Chapter 3 -Old woman

20 4 4
                                    

Pearl

Maaga akong nagising ngayon, hindi ko tuloy nagantihan si Perie!


Bumaba ako at nadatnan ko sila ni mama sa kusina. Kumakain ng sardinas.


Wow! Favorite ko yan! Lalo na kapag maanghang.


Naisipan kong hindi na pumasok sa kompanyang iyon. Tatawagan ko na lang mamaya.


Sinabayan ko sila sa hapagkainan.

"Goodmorning ate! Nanaginip ka naman ba?" Nakangising tanong ni Perie.

Tatapunan ko na sana siya ng kutsara pero pinigilan ako ni mama.

Palibhasa bunso! Hmp!

"Oh siya tama na yan. Mamaya na kayo maglambingan kumain muna tayo"

Nagdasal muna kami bago kumain.

"Maiwan ko muna kayo ha, mamalengke lang ako" paalam ni mama pagkatapos kumain. Kami na lang dalawa ni Perie *grins*
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Ate! Ang ganda mong ate! Waaaaah! Wag kang lalapit!" Hinahabol ko ngayon si Perie dahil papatayin ko siya.


Papatayin ko siya sa kiliti


"Ikaw talagang abno ka! Naninira ng beauty sleep!"


"Nagiging beauty ka nga ba?" Aba't-


"waaaahh joke lang!"


Nahuli ko naman siya at ayun parang mamatay nga sa sobrang kiliti. Namumula na ang mukha kay tinigilan ko na.


"Bruha!"


"Abno!" At sabay kaming tumawa. Baka kaming dalawa ang abno?

"Ate seryosong usapan" nakita kong sumeryoso nga siya at sumeryoso na rin ako.


"Nagtoothbrush ka na ba?"


Walanghiya!


Binatukan ko naman siya.


"Baliw! Kanina pa!"

"Eto na talaga seryoso na, tutuparin mo pa ba ang pangarap mo na maging isang successful na writer?" I sighed.

"Hindi ko alam kung posible pang mangyari iyon" malungkot kong sabi.

"Ate, harapin mo sila, wag kang duwag. Ipaliwanag mo ang side mo. Hindi naman konektado sa pagsusulat mo ang pagkabagok ng ulo ni Mrs. Romano na hanggang ngayon ay comatose pa. Magaling kang magsulat ng tula,  may pag-asa pa ate"

"Natatakot ako, kahapon sinabi sa akin ng anak niya na gagantihan niya ang Chesa. Hindi niya alam na ako yun kaya sinabi niya sa akin."

"Wag kang matakot ano ka ba! Mas lalo ka tuloy nagmumukhang may kasalanan sa pagtatago mo kahit wala ka naman talagang kasalan. Aksidente ang nangyari ate"

Timeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon