Chapter 2 Her Story

22 4 1
                                    

Dedicated to all of you! Thanks for reading 

Pearl's POV

Kating-kati na akong umuwi dahil hindi ako konportable kasama ang anak ng babaeng nagawan ko ng napakalaking kasalanan.

•flashback•

Hindi ako makapaniwala na matutupad na ang pangarap kong maging isang successful na writer. Nandito ako ngayon sa isang grand hall dahil bibigyan ako ng parangal. Suot ko ang isang white na formal dress.

"For the best writer in peotry! Ms. Chesa Dominique!" Hindi mapapantayan ang saya ko ngayong araw na ito. No one knows about my first name. Itinago ko ito dahil gusto ko lang para hindi na masyadong mahaba. Umakyat ako sa stage kasabay ng palakpakan ng mga audience at iba pang mga writers.

Iniabot sa akin ni Mrs. Zinia Romano a.k.a sikat na writer at may-ari ng isang publishing company, ang isang certificate na nakaframe at isang gold medal na may nakapalibot na engrave na 'best writer in poetry' inabutan din ako ng chekeng namaghahalagang 500,000 pesos.

"Congratulations Ms. Dominique! A job well done" At isa isa akong nakipag shakehands sa mga nagbigay sa akin neto.

"Thank you so much po! I still can't believe it's happening" naiiyak na ako sa tuwa. At nakita ko si mama na sobrang saya at nauna pa talaga siyang umiyak.

"Believe it! Ang galing mo Ms. Chesa, keep up the good work" so eto na time sa pamatay sa speech ko.

"Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta ng libro ko, kayo ang naging inspirasyon ko sa libro kong ito lalong-lalo na kay mama at sa kapatid ko, sila ang number one fan ko. Kung hindi dahil sa inyo wala sana ako dito. Salamat po sa inyong lahat"

ayun sinabayan ako ni Mrs. Romano na bumaba pero bago pa kami makababa ay aksidente kong natapakan ang kanyang gown habang palakad siya . Masama pa at maatas ang stage at nahulog siya at nauna ang ulo niya.

Maraming tao ang nagalit at sinabing hindi ko deserve ang parangal na ito.

"Mom! O my gosh! Mom wake up!"

"Bawiin ang kanyang parangal! Ang sama niya!"

"Mrs. Romano!"

"Oh my Gosh!"

Halos matumba ako sa aking kinatatayuan dahil sa nagawa ko. Patuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. Hindi ako maka-galaw.

What have I done?

Hindi to pwede, hindi ko sinasadya!

Hindi ko namalayan na nabitawan ko ang frame at cheke at dali-dali akong tumakbo palabas. Duwag na kung duwag
Hindi ko kayang humarap sa mga tao ngayon.

•end of flashback•

Simula non iniba ko ang apearance ko, ang dating mahabang buhok na may bangs ngayon ay short hair na at ladlad na ang landingan ng airplane. Dati rin akong sumusuot ng contact lense pero ibahin niyo ngayon, sinadya kong salamin ang suotin ko. Ang dating morenang Chesa ay naging maputi na. Naghanap talaga ako ng paraan para pumuti.

"Hello? Yuhoo? Kanina pa kita tinatanong" sabat ni Marigold. Tiningnan ko siya, siguro dapat hindi ako magpahalata na kilala ko siya at baka makilala niya rin ako. Kahit na it was 6 years ago na yun. Tama dapat makisakay na lang ako sa kanya.

"Ahh? Hehe may iniisip lang. Ano nga ulit yon?"

"Sabi ko pwede ka kako kita maging friend?" Nakangiting sabi niya. No

"Hindi ata tayo bagay maging friends kasi mababang uri lang akong klaseng tao" palusot ko para tigilan niya ako. Pero totoo yung mababang uri naman talaga ako.

"Hindi naman hadlang yun sa pagkaka-ibigan diba?" Paano ba ako makakatakas neto! Bahala na si batman.

Ngiti lang isinagot ko sa kanya. Yung ngiting nag-aalinglangan.

"pwede ka bang magkwento about sa life mo? Please sa ayaw at sa gusto mo friend na kita!" relax Pearl, relax! Bumuntong hininga ako.

"I'm Pearl Dominique, 22 years old. I live in-

"Wait! Hahaha hindi to introduce yourself girl. I want to know yung story mo"

"Story ko?" Tinola! Tanga wag obvious!

"Yung mga naging experience mo sa life, boyfriend, family, achivements, talent , hobbies, favorites, hates"
Natigilan naman ako at agad na nakabawi, guys help me naman oh!

"I- ahh I love reading books"

Shunga! Ba't yun sinabi mo! Tanga ka talaga kahit kailan!

Shunga ka rin! Nadulas ako eh!

"Hmmm, tanong ko lang, may kilala ka bang writer na Dominique ang apelyido? May kilala kasi akong tanga na babae na ang pangalan ay Chesa"

Ouch ha! Oo na, ako na ang tanga.

"Wala! I mean wala akong kilalang ganyan. Madami naman kasing Dominique ang apelyido na hindi namin kilala"

Kinuwento niya sa akin yung katangahang ginawa ko. At isa lang naagaw ng atensyon ko, ang huling sinabi niya

"Gagantihan ko ang babaeng yun..."

"Ganun ba kalaki ang galit mo sa kanya?"

"Yeah" sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Iniwas ko naman agad ang aking paningin.

"A-ahh mauuna na ako Ms. Marigold. Kailangan na kase ako sa bahay. Salamat sa pagdala sa akin dito" isang malaking kasinungalinan ang palusot ko.

Lumabas na ako ng opisina niya at nang makalabas ako dali-dali akong napatakbo sa elevator.

Phew!

"Maghahanap na lang uli ako ng bagong sideline, malay ko ba na sa kanila pala eto" sabi ko sa sarili.

Hapon na nang maka-uwi ako dahil sa traffic na yan.

"Oh anak kamusta ang unang araw mo? Ayos lang ba?" Nagmano muna kay mama at kiniss sa cheeks.

Nagpakawala ng malakas na buntonghininga.

"Ma, si Mrs. Romano, sila ang may-ari ng kompanyang iyon" ikinwento ko sa kanya simula pagpasok ko sa kompanya hanggang sa pag-alis ko. Nag-alala naman si mama na baka daw namukhaan ako ng anak niya.

"Ma hindi yon, iba na ang itsura ko ngayon. Hindi naman ako masyadong tumingin sa kanya"

"Hanggang kailan ka magtatago anak? Wala ka naman talagang kasalanan eh"

"Hindi ko kayang magpakita sa kanila ma, hindi ko kaya" may namumuo nang luha sa mata ko at konti na lang at babagsak na.

"Sa kwarto lang ako ma" paalam ko. Doon na bumagsak ang luha ko.

Bakit ang hina ko? Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko.

At di ko namalayan nakatulog na ako...

•---❁---•

Sorry sa mga typo/grammatical errors! . Naduduling rin ako minsan mweheheheヽ('▽`)/

kung may errors please tell me.

Vote and comment Travelers!

Timeless LoveWhere stories live. Discover now