Chapter 6- Saved from accident (part 2)

26 1 3
                                    

Pearl

Nandito kami sa loob ng mall meron pa kaming tatlong oras na maglibot.

Nalulungkot ako sa kadahilanang wala akong perang dala ::>_<::

"Mas maganda kung bibili muna kayo ng masusuot niyong magkapatid, okay na kami ni Aster dahil marami naman akong damit sa condo"  speaking of Perie and Aster ayun nauna na sa arcade -_-

"Aahhh kasi ano eh"

"Ano nanaman? Tss" sungit!

"Wala kasi akong dalang pera! Malay ko ba na magshoshoping pala tayo dito!" -_- eh ang sadya ko lang naman ay baguhin ang nakaraan

"Tss here" mukha ba akong pera?! Inabot niya sa akin ang tatlong libo pero hindi ko kinuha.

"Mukha ba akong nanghihingi?" Pinandilatan ko siya.

"Tsk Fine, ako na lang ang bibili para sayo" ehhh nakakahiya!

"Wag na"

"Tanga ka ba?" Ouch pero oo "Ano na lang ang susuotin niyong magkapatid kinabukasan? Tsk tara na nga" hinila niya ako papuntang Guess.

"Pumili ka na, dalian mo, ayaw ko sa mabagal. Time is gold" psh! Pasalamat siya nilibre niya kami kundi kanina ko pa to nasungitan.

20 minutes later~

Ano ba yan! Ang mahal naman!

Simpleng shirt lang eh limang libo!

"Ba't ang tagal mo! Diba sabi ko Time is gold!" Niinip na sambit niya

"Mahal" naka pout na sabi ko.

Kita mo na! Nagulat rin siya! Akala niya mumurahin dito!

"H-ha?"

"Ang mahal dito, wag na tayo dito" sabi ko at ako naman ang humila sa kanya palabas.

"A-aahh s-sige" nauutal pa, nahihiya siguro dahil pumasok kami dun eh hindi naman aford.

Sabi niya sa Department store na lang kami kung ayaw ko sa mamahalin. Kaya pumayag naman ako. Naka upo lang siya sa may bench at naglaro sa kanyang phone.

Natatawa parin ako sa itura niya! Pfft mukhang lolo.

Mga simpleng damit lang ang binili ko para sa amin ni Perie at kahit nakakahiya bumili rin ako ng underware namin
::>_<::  babayaran ko rin to!

Bumuli na rin kaming pang disguise naming apat.

1 oras na lang.

"Alam mo ang tagal mong bumili -.-  wala akong pake kung magkano ang bibilhin mo basta wag mo lang sayangin ang oras. Ang pera mababalik pa sayo yan pero ang oras na ginamit mo ay hindi na maibabalik pa"

Napanganga na lang ako sa hugot niya at tama naman siya hindi na maibabalik ang oras.

Bakit ba siya ganyan eh ang mama niya ay Reyna ng Timeville -.-

ahh di pala niya totoong ina si Reyna Mariposa.

Tahimik kaming naglalakad patungo sa arcade kung nasaan sila Perie, ang abno at mokong hindi parin tumitigil sa paglalaro! Seriously?

"Mukhang enjoy na enjoy kayo ah! Hindi niyo namalayan na dalawang oras na kayong babad diyan!" Suway ko

"Ate naman, alam mo namang first time pa natin dito at nakakaenjoy dito oh! Try mo dali!" Hinila niya ako sa isang machine na maraming piso.

Hala ang dami niyan! Sayang naman T_T Ang sarap hakutin.

At naejoy namin ang oras sa mall, lahat ay libre ni Blue. One month pa Blue tiis lang babawi rin naman ako eh😂

Natapos na ang oras namin sa kalilibot dito sa mall kaya Gagawin na namin ang aming plano.

Sa pagkakatanda ko 5:32 pm ako nadala sa hospital which is 10 mins ride galing mall. Estimated time is 5:22pm ako naaksidente. Tiningnan ko ang relo ko, 5:15pm.

Nandito kami sa tagong lugar sa mall pero sapat na para makita namin ang past na Pearl.

Si Blue ang mag-aabang sa past na Pearl sa exit.

Here comes the plan...

Blue's POV

Alam niyo kung bakit ako ang mag-aabang kay past Pearl?

No choice -,- Eh yang si Aster nababakla takot niya lang baka pumalpak. Hindi rin naman pwede si Perie dahil makikila siya at magtataka at pag nagkataon. Gugulo ang lahat.

Papalabas na si past Pearl. Psh! Ang plain ng taste sa fashion. Walang ka arte-arte. Pero- ang cute niya.

Kitang-kita ko sa malayo ang isang motor na mabilis humarurot. Bago pa siya makatawid ay hinila ko siya papalapit sa akin kaya napayakap si Past Pearl ng wala sa oras.

*Brooooooooom*

At dumaan ang sobrang bilis na motor.

"Kung marunong ka lang sanang tumingin sa tatawidan edi sana maiiwasan mo ang aksidente" bigla naman siyang kumalas at napatulala dahil sa gulat.

"Sa-salamat, pero teka! Paano mo nalaman na may motor na daan at mababangga ako?" Inborn siguro ang pagkatanga ni Pearl ano?

"Tss may mata ako"

"Pilosopo! Seryoso ako, pero salamat talaga!"

"Bakit, mukha ba akong nagbibiro?" -,-

"Ewan ko sayo. Sige mauna na ako, maraming salamat!"

"Mag-iingat ka" sabi ko pero mukhang hindi ako narinig kasi nakasakay na -,-

Pearl's POV

Kitang-kita ko kung paano ako nakayakap sa lalaking iyon, nag-init naman ang mukha ko, siguro sa kahihiyan.

Kasabay nun ang pagdaan ng isang motorsiklo. Nag-usap sandali ang past Pearl at si Blue at pagkatapos ay sumakay na sa jeep ang past na ako.

Pero laking gulat ko nang mangyari ang di inaasahang pangyayari,

Yung motorsiklo, sa unahan, may kalayuan pero sapat na para makita kung anong nangyari.

Nabanga ang motorsiklo sa isang truck.

Ang pinakamasaklap

Patay na yung driver. Nanghina ang tuhod ko sa nakita ko. Agad naman akong inalalayan nina Perie at Aster.

Hindi maari

Napahawak ako sa aking sintido dahil may mga imahe na lumalabas sa utak ko.

"Ate anong nangyayari sa yo!"

*Brooooooooom*

"Kung marunong ka lang sanang tumingin sa tatawidan edi sana maiiwasan mo ang aksidente"

"Sa-salamat, pero teka! Paano mo nalaman na may motor na daan at mababangga ako?"

"Tss may mata ako"

"Pilosopo! Seryoso ako, pero salamat talaga!"

"Bakit, mukha ba akong nagbibiro?" -,-

"Ewan ko sayo. Sige mauna na ako, maraming salamat!"

"Mag-iingat ka"

And all went black

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Timeless LoveWhere stories live. Discover now