Chapter 4- Travel with this guy

27 4 7
                                    

Early update: dedicated to Emeraldie08 Thanks Angela*^▁^*

Pearl

Sino tong babaeng ubod ng ganda!?

Nasaan si lola?!

Ano tong pinasok ko!

"Nasaan po ako? Pwede pong paki explain? Naguguluhan na talaga ako, nasaan na si lola?" She chuckled. Yung suot niya yung kagaya sa mga plabas na fairies pero wala siyang pakpak. Korona lang na may- wait orasan?

May maliit na gold na orasan sa gitna ng korona niya. Hindi naman masyadong malaki ang korona niya.

"Ako yung matanda iha, nakalimutan ko palang magpasalamat sa pagkain hahaha, salamat. Ako si Reyna Mariposa ng kahariang Timeville." Reyna pala siya kaya may korona, at ano raw? Timeville?

"Bakit niyo po ako pinapunta rito?" Naguguluhang tanong ko.

"Dahil sa kabutihang loob mo, tutuparin ko kahit anong kahilingan mo na may kinalaman sa oras. Dapat mong isipin ang iyong hihilingin dahil bawat maling hiling ay sakit ang kapalit"

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at tulala lang akong nakatitig sa kanya. Ito na ba iyon? Ito na ba ang chance ko na itama ang nakaraan ko?

Hindi ko maitago ang saya dahil hindi ko inakalang posible pa lang mangyari ito.

"Kakapalan ko na po ang mukha ko, ang hiling ko ay sana bumalik ako sa nakaraan at magkaroon ng tyansang baguhin ito" nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Iha, gusto ko lang malaman mo na hindi ang pagbalik sa nakaraan ang solusyon upang mas bumuti ang buhay natin sa kasalukuyan maaring ito pa ang ikasisira ng buhay mo kapag binago mo." napapikit ako. Akala ko ba tutulungan niya ako?

"Hindi niyo po naiintindihan, may malaki po akong pagkakamaling nagawa at sobrang pinagsisihan ko iyon dail sa pagkakamaling iyon nasira ang buhay ko kaya imposible po yang sinasabi niyo" sabi ko at naiiyak na ako.
.

"Sana nga at hindi ka magsisisi sa desisyon mo iha, binalaan na kita, " napataas naman ang kikay ko pero agad ko ring binaba nakalimutan ko Reyna pala itong kausap ko.

May kinuha siyang isang kwintas sa isang kahon. Teka wala yan kanina ah. Bahala na nga. Isang gintong kwintas na may gintong orasan.

Literal na time is gold :">

"Ito ang kwintas na pinaka iingatan ko, ito ang gagamitin mo upang makabalik sa nakaraan" akala ko pa naman gagamit ako ng time machine! Isinuot niya sa akin ang kwintas at umilaw ito saglit.

"Hindi kita hahayaang gawin ang bagay na iyin ng mag-isa. Sasamahan ka ng anak ko. Gagabayan ka niya."

"Ha? Kaya ko na pong mag-isa"

"Hindi mo kaya, Blue anak! Lumabas ka na diyan alam kong kanina ka pa nakikinig" huh? Alam niya? Sabagay may powers naman siya. At ano raw? Blue? Asul? Anak niya kulay asul?

Iisipin ko palang anong itsura neto eh natatakot na ako

"A-ahh hindi na po talaga! Kaya-

Hindi ko naituloy ang sinabi ko dahil may lalaking dumating,

Gwapo

Psh! Tumahimik ka! At lalaki pa talaga ang sasama sa akin!

"Anak narinig mo naman siguro kaya hindi ko na ipapaliwananmg sa iyo" nakangiting sabi ni Reyna Mariposa.

"Bakit ko naman siya sasamahan? Narinig ko rin po na kaya na niyang mag-isa"

Psh! Kaya ko naman talaga!

"Narinig mo rin naman siguro na ikaw ang magsisilbing gabay niya, ikaw ang marunong gumamit niyan alam mo yun" napabuntong hininga naman tong si Blue at nakabusangot ang mukha.

"Wala naman akong magagawa" napipilitang sabi niya sabay tingin sa akin ng masama.

Inaano kita?!

Tinaasan ko rin siya ng kilay, Psh kala niya siya lang marunong magsungit.

"So Blue ay tao rin, ako na ang nagpalaki sa kanya simula nung iniwan siya ng kanyang ina nung sanggol pa lang siya, nakita ko siya sa gubat malapit sa bahay ko"

Naawa tuloy ako kay Blue dahil hindi niya nakilala ang tunay niyang magulang.

"Wag lang mag-alala mabait si Blue" wow mabait na yung ganun?

"At sino tong magandang binibini?"

"Palaka!" Biglang may sumulpot na lalaki na naman. Nagulat tuloy ako -.-

"Ikaw? Palaka? Bakit mukha kang tao- Aray!" Binatukan naman siya ni Blue.

"Iha ito si Aster, matalik na kaibigan ni Blue. Minsan nga lang dumalaw ang dalawang iyan dito sa kaharian ko madalas kasi sila sa mundo ng mga mortal. May nag-aalaga naman na mortal kay Blue doon at alam niya rin ang tungkol dito" ahhh okay?

Napatango na lang ako kasi di ko alam ang sasabihin ko.

"Sige na iha umalis na kayo, magiingat kayo doon at pag-iisipan mo ng mabuti ang gagawin mo" sabi ni Reyna Mariposa.

Naunang naglakad si Blue. Wala siyang balak intayin ako kaya tumayo na rin ako at sumunod sa kanya.

"Teka, saan kayo pupunta? Pwedeng sumama?" Singit ni Aster.

"Hindi" tipid na sagit ni Blue

"Ang sungit! Sasama parin ako! Gusto mo lang masolo si Ms. Eh! Ano nga pala ang pangalan mo binibini?" Binibini mo 'to!

"Tss" sabat ni Blue

"Ako si Pearl at isa pa wag mo akong tawaging binibini" inismaran ko siya at patuloy lang sa paglalakad.

"Bakit? Ginang ka na ba?" Sinamaan ko siya ng tingin. Gunggong! Mukha ba akong ginang! Nag peace sign na lang siya at tumawa.

Huminto kami sa tapat ng isang pink na puno, pink ang kahoy niya pero puti ang dahon niya. Ang ganda! Napanganga na naman ako sa ganda. At ang bunga ng prutas niya ay orasan? Puro nalang orasan -.- sabagay timeville.

Kukuha kaya ako ng isa para idisplay ko sa bahay?

Hahawakan ko na sana ang bunga nang pigilan ni Blue ang kamay ko.

Yung kamay niya nakahawak sa kamay ko. -.-

"Gusto mong mamatay?" Sinabi ko ba?! Inalis ko na ang kamay ko doon.

"Bakit naman ako mamatay?"

"Tss, yan ang pinakamakapangyarihang puno dito, Tree of golden Time" huh? Wala naman akong nakitang gold na orasan diyan ah. Puro ba gold ang orasan nila dito?

"Nasa loob ng puno ang golden Time, too much information alis na tayo." Hinawakan niya ang kamay ko tiningnan ko naman siya, chansing ka tol

"Wag kang mag-isip na kubg ano ano. Kung hindi kita hahawakan hindi kita masasamahan tss, nasa iyo ang kwintas. I-set mo ang date na gusto mong puntahan at pindutin" humawak rin si Aster sa kabilang kamay ko at ngumiti ng malapad.

"Nakakabakla kasi kapag kay Asul ako hahawak" sabi niya sabay kindat psh!

"Tss"

Isinet ko sa April 16, 2011

May 28, 2011 yung parangal pero ginawa kong March 22 dahil may babaguhin rin ako pagka April 17. Tiningnan ko saglit ang malaking peklat sa binti ko. Mawawala ka na. Para na rin makapaghanda ako ng 1 buwan.

Huminga ako ng malalim at pinindot ang orasan. At biglang lumiwanag pero parang may naramdaman akong may isa pang kamay na humawak sa akin.

And everything went black...

To  be continued~

Vote and comment Travelers!

Timeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon