Chapter Three

56 5 0
                                    


Chapter Three. "Breathe."

***

Naging maayos ang pagpunta namin ng Admin building ng academe, maliban na lang sa mga tinging binibigay ng mga estudyante rito. Makikita mo sa ilan ang disgusto at hindi pagsang-ayon sa mga ekspresyon.

We should really prepare ourselves for the aftermath of this. They don't want us here.

Wala din naman kaming magagawang lahat. Hindi naman kami pwedeng ipatapon at hayaan na lang sa labas lalo na't, not all of us can control themselves in times of uncontrollable hunger, especially during full moon.

Nasa may labas na ako ng aking assigned room sa isa sa mga dormitoryo rito. Wala ako ni isang gamit na dala bukod sa suot-suot kong kasuotan. Ang sabi nila ay papadalhan kaming mga walang naisalba. Free accommodations for the mean time.

Kakatok na sana ako ng biglang magbukas ang pinto at niluwa nito ang isang babae.

"Yes?" tanong nito.

"Ah-.. I'm from Ralston Aca-"

"Ow! Yes, yes! Come in." maligayang pahayag niya at mas lalong nilakihan ang pagbukas sa pinto.

Hindi naman ako nag-alinlangang pumasok.

The room is bigger compare to ours in our academe. There are two single beds, a terrace, large personal space for the both occupants and a comfort room.

"Finally, may kasama na ako." nakangiti niyang sabi.

Pinaliwanag lahat ni Krissa lahat ng dapat kong malaman, kung paano rito mamuhay. She also lent me her spare clothes. School supplies are distributed by the academe, no need to buy books, etc. Aniya, sa ibang mga bagay katulad ng pagbili ng kung anu-ano ay personal expenses na'yon.

***

Sa laki ng canteen nila ay maluluwa na lang ang mata mo.

"Our canteen has three floors." sabi ni Krissa sa gilid ko.

Everything here is organized. We eat foods just like what humans eat.

We only crave for blood and human flesh during full moon or anything that can trigger our hunger and all this craving started when we aged fifteen years.

Naging mapayapa naman ang aming pagkain sa canteen. She also mentioned that she's a gamma with a pair of yellow eyes. Krissa Myie Bidwell, a superior one. Pero hindi siya katulad ng ibang napapansin kong kagaya niya ng class.

Our year level in our school is determined by our skills, abilities and most importantly by what class we belong. At ayon sa kaniya siya ay nabibilang sa second level, samantalang ako ay nasa first level pa lamang. The highest level is the fifth one. Ganon talaga, hindi gaanong makapangyarihan ang aking mga kadugo, at kaya kami nalamang ng aking ama ang natira.

Hindi ko nga pa pala nakukumusta si Edith sa kaniyang dormitory kaya agad akong nagtungo roon. Hindi ito kalayuan mula sa amin kaya hindi ko na rin pinasama si Krissa.

May mga training grounds din akong nakikita sa malawak na field. May mga estudyante roon na akala mo'y naglalaro lamang. Magkahalo ang lalaki at babaeng mga estudyante na naka-training attire, at may ilang lalaking walang suot pantaas. Para silang mga ninja kung magsitalunan sa ere, may mga nag sasanay na lumaban din sa ibang sulok, mahihirap na obstacles na kailangang masurvive at may mga gamit din sila na parang nasa fitness center lang.

It takes time and a lot of effort before I reach that level. They're the highest class that's why they easily achieved that kind of level. A piece of cake for them. Siguro'y nasa third or fourth level na sila.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at iniwasang mapalapit sa field.

Pero ilang sandali pa ay bigla nalamang may nagsisisigawan. Mabilis kong binalingan ang training grounds at nagulat sa nadatnan. May mga naglalabang mga lalaki, at hindi ito kagaya ng kanina na nagp-practice lang, seryoso ang mga ito at mukhang nagkapikonan. Ang iba ay nag iba na ng anyo ng bahagya at makikita mong nagsilabasan na ang matatalim na kuko.

Napatakip ako ng mata gamit ang isang kamay ng kalmotin ng isa ang kaharap niya. Nag-iwan ito ng sugat sa dibdib nong lalaki at nagsimulang dumugo. Narinig namin ang pagUngol nito dahil sa natamo kahit ilang metro ang layo nila. Hindi rin ito nagpatalo at mabilis na sinugod ang kalaban at dinaganan.

"Umalis na tayo dito." Bulong ng isang babaeng malapit lang sa pwesto ko sa kasama niya na kapwa ko nanunuod sa nangyayari.

Nagtatakbuhan na rin ang iba. Malayo naman kami sa nag-aaway at hindi naman siguro kami madadamay sa gulo sa layo nila. Kaya anong problema nila?

Napansin ko ring walang nagtatangkang awatin ang dalawang gropong nag-aaway.

Napaatras ako ng wala sa oras at ang iba naman ay tumili ng tumilapon ang isa sa may gawi namin. Nagbalik sa normal ang anyo nito at sinubukang bumangon. Ito ba ang dahilan kaya nagsitakbuhan ang iba?

"Bullshit!" padaing nitong sabi.

Namamangha kong sinundan ng mata kung sino ang gumawa non sa lalaki. Pero hindi ko na makita ang mukha nito dahil nakatalikod na'to at sa ibang kaaway na naman nakikipagsuntukan.

"Lupit talaga ng Bidwell na'yan." Dinig kong sabi ng lalaki na nanunuod rin sa tabi.

Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko namalayang tumatakbo narin ako kasama ng iba. May mga dumating na professors at guards, at pinagdadampot ang mga nakitang mga estudyanteng nandoon sa pangyayari. Kasama man sa nag-aaway o nanunuod lamang sa gilid.

"Asan na'yon?" bulong ko sa sarili ko ng hindi na mahanap 'yong babaeng sinusundan ko. Patay! Hindi ko pa man din kabisado itong academe. Nilibot ko ng tingin nang dalawang beses ang paligid bago napagtantong hindi ito ang daan papuntang dormitoryo nina Edith.

Anong parte ito ng academe? Madamo ang lugar at maraming nagsilalakihang puno ang narito.

It looks like a training ground.

Nakarinig ako ng mabibigat na yapak na tumatakbo patungo rito kaya agad kong inisip kung asaan ako pupuweding magtago.

Ang daming puno. Hindi ako makapili.

Ayan na, malapit na sila.

Hindi ako makakilos. Bilis, Shara!

Paparating na sila. Kunti na lang.

Pero bago palang ako makatalon sa isa sa mga puno ay may mabilis na na kumarga sa akin at isinama ako sa pagtalon.

"Shh." Bulong nito sa aking tenga habang yapos yapos ako mula sa likod. Nakatago kami sa punong kanina'y balak kong pagtaguan. Hindi naman ako gumalaw at pati paghinga ay ipinagbawal sa sarili.

I couldn't see the guards properly because of the abundant leaves and thick branches of the tree. Almost one minute of not breathing. How long do I have to endure this?

"Breathe." Bulong muli nito.

Hihinga na ako non ng malalim nang bigla na nalang akong lumagapak sa lupa.

"Aray!" daing ko. Kailangan ba talaga akong itulak?

Sa taas ng puno ay nahirapan talaga ako sa pagbangon. Mabuti na lamang at pinaharap niya muna ako bago itinulak dahil kung hindi ay mauuna ang mukha ko.

Bumangon ako mula sa pagkakahilata at pinagpag ang nadumihang damit at kamay. Masakit parin sa likod at pang-upo.

"Para saan 'yon?!" inis kong sabi bago bumaling sa lalaking 'yon. Wala na ang mga guards at hindi ko na sila marinig sa paligid.

"I just save you from death. Nakalimutan ata ng utak mong huminga." Aniya na nakataas ang isang kilay. 

The Alpha of the AlphasDonde viven las historias. Descúbrelo ahora