Chapter 32

6.1K 215 9
                                    

Yanyan's

"Yanyan ko."

Napakamot na ako sa ulo ko habang tinitingnan siyang magpagulung-gulong sa kama ko. Kanina pa 'yan, eh. Parang bulateng inasinan, hindi mapakali. Humarap ulit ako sa laptop ko para magbasa. Minsan na nga lang ako mag-aral, eh, edi lubusin na!

"Yanyan. Pansinin mo 'ko." Parang bata niyang sabi.

Pumikit ako at nagbilang ng tatlo bago siya lingunin. "Kanina ka pa, ah! Ano bang problema mo?"

Ngumisi-ngisi siya. Lumapit siya sa'kin at hinila ako. "Hindi mo 'ko pinapansin, eh."

"Ay, ano ba 'yan!" Napasigaw ako nang itulak niya ako pahiga sa kama saka siya pumaibabaw sa'kin. Nakatukod yung mga siko niya sa magkabilang side ng ulo ko. Tinulak ko siya sa parteng dibdib pero tumawa lang siya. Nakakaasar naman 'to! "Alis nga riyan, Steff!"

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Pero hindi siya nagmukhang mataray, nagmukha po siyang nang-aakit, jusme! Ano bang sumapi rito at mukhang tinotopak na naman siya?

"Steff!"

"Yes, Yanyan my love?" Ngumiti siya yung mala-Colgate smile bago nilapit yung mukha niya. "Gusto mo kiss?"

"Kiss ka riyan!" Tinulak ko ulit siya. Maduduling na 'ko sa sobrang lapit niya, eh. "Alis! Minsan na nga lang ako mag-review, eh."

"Ayoko nga." At ang makulit na babae, inilapit na naman ang feslak niyang hindi yata uso ang pores. Oh, edi siya na makinis ang fez! "Naglalambing lang girlfriend mo, eh."

"Girlfriend?" Ako naman ngayon yung nagtaas ng kilay. "Eh, hindi pa nga kita sinasagot."

"Pero umamin ka kaya girlfriend na kita."

Nanlaki yung mata ko. "Gano'n ba 'yon?"

"Yep."

Napanguso ako. Hindi ko naman alam, eh! Akala ko kasi kapag umamin ako mababakuran ko na rin siya tsaka wala nang lalandi sa kanya. Malay ko ba na ang ibig sabihin no'n ay kami na. Grabe. Hindi ko man lang naranasang sumagot ng 'oo' sa manliligaw. How pitiful iz dis layp!

"P-pero─" Napahinto ako nang halikan niya ako sa lips bigla. Ipinilig ko lang ang ulo ko. "Steff─" Humalik ulit siya. "W-wait lang─" At ng isa pa, at isa pa, at ng isa pa ulit. Tinakpan ko na yung bibig niya. "Teka nga! Kanina ka pa halik ng halik!"

Humagikhik lang siya at inalis yung kamay ko, inalapat niya 'to sa gilid ng ulo ko at hinawakan ng mahigpit. Luh. Problema nito? Masyadong maharot.

"Ang saya ko." Ngiting-ngiting sabi niya.

Ngumiti naman ako ng pang-asar na sarcastic ang dating. "Ah, talaga?" Hindi ko nga halata, eh. Pramis.

Sinubsob niya ang leeg kaya naalerto ako. Alam ninyo na, baka may maisip na kahalayan. Ang hirap pa naman pigilan nito.

"I love you." Bulong niya sa tainga ko.

Napatikom ako ng bibig. Enebe. Kinikilig ako! Bakit! Bakit ako kinikilig sa babae? Why!

Gamit yung isang kamay ko ay niyakap ko siya. Masarap pala yung ganitong pakiramdam. Yung gusto mo yung taong kasama mo. Iba 'to, eh. Feeling ko iba 'to kaysa sa kung paano ko siya i-treat dati. Kasi ngayon, yung love na umiikot sa'ming dalawa, nag-level up na. Taray! Umi-English na me! Bigyan ng jacket! Ha. Ha. Ha. Korni ko.

Ay, wait. Bago pa ako tuluyang mapasailalim ng panlalandi ni Steff, kailangan ko pa nga pala mag-aral! "Steff? He-he."

"Hm?" Feeling ko aatakihin ako sa heart nang bigyan niya 'ko ng maliliit na halik sa leeg. Hala siya, ginagawang pulutan yung leeg ko. Maawa ka!

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now