Chapter 40

7.2K 229 19
                                    

Cindy's

"Sure ka bang kaya mo nang pumasok?" Ang paulit-ulit na tanong ni Yanyan sa akin. Para na siyang sirang makina. "Valentine's Day ngayon tsaka Foundation Day naman. Hindi mo kailangan─"

"Isa pang salita mo, masasampiga na kita." Inis na inis na pinutol ko yung sinasabi niya. Inirapan ko siya kaya napaatras siya, halatang magtataas na ng white flag. Ewan ko ba, naiinis ako pero parang wala sa wisyo yung boses ko. Feeling ko hindi ako nag-breakfast, eh, ang dami na nga ng nakain ko. "Naiinis ako sa boses mo."

Baka naman may aftermath pa yung sakit ko? Edi wow.

Nag-pout naman yung babaeng nasa harap ko. "Valentines na Valentines pero nagtataray ka na!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Valentines na Valentines wala kang date."

"M-may work si Steff, eh!" Giit ng maharot na si Yanyan habang nagb-blush. Ewan ko kung bakit. "Ikaw rin naman! Wala!"

Tiningnan ko siya ng masama. Kailangan ipaalala? Kinuha ko yung cellphone ko at binato sa kanya kaso nakailag siya kaya sa pader nag-landing yung hinagis ko. Nanlaki yung mata niya. Nga-nga.

Nakakainis! Lahat ba ng makikita ko, paiinitin ang ulo ko!

"H-hoy! Masakit 'yon! Grabe na 'yang kasadistahan mo, ah!"

Sayang. Hindi tinamaan.

"Hindi ka naman tinamaan." Nanghihinayang na sagot ko bago tingnan ang kuko ko.

"K-kahit na!" Depensa ng nakakatulig na pinsan ko. Nilingon niya yung cellphone. Para siyang ewan habang pinupulot yung lasug-lasog na katawan ng phone. Tumingin siya sa akin na parang nang-aakusa. Problema nito? Para akong nakapatay, ah. "Sayang yung phone mo, Cindy! Ang mahal nito tapos tinapon mo lang? Grabe ka! I hate you!"

"Ang ingay mong letse ka!" Sigaw ko sa kanya bago kunin yung bag ko. "Tigil-tigilan mo ako Marian, ah, ang aga pa! Diyusko! Pinapainit mo ang ulo ko!" Nakuyom ko na yung kamay ko. Lumabas na lang ako bago pa tuluyang mandilim paningin ko. Baka ma-salvage ko 'yong babaeng 'yon.

Dire-diretso akong naglakad palabas ng bahay pero siyempre hinintay ko pa rin si Yanyan. Alangang wala akong kasabay.

"Wait for me!"

Napairap na lang ako sa madramang pagsigaw niya. Napangiwi siya and nag-peace nang samaan ko siya ng tingin.

"Relax ka lang, mahal kong pinsan," Pagpapakalma niya sa akin, may kasama pang tapik sa balikat. "Magkaka-wrinkles ka niyan, sige ka."

Kumunot ang noo ko. Tinaasan ko siya ng kilay sabay flipped ng hair. "Hindi nagkaka-wrinkles ang magandang tulad ko."

"Oh!" Amaze na amaze na reaction niya, pumalakpak pa ang loka-loka. "Kaya pala wala akong wrinkles!"

"Hindi ka maganda."

Ngumuso siya. "Ang sama mo!"

Nag-iwas ako ng mukha bago ngumiti. "Bahala ka nga riyan."

Kahit papaano gumaan na yung pakiramdam ko. Sa totoo lang kasi parang hindi pa rin ako makapaniwala na nakipag-break ako kay...basta! Hindi ko rin naman in-expect na magagawa ko 'yon. Hay...feeling ko nagsisisi ako. Pero kasi tama lang naman yung ginawa ko, 'di ba? Kailangan niya ng time. Ako, kailangan ko rin. Miss ko na siya...pero ang sakit kasi, eh. Sana pala sinuntok ko na lang siya sa mukha.

Kaso sayang ang ganda. Hay...

Nakarating kami ng school nang hindi ko man lang namamalayan. Halos mabulag ako sa mga nakikita ko. Puro pula! Bakit nga ba ako pumasok!

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now