Chapter 5- Saved from accident(part 1)

13 2 1
                                    

(Pasukan na T_T)

Pearl

Pagdilat ko sa aking mata ay bumungad sa akin ang puting kisame. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko kung gaano ka sosyal ang bahay na ito.

Agad naman akong napabangon

"Gising ka na pala" sabi ni Blue

"Ay hindi tulog pa ako" kita naman niya siguro na nakadilat at bumangon ako eh no?

"Psh!"

"Yown! Gising na ang Perlas!" Isa pa tong mokong na to. Tulog pa talaga ako!

"Nasaan tayo?" Tanong ko

"Sa sala" unggoy! Pilosopo!

"Psh! Kaninong bahay?"

"Condo ko" sabat ng Asul na unggoy. siya na mayaman -.- bakit dito pa kami napadpad! Pwede namang sa bahay namin ah!

"Mas mabuti nang dito tayo, hindi tayo pwedeng makita ng sarili natin." Ano raw?! So bawal manalamin?

"Ha?" Naguguluhang tanong ko

"Itong taon na ito ilang taon ka? Yun yung tinutukoy ko na sarili natin. Yung past na ikaw at ngayon ay hindi pwedeng magkatagpo. Same with me and Aster."

"Ahhhh" tangu-tango kong sambit. Mahirap to!

"Ahhhh! Pre gutom na ako!" Sabi ni Aster habang himas-himas ang tiyan.

"Edi bumili ka"

"Libre mo kami ni Perlas! Tara sa baba!" Sabi ni Aster at hinila niya kaming dalawa.

"Ate!" Bigla akong napalingon sa likod.

Peridot?!

"Perie?! Anong- papaanong-"

"Sorry ate nakita kasi kita naglalakad kasama ang isang matanda, palihim kitang sinundan. Bago kayo maka-alis pinakiusapan ko si Reyna Mariposa na sumama at bago pa kayo mawala nakahawak ako sa kamay mo" nakanguting paliwanang niya.

"Kamusta na kaya si Mama" nalulungkot kong sabi, miss ko na si mama. Babalik rin ako ma, pagbalik ko maginhawa na ang buhay natin.

Halatang nagulat rin ang dalawa kong kasama. At-   wait a minute. Nakatulala si Aster kay Perie.

"Ehem" agaw atensyon ko sa kanya at tinaas baba ko ang kilay ko.

"A-ahhh Hello ummm I'm Aster. Nice to meet you" aba english pa tong mokong na to. Inilahad niya ang kamay niya sa kapatid ko. Pfft masungit yan!

"Peridot, Perie for short" hayuf! English rin. Pero hindi niya inabot ang kamay ni Aster. Pffft Hahahaha belat! Napahiyang ibinaba ni Aster ang kamay niya.

"Tss. Let's go" Nag una nang naglakad ang Asul na unggoy at sumunod na rin kami sa kanya.

Ang sosyal naman ng pagkain nila dito, may malaking mukhang hipon na alimango. Eh kasi hugis hipon tapos may shell katulad ng alimango! Yung kamay rin mukhang alimango!

Hayuf baka ang magulang nito eh hipon at alimango. ._.

"Siguro hipon ang ina nito at alimango ang tatay" bulong ko pero sa tingin ko ang lakas ng bulong ko.

Halos mamatay na sa kakatawa ang asul na unggoy at mokong na to. Anong nakakatawa?! Si Perie ayun tahimik at walang pake, ang mahalaga sa kanya eh makakain siya. Psh!

Timeless LoveWhere stories live. Discover now