya ng kapatid ko kaya agad siyang nag-peace sign. "Joke! Alam mo yung joke? Joke lang, eh! Chill!"

"Tigil-tigilan mo 'ko at wala ako sa mood."

"Palagi ka namang wala sa—"

"May sinasabi ka, Ate Steff?" Putol niya sa sasabihin ko. Umiling naman ako at ngumiti ng sobrang tamis. "Good." Nilingon niya si Yanyan na mukhang tanga lang na nakatingin sa amin. "So, bakit parang excited ka riyan?"

Sukat doon ay namula siya at nagsimula nang magtatalon-talon kasabay ng isang makapanindig-balahibong victory dance. Ang weird talaga sumayaw ni Yanyan. "Eh! Enebe! Eh!"

"Letse, para kang nanganganak diyan! Diretsuhin mo na!" Naiinip na saad ni, siyempre, sino pa ba.

"Excited, Cindy? Wait lang kasi, kinikilig pa 'ko!"

"Landi-landi!"

"Ito na!" Naiiritang sagot ni Yanyan. Wala, eh, palaging red flag 'tong kapatid ko. Nagmukha na naman siyang tanga habang pa-chicks na inayos yung buhok niya sa gilid ng kanyang tainga. "Eh, kese, ene."

"Putra—"

"Ito na talaga!"

"Bilisan mo!"

Natawa na lang ako nang magpapadyak si Cindy na parang bata, nakakuyom na yung kamao niya na parang anytime ay sasapakin na niya si Yanyan.

"Ito na nga, may nanliligaw na sa'kin!"

Walang emosyon na napatitig si Cindy habang ako naman ay biglang kinabahan. "Oo, alam ko namang nililigawan ka na ni—"

"Hindi. Nililigawan na ako ni Renzo!"

Sabay-sabay kaming parang nabulunan ang reaction pero unang nakabawi si Cindy na napakunot ng noo. At ako, well, sabihin na lang natin na para akong natuklaw ng ahas sa nalaman. Siya, nililigawan? At hindi lang ako? F...ugh!

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon