Chapter 26

6.8K 240 4
                                    

Cindy's

"Mine!"

Napailing na lang ako habang pilit na inaalis si Juliet sa pagkakayakap sa baywang ko. Napapatingin na nga 'yong ibang estudyante sa amin pero hinahayaan ko na lang. 'To naman kasing babaeng 'to, magkakahiwalay lang kami sa isang subject, kung makapag-drama naman akala mo isang taon kaming hindi magkikita! "Juliet, isa, bumitaw ka na."

"But...but, but...Mine!" Tawag niya ulit at ngumuso na parang bata habang panay ang pag-iling. Hinigpitan niya rin ang pagkakayapos sa aking balingkinitang katawan. Naks, balingkinitan! "Ayokong malayo sa'yo. I'm going to change my─"

"Nako, babae, tumigil-tigil ka." Pag-aawat ko sa kanya. "Hayaan mo na!" Hinawakan ko siya sa kanang pisngi at hinaplos ito. "Isang subject lang naman. Magkasama naman tayo mamayang break."

"But I'm going to miss you," Lalo pa siyang ngumuso, halata ding nalulungkot siya. Napailing tuloy ako at pinipigilang mapangiti. "Hindi mo ba ako mami-miss?"

"Hindi." Ayan na, wala na, napangiti na talaga ako! Ang cute naman kasi mag-drama nitong girlfriend ko.

"Nakangiti ka pa," Sumimangot siya at pinadyak ang mga paa, pero nakayapos pa rin sa'kin. "Siguro gusto mo talagang malayo ako."

"Hindi sa gano'n," Pag-aalo ko at hinalikan siya sa pisngi, halatang namang nagpipigil ng ngiti ang bruha. "Cute mo kasing babae ka, ayon nga lang, mas maganda ako."

Sukat do'n ay napahighik siya at hinalikan ako sa noo. Kinilig ang ilan sa mga nanonood sa'min. Mga hinayupak na 'to, gawin ba naman kaming live show.

"Fine, fine. Basta sunduin kita." Sabi niya sa akin. At tingin ko, kahit tumanggi ako ay wala akong magagawa dahil magmamatigas pa rin siya. Humalik siya ng saglit sa labi ko sabay ngiting kinikilig. "May utang kang isang rape sa'kin."

"Sira-ulo," Hinampas ko siya sa braso kaya napa-aray siya at ngumuso. Loko kasi, paano kung may makarinig? Baliw. "Rape ka diyan, asa kang babae ka."

"Sayang!"

"Isa, Juliet!"

"Joke lang." Humalik ulit siya sa labi ko. "I love you."

"Oo na." Tatawa-tawang sabi ko. Eh, paano, sumimangot ulit. Ayaw na ayaw talaga kapag gano'n lang ang sagot ko. Arte. "Oh, bitaw."

"Eh, ano ba 'yan." Parang batang reklamo niya.

"Bitaw muna." Utos ko. Napakagat pa siya sa ibabang labi bago bumitaw sa'kin. Nang-aakit talaga 'tong Parker na 'to. Kung bakit ba naman kasi napaka-kissable tingnan ng labi niya. Tapos ang sarap pa. Landi talaga! Ang ginawa ko, tumingkayad ako at inilapit ko ang mukha ko sa tainga niya at sinadya ko talagang tumama ang aking hininga sa balat niya. Napahawak naman siya sa braso ko kaya napangisi ako. "I love you, too." Bulong ko sabay kagat sa kanyang earlobe, pasimple ko itong pinasadahan ng dila ko kaya rinig ko ang mahinang ungol ng maganda kong Juliet. Sana walang nakapansin. Lumayo ako at napatingin sa paligid, mukhang wala naman.

Namumula siyang napatitig sa akin at muli, katulad ng palagi niyang ginagawa, ngumuso siya sa akin. "Lagot ka talaga sa akin mamaya."

"Subukan mo." Pang-aasar ko sabay takbo sa loob ng classroom. Hindi na naman siya humabol at saka dumating na rin kasi ang prof. At isa pa pala, late na rin 'yong babaeng 'yon sa klase niya. Hay, ang sarap niya lang akitin─este, asarin.

Ganda ko kasi.

Nag-start nang mag-discuss si Sir at ako naman, kung dati ay hindi ako halos nakikinig, ngayon naman ay pinipilit ko na talagang intindihin lahat ng lumalabas sa bibig niya kahit nakakaantok. Ang hirap maging scholar lalo na kung hindi mo naman talaga forte ang mag-aral pero kailangan, eh. For the sake of Juliet. Naks, English! Eto na ba ang resulta ng aking pagiging matalinong estudyante? Nababaliw na ako, jusmiyo.

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now