Prologue

171 6 7
                                    


"Students! We need you to follow our orders. We are in a big chaos!" buong sigaw sa amin ng aming punong guro. Kasalukuyan kaming tinipon sa punong bulwagan kung saan madalas ginaganap ang mahahalagang pagpupulong sa eskuwelahan.

Iba't-ibang klase ng ingay, mga sigaw, mga ungol, mga daing ang maririnig sa gabing ito.

"In no time they are going to attack this hall, be prepare!"

Kani-kaniya kaming puwesto. Tinignan ko ang nasa kaliwa ko.

Those pair of green eyes.

"Scared?" tanong niya. He's an Ovid, a Delta, as evidenced by his green eyes.

"Never." sagot ko sa nanunuyang tanong niya. Kailangan naming maging matapang.

"Good." siya na sinabayan pa ng pagkindat. Nagawa pa niyang magbiro sa lagay na'to.

Nagsisigibaan na ang mga konkeretong pader ng hall dahil sa mga pasabog at mga baril.

Ralston Academe is currently invading by the humans. Humans who wanted to exterminate our race. They are the hunters. We are the werewolves.

Naramdaman ko na ang pag-iba ng anyo ng aking katawan, mukha at ng aking mata. I'm a Ralston, an Epsilon with a pair of blue eyes. We, the werewolves, are divided into three classes with different sub-classes. And I belong to the third class, the Ralston, which has two sub-classes, the Epsilon and Zeta.

With our sharp, hard and curved fingernails, fast reflexes, mighty strength, wide-range hearing distance, unusual healing process and howling voice, we can defend ourselves, we can survive longer than the humans.

Isa-isa nang nagsibaksakan ang mga poste. Ibig sabihin lamang nito'y napabagsak na ng mga hunters ang mga guwardiyang tagapagtanggol ng aming Academe. Sa pagkakataong ito'y kailangan na naming lumaban upang mabuhay.

"Kaya ko'to." bulong ko sa sarili ko. Ito ang unang pagkakataong lalaban ako para sa aking buhay.

Ilang sunud-sunod na pasabog pa ay nagiba na ang pader na bukod tanging pumoprotekta saamin mula sa labas. I'm only a mere seventeen-year-old teenager with a lot of dreams yet I'm here fighting to live.

Nagsi-ungulan na ang bawat isa, hudyat na handa na ang lahat makipaglaban. Sa dami ng mga hunters ay hindi ko na alam kung saan ako magsisimula.

At hindi ko inaasahang madaplisan sa kaliwang braso. Napadaing ako sa hapdi. Silver.

"Shit, babe." alalang binalingan niya ako. Nginisian ko lamang siya upang maipakitang ayos lamang ako.

"Focus." tango na lamang din ang naging tugon niya. He's Francis Talley. Magdadalawang taon na simula ng maging kami.

Agad niyang binalingan ang gumawa sa'kin non at dali-daling sinugod. Kahit kailan talaga padalos dalos.

Naagaw naman ng atensyon ko ang isang hunter na nakapuwesto sa itaas ng hall. Mabilis kong pinagtatalon ang distansya namin at bago pa niya makalabit ang kaniyang baril ay nahawakan ko na ito at mabilis na ginamit ito upang ihampas sa kaniyang ulo. I don't want to kill, I just want to defend myself.

Ganoon din ang ginawa ko sa ibang hunters. Pero napagtanto kong hindi 'yon sapat. Nahihimigan ko ang mga daing ng kapwa ko mga werewolves. They are hurt. Badly. Malakas ang puwersa ng mga hunters, they are using silver bullets. Nagpapasalamat ako at daplis lang ang natamo ko kanina.

We are losing our count.

Nakita ko ang aming punong guro na patuloy paring lumalaban gamit ang isang kamay.

Nagpakawala sila ng pasabog dahilan upang tumilapon kami. Kulang pa ang mga natutunan naming paraan sa pakikipaglaban. Agad hinanap ng aking mga mata si Francis. Nasa kabilang panig siya ng hall at kasalukuyang nakikipaglaban kasama ang iba. Nanghihina akong sumubok tumayo kahit bumalik sa normal ang aking anyo.

Isang hampas lang sa akin ng isang hunter ay natumba na ako na parang lantang gulay.

Nawalan na ako ng pag-asa ng makita kung tinamaan at natumba na rin sina Francis at walang awang pinagdadampot ng mga hunters.

Pumikit na lamang ako at tahimik na umiyak. Nakarinig ako ng ilang pag-alis ng mga sasakyan. Anong gagawin nila sa'min?

My body became totally paralyzed when a hunter injected something to me. Dinampot na lang niya ako ng walang kahirap hirap. I can't even move a finger.

Pero kahit wala akong maigalaw, narinig ko parin ang kakaibang ungol na siyang nagpabuhay sa natuyo naming pag-asa. Nandito na sila. Dumating na siya.

Our Alpha.

The Alpha of the AlphasWhere stories live. Discover now