Chapter 33

5.9K 199 2
                                    

Cindy's

"Cinderella, ang tahimik mo."

Inirapan ko naman yung taong nagsabi ng buong pangalan ko. Pero para din siyang si Juliet na—nevermind. "Cindy lang, okay? Okay? Babangasan na kita diyan."

Nagkibit-balikat lang siya at inilapit yung armchair niya sa'kin. Ako naman ay lumayo lang. Nakakainis na 'tong babaeng 'to! Bakit kasi wala pang prof? Panay tuloy pangungulit nakukuha ko. Hindi ba niya ma-gets na wala ako sa mood? Kung hindi lang magagalit si Ninong Duterte, papatayin ko na 'to. Taray, maka-Ninong, wagas!

"Bakit nalayo ka?" tanong niya.

"Eh, bakit nalapit ka?"

"Nalayo ka, eh."

"Exactly."

"Ang taray!"

"Kasi nakakairita ka na." Tinaasan ko siya ng kilay. "Ikaw nga, Nikki, tigil-tigilan mo 'ko! Wala ako sa mood! Badtrip ako!"

"Bakit?"

Na-click ko na yung tongue ko sa sobrang pagkaasar. Jusko, mauubusan ako sa kanya ng dugo! Para hindi na ako ma-highblood lalo ay mas pinili ko na lang na manahimik. Bahala siya riyan. Ang magaganda, hindi dapat hina-highblood. Nakakaloka!

Imbes na nag-e-emote ako rito, wala! Para akong may kasamang bata na kailangan paslangin sa sobrang kaanuhan. Time ko 'to, eh. Nag-e-emote dapat ako.

"Hindi ko yata nakita yung kapatid mo?"

Huh? Ano raw? Kapatid? Nasa trabaho si Ate Steff, ah? Abnormal ba 'tong babaeng 'to? Bigla akong binibigyan ng instant kapatid.

"Si Juliet ba 'yon? Ah, oo. Juliet nga. Kapatid mo 'yon, 'di ba?"

Sukat doon ay kaagad ko siyang tiningnan ng masama. Parang lalo yatang sumama ang araw ko. "Hindi ko siya kapatid, okay? Girlfriend ko siya."

Nakakainis 'to! Ayoko nga siyang maalala tapos babanggitin pa niya! Nakakainis 'yang Juliet na 'yan! Dumating lang si Romeo, parang nakalimutan na 'ko!

Alam ko namang sumusunod lang siya sa magulang niya pero kasi nakakasama pa rin ng loob. Alam naman ng magulang niya na nagkagusto ro'n si Juliet dati tapos parang ang dating, eh, nirereto pa nila yung anak nila sa lalaking 'yon. So gano'n, nalimutan agad nila ako? Grabe. Nakakasaya ng damdamin, as in.

Pero seryoso. Nagseselos ako.

Hindi niya ako sinabayan kaninang umaga kasi sinundo raw siya no'ng Romeo. Hello! Ano siya, chicks na nagpapaligaw? Tsaka ang alam ko may girlfriend si mokong, ah. Huwag niya sabihing break na sila tapos si Juliet naman ang trip niya? Nako, nako, maghahalo ang dugo sa tinalupan!

Tapos ito pa, ni hindi niya pa ako naipapakilala. Grabe. So gano'n 'yon? Edi, fine! Ako na mismong magpapakilala sa sarili ko! Tse!

"Magb-break din kayo."

Itinapat ko yung ballpen sa mukha niya. "Gusto mong gripuhan natin 'yang tagiliran mo? Ang sama ng ugali nito!"

Ngumiti siya sa'kin. "Eh, siyempre. Liligawan pa kita."

"Kilabutan ka nga!"

"Sa kilig? Okay. Pero next time na," Lumapit siya sa tainga ko. "Kapag girlfriend na kita."

Tinulak ko yung mukha niya. "Hindi ka na nakakatuwa."

"Sus. Hindi seryoso 'yon sa'yo. Bakit nakita ko siya kaninang may kasamang lalaki?" Tanong niya na may kasama pang pag-ngisi.

Para naman akong sinaksak sa likod dahil sa sinabi niya. Si Romeo kaya 'yon? Magkasama pa rin sila? "K-kilala mo yung lalaki?"

"Kilalang-kilala." Ngumiti siya ng matamis. "Kuya ko 'yon, eh. Biruin mo, nahanap na niya si Juliet. Edi masaya ako kasi bukod do'n, magkasama pa kami sa iisang school."

Para namang nabingi ako sa sinabi niya. "Kuya?"

"Yep. Si Kuya Romeo."

"Teka. Teka. Paano? Paanong naging kapatid mo 'yon? Tsaka kuya mo?" Naguguluhang tanong ko. Ano 'yon, magic? Wow! Pinagti-trip-an ba 'ko ni destiny? Hindi nakakatuwa!

"Ah, kasi, parehas kami ng magulang?" Tiningnan ko siya ng masama kaya nag-peace sign siya. "Taray mo talaga! Kaya kita gusto, eh."

"Tigilan mo nga ako!" Mas lalong nadagdagan ang inis ko sa kanya dahil sa nalaman ko. "Siguro sinasadya mong pagtripan ako para maka-porma yung Romeo na 'yon kay Juliet, 'no?"

Sumeryoso naman ang mukha niya at umiling. "Seryoso akong gusto kita. Pero alam kong may gusto si Kuya sa girlfriend mo, matagal-tagal na rin."

"Hello! Paanong mangyayari 'yon kung may girlfriend siya?" Naiinis na tanong ko.

"Break na sila."

"Nag-break lang, nagkagusto na agad kay Juliet?"

"Edi tanungin mo si Kuya."

"Ikaw kaya kapatid niya!" Dadagukan ko na 'to, eh!

"Eh, ikaw naman nagtatanong."

Inirapan ko siya. Nakakainis si Nikki! Nakakainis si Romeo! Nakakainis si Juliet!

Magsasalita pa sana ako nang bigla namang dumating yung prof. Ang ganda ng timing, kung kailan parang ayaw ko nang magklase saka naman siya dadating!

Tumahimik na ang klase at nagsimula na siyang magturo. Bahala siya riyan. Wala na rin ako sa mood para makinig, distracted na 'ko. Kasalanan 'to nina Juliet.

Habang patuloy sa pagdaldal yung prof sa harap, yung isip ko naman ay patuloy lang sa paglipad. Nakarating na kay Juliet. Sa mga nangyari. Bakit gano'n? Napahawak ako sa chest ko, parang may masakit. Alam mo yung parang may sumasakal sa dibdib tapos nahihirapan kang huminga pero hindi naman? Mabilis yung heartbeat ko pero parang ang hapdi bawat tibok. May tusok. Ang init din ng sulok ng mata ko na parang anytime ay iiyak ako. Ew! Hindi ko kaya! Sabi ko kanina, mag-e-emote ako. Pero parang hindi bagay sa'kin mag-drama! Ako ba talaga 'to? Si Cindy, magd-drama at mag-e-emo dahil sa isang tao? Nakakaloka mag-moment, hindi ko keri! Nakaka-depress!

Hindi, eh. Hindi dapat ako nagmumukmok. Mali 'to. Hindi ako magd-drama dahil lang sa nagseselos ako. Para saan pang naging si Cindy ako kung hindi ako gagawa ng paraan? Gaganti ako. Tama! Humanda sa'kin 'yang Romeo na 'yan. Humanda rin sa'kin si Juliet. Pati si Nikki idadamay ko, mas dinagdagan niya inis ko kanina.

Wait, hmm... Ano kayang gagawin ko? Ano pa ba, edi magtaray ng bongga. Chicks na kung chicks, at least totoo. Em zo evil! Wow, so ako na pala ang kontrabida sa sarili kong story. Ah, 'di bale, at least maganda.

'Yan, ganyan! Taasan ang fighting spirit! Maganda ka, Cindy, magandang-maganda! At ang magaganda, lumalaban, hindi nagpapaapi! Ang akin ay akin. Babangon ako't dudurugin kita! Taray!

"Cinderella," Naputol ang moment ko nang kalabitin ako ni Nikki. Tiningnan ko siya ng masama. Panira!

"Bakit?" Pasigaw na bulong ko. Baka masita ako ng prof, mahirap na.

"Okay ka lang?"

"Bakit na naman?"

"Nakakatakot kasi 'yang mukha mo. Parang may masamang balak."

Napairap ako. "Manahimik ka."

"Sus. Crush mo na 'ko, 'no? Tinatarayan mo ako lagi, eh."

"Kapal ng mukha."

Confirmed. Nakakasira ng araw si Nikki. Parehas sila ng kuya niya.

Oh, well. At least okay na ulit ako. Hindi bagay sa'kin maging emo.

Ang ganda ko kasi.

_____

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now