Chapter 31

6.8K 227 7
                                    

Cindy's

"Yung totoo, bakit ang tagal nila? Baka may ginagawa na silang kababalaghan, ah!"

Natawa naman si Juliet sa sinabi ko at yumakap lang sa'kin. Eh, paano ba naman kasi, kanina pa kaming naghihintay rito ni Juliet sa living room at hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas sa kwarto sina Ate at si Yanyan. Ay nako, baka naman 'pag napadpad ako sa lungga nila, rated SPG na yung madatnan ko! Don't me! Susunugin ko kwarto nila!

"Juliet, pasukin na natin!" Utos ko at akmang tatayo na pero inawat niya 'ko at hinila paupo. Tumingin ako sa kanya habang nakakunot ng bongga ang noo ko. "Bakit ba?"

"Let them be alone, kailangan nila 'yon." Kalmadong sabi niya habang pinaglalaruan ang buhok ko, jusmiyo nagiging ano na naman po siya. "If you want, let's go to your room, let's be alone there."

Kinurot ko yung pisngi niya. "Ano na namang naiisip mo, Juliet?"

"Kiss?"

"Oh?"

"And hug? And more kiss? And a lot of kiss?"

Napa-poker face ako sa sagot niya. "Hindi mo naman siguro ako gagahasain, ano?"

"Well..." Ngumiti siya ng pilya kaya ayan, nakatikim ng batok. Hinimas niya ang tuktok ng ulo at nag-pout. "Ouch."

"Manyak ka, eh."

"Sa'yo lang naman." Tinaasan ko siya ng kilay kaya tinikom niya ang bibig niya, zinipper kuno pa. Isip-bata talaga.

"Yo! Dianney and Trishaey in the house, yo!"

Napalingon naman kami sa mga bagong dating na bwisita. Si Dianne, parang ewan, hindi mo alam kung rapper o sira-ulong gumagaslaw sa harapan namin, may suot pang malaking salamin. Si Trisha naman nakangiwi na at parang humihingi na sa'min ng sorry dahil sa kabaliwan ng girlfriend niya. Buti pa siya matino, eh.

"You've gone mental, Dianne," Naiiling na komento ni Juliet kaya natawa ako at nakipag-apir pa sa girlfriend ko. Sumimangot naman si Dianne at umarteng brokenhearted.

"Awts! You guys hurt my feelingz!"

"Feelingz talaga?"

"Oo, feelingz!" Hyper na sabi niya. After ng ilang seconds ay bumalik na rin siya sa normal. I mean, yung pinakanormal na itsura niya. "Okay, naka-move on na 'ko."

Anak ng, ang bilis, ah.

"Bakit kayo napadpad dito?" Pagbabago ko na lang sa usapan. Baka mamaya mahawa pa si Juliet ko sa kabaliwan ng mga 'to, bilib nga 'ko kay Trisha dahil nakakatagal siya.

"Bakit?" Tumaas-taas yung isang kilay niya. Mukha siyang kolokoy. "Miss mo 'ko?"

"Hindi."

"Sungit!"

"Thank you."

Humagikhik naman sa tabi ko si Juliet. "I love that side of yours...sexy." bulong niya.

"Tse!" Natatawang sagot ko at hinalikan siya sa pisngi. Lagi na lang may pambanat, eh. Unlimited.

"Ugh," Arte ni Dianne na parang nasusuka, si Trisha naman nakahawak lang sa likuran niya. "Baby, remind me not to watch the gross scene again."

"May sinasabi ka?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya ngumiti lang siya at umiling. "Good." Buti na lang, or else bibigwasan ko siya. "So, bakit nga kayo napunta rito?"

"Ah, kasi ganito 'yon..." Ngingiti-ngiti pa si Dianne, habang tumatagal ay nawawala na ang ngiti niya hanggang sa kumunot na ng bongga ang noo niya. Natatawa tuloy ako sa phasing ng pagmumukha niya. "Ano nga 'yon?"

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon