Chapter 30

6.8K 249 10
                                    

Yanyan's

Aray!

Ang sakit ng ulo ko! Ano bang nangyari?

Nakapikit na nailagay ko ang braso ko sa mata ko, kunot-noo pa 'ko habang paantok na umungol. Ang bigat ng katawan ko, feeling ko nakipag-wrestling ako ng twenty four hours non-stop sa sobrang sakit ng katawan ko na parang anytime ay magkakalasug-lasog na.

"Naman!" Napakamot ako sa ulo ko at nag-effort talaga akong magmulat ng mata. Medyo maliwanag na dahil sumisilip na rin yung liwanag ng araw sa bintana ko. Pagbangon ko ay parang lumindol bigla. "Ay wow, grabeng hangover 'to..."

After ng ilang minutong pakikipag-away sa sarili ko kung tatayo na a ako o ano ay namalayan ko na lang na sumusuka na 'ko sa banyo ng kwarto ko.

"Kadiri!" Sabi ko at ni-flush ang toilet. Mabilis din akong pinagpawisan kaya naligo rin agad ako. Hindi bale nang masakit ang ulo, basta fresh!

Pagkatapos kong maligo ay nakahinga na rin ako ng maluwag dahil nabawasan na ang sakit ng ulo ko. Buti naman! Ayan kasi Marian, laklak pa kasi! Bakit ba kasi ako nag-feeling lasinggera kagabi, makainom wagas.

Ngayon...himala, ah. Nadala ko ang sarili ko rito sa higaan ko. Tsaka mukhang nagawa ko pang makapaglinis ng katawan kagabi dahil iba na yung suot ko kanina. Achieve!

Bumaba ako ng kwarto at pumunta nang kusina. Napakunot ako ng noo nang makita ko si Steff na prenteng nakaupo at nanginginain ng breakfast na hinahain ngayon ni inang mudrakels. Napatingin sa'kin si Mama at pinanlisikan ako ng mata. Hala, ano na namang ginawa ko?

"Buti naman naisipan mong gumising agad!" Lalapit pa sana si Mama para pingutin ako pero nakatakbo ako sa kabilang dulo. "Aba, kalakas ng loob mong uminom pero hindi mo naman pala kaya! Naku! Buti na lang nandito 'tong si Steff kagabi. Jusko, kung maikli ang pasensiya ko malamang sa kalsada ka na nagising!"

Awts! Ang hard ni Mama! Eh, maiksi naman talaga ang pasensiya niya!

"Huwag mo 'ko matingnan-tingnan ng ganyang babae ka!" Pinanlakihan niya ako ng mata kaya umiling ako. Peace na! World peace!

Pero wait. Ano raw? "Si Steff po?"

Tiningnan ko si Steff. Hanggang ngayon hindi pa rin siya natingin sa'kin. Aba himala, usually lalapit na agad siya sa'kin para yumakap, ah. Nakain nito?

"Oo," Sa wakas, kumalma na si mother dear. Umupo ako sa bakanteng upuan katabi ni Steff at kumuha na ng plato ko. "Pasalamat ka at nag-volunteer 'yang pinsan mo na alalayan ka kagabi."

"Siya po?" Tanong ko.

Nag-poker face si Mama. "Hindi."

"Nagtatanong lang, eh." Grabe, nasa lahi ba talaga namin ang mga masusungit? Jusmiyo baka naman ampon lang ako dahil ako ang pinakamabait dito sa amin?

"Ayusin mo kasi 'yang tanong mo," Napahilot siya sa sentido niya. "Nagkaka-wrinkles ako dahil sa'yo."

"Ma, matagal ka ng may wrinkles—" tiningnan niya ako ng masama kaya patay-malisyang naghain ako sa sarili at kumain na agad. "Ang sarap ng luto mo, Ma."

"Hotdog lang 'yan."

"This is da most delishossso hotdog in the whole wide word!" Sabi ko at kumagat ng mas malaki sa hotdog. Yum! Lasang Purefoods!

"Tigilan mo 'kong bata ka."

"Hindi nga, Ma, si Steff nag-alaga sa'kin? Sino'ng nagpalit ng damit ko?"

"Ay malamang si Steff din!" Iritableng sagot ni Mama. "Tanong ka ng tanong, ayan si Steff!" Tinuro niya si Steff na tahimik pa rin. "Kausapin mo!"

Napatingin naman ako sa kanya. Ang seryoso naman niya masyado ngayon. Wala ba siya sa mood? Baka red flag? Hindi naman siya ganyan kahit meron siya. Hala! Hindi kaya may nasabi akong kaadikan kagabi tapos nagalit siya? Jeskelerd! Help!

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now