Chapter 1- First

47 6 9
                                    

Pearl Chesa Dominique's  POV

"Yes my prince!" Nagnining ang mata ko sa kilig. Ikaw ba naman luhudan ng gwapong lalaki at bigyan ka ng singsing.

Isinuot ng gwapong nilalang na ito ang singsing sa aking palasingsingan at aakmang hahalikan ako!

Malapit na..

Waaaaaahh

Ayan na sobrang lapit na..

*Tok Tok Tok!*

"Ate! Ate! Ate! Ate! Ate! Ate! At-

"Ano ba!" Suway ko, ano ba naman yan! Panaginip lang pala! Isa pa tong Perie na to! Di niya ba alam na nakakarinding pakinggan ang pag-uulit niya sa pagtawag.

"Anong ano ba?! Ha? Pasalamat ka ginising kita tingnan mo orasan mo!"

"Wala akong pake kng anong oras na!"

"Edi wag ka nang pumasok para bawas sweldo! Psh!"  Hala! Dali-dali kong tiningnan ang cellphone ko.

8:27 am!

jusko 9:00 am ang raket ko ngayon!

Dali-dali akong naligo at nagbihis saka dumiretso sa kusina. Nagtimpla lang ako ng kape at kumain ng pandesal at nag sipilyo.

"Ate sino si 'my prince' mo?" Nakangisi pa ang abnormal kong kapatid. Humanda siya sinira niya ang beauty sleep ko!

"Humanda ka sakin mamaya Peridot Cass Dominique!" Sige tumawa lang siya mamaya ako naman ang tatawa sa kanya *grins*

"Ma alis na ako, bye"

*tsup*


"Kumain ka muna ng kanin baka mapano ka" sabi ni mama


"Hindi na po! Male-late na ako! Bye!" Sabi ko at sumakay ako ng trycycle papunta sa sideline ko ngayon.


Kahit saan ako sumasideline matulungan ko si mama sa pagpapa-aral kay Perie. Hindi ako nakatapos dahil sa hirap at dahil wala na rin si papa, sinabi ko kay mama na tutulungan ko siyang patapusin ang pag-aaral kay Perie. Hindi labag sa loob ko iyon dahil mahal ko ang kapatid ko kahit abnormal yun minsan.

Nasa tapat ako ng malaking building nitong Adelfa Publishing Company. Isa sa mga pangarap ko ang maging isang sikat na writer pero malabo nang mangyari yun dahil sa nagawa ko.


*Sigh*

Nandito ako sa publishing company na ito hindi dahil magpapasa ako ng story kundi dahil magja-janitor ako dito ng isang buwan.


Pagkapasok ko bigla na lang akong-


*pak!*

"Aray!" Infairness ang sakit ng pwet ko, well na slide lang naman ako sa basang sahig. Malay ko bang basa pala tong sahig! Tumayo na ako, alangan namang maghubtay pa kong may tumulong sakin eh oarang wala silang balak tulungan ako. Psh

Hindi man lang nilagyan ng sign na wet floor!

"Uh Miss, are you okay?" Okay na okay, sarap nga ng feeling ng ma slide eh! Lumapit sa akin ang isang magandang babae na mestisa. Ang ganda niya! Para siyang artista.

"Opo, okay lang po ako"


"Bakit ba kasi walang sign na nilagay dito! Kuya pa-asikaso please!" Sabi niya sa janitor "I'm so sorry, and you are?"

"Ako po si Pearl, Pearl Dominique." Ang bait naman niya, gusto ko siyqng maging friend. Hindi ko ginagamit ang Chesa dahil matagal ko nang binura iyon. Hindi na nag-eexist si Chesa Domique dahil sa katangahang ginawa niya.

"Baka ka-apelyido lang" rinig kong bulong niya. Huh? Sino? Hindi kaya-!

"Nandito po ako kasi nag-apply ako ng part-time job dito bilang janitor, sige po una na ako" sabi ko at aakmanng aalis na ng bigla niya akong pigilan. Titig na titig siya sa mukha ko at agad ko namang iniwas ang aking paningin sa ibang direksyon.

"Wait! Uhm ahh. I'm Marigold Romano by the way Daughter of Zinia Romano, the owner of this company, nice to meet you and I want to be your friend" she smiled.

Marigold Romano

Daughter of  Zinia Romano

Nagpaulit-ulit sa tenga ko ang sinabi niya

Hindi.....



Marigold Romano's POV

Palabas na ako ng company nang makasalubong ko itong babae na tumayo mula sa sahig. Na slide ba siya?

"Uh Miss, are you okay?" Tanong ko

"Opo, okay lang po ako" maganda siya infairness.

"Bakit ba kasi walang sign na nilagay dito! Kuya pa-asikaso please!" Sabi ko sa janitor "I'm so sorry, and you are?"

"Ako po si Pearl, Pearl Dominique." Natigilan ako sa sinabi niya.

Dominique..

Naalala ko naman yung walanghiyang babaeng nagngangalang Chesa Dominique! Nagtatago na yung bruhang yon panigurado! Wag siyang magpakita ulit sa akin dahil babalatan ko siya ng buhay! Ka ano ano kaya nitong babaeng to si Chesa

"Baka ka apelyido lang" bulong ko

"Nandito po ako kasi nag-apply ako ng part-time job dito bilang janitor, sige po una na ako" bago pa siya maka-alis ay pinigilan ko na siya. Tinitigan at sinuri ko ang bawat angulo ng mukha niya dahil mukhang familiar siya. Pero agad naman niyang iniwas ang kanyang paningin.

"Wait! Uhm ahh. I'm Marigold Romano by the way Daughter of Zinia Romano, the owner of this company, nice to meet you and I want to be your friend" agad naman siyang napalingon at siya naman ang tumitig this time. Hmmmm

*Snap*

"Natulala ka ba sa kagandahan ko? Hahaha. Can you be my friend? Please? Ako na bahala sa trabaho mo, sa office ko muna tayo ngayon! Wag kang mag-alala hindi ko babawasan ang sweldo mo" hindi ko na siya pinagsalita at hinila ko siya sa loob ng elevator. Pinindot ko ang 14.

"A-ano pong gagawin n-natin s-sa office n-niyo?" Tanong ni Pearl

"Ano ka ba! Drop the 'po' I feel so old. I want to know you more! You're my friend diba?"

"O-okay po- I mean Okay" nahihiyang sambit niya.

"Wag kang mahiya sa akin friend! Excited na akong makipag kwentuhan sayo!" Ngumiti lang siya at tumunog na ang elevator.

I want to know you more...


~~~~~~~

Hope you like it~^O^~


Please tell me kung may errors.

pasensya na sa pun, mahilig po talaga ako ng puns. Hindi ako pinaglihi sa mais pero mahilig ako sa mais. (Walang nakakatawa)

Vote and comment Travelers!

Timeless LoveWhere stories live. Discover now