Chapter Five

56 5 0
                                    


Chapter Five. "They are red."

***

"The game is called 'Finding My Alpha'. Sounds thrilling, right?" the student president smirked as he announced it.

"The mission in this game is to find a real alpha in the crowd. We know that no one among the new students know the identity of the alphas of our academe, that is why it will only be played by our new students.." he made it sounds exciting. The students obviously wanted to start the game right away kaya hindi na siya masiyadong nagtagal sa stage. Pinaliwanag niya na kailangang magpakagat sa napiling alpha bago malaman kung ang napili mo ay totoo o nagpapanggap lamang. Ngunit ang patakaran ay dapat isang beses ka lang dapat makagat. You'll be given a glowing-in-the-dark-bracelet once your out.

There are only five alphas in this school, two female alphas and three male alphas, according to him.

The game started as soon as he stepped out of the stage.

Hindi kami umalis ng table dahil wala kaming balak na dalawa ni Edith na sumali. Si Maylein ay komportableng nakasandal sa upuan niya at wala atang balak bumalik sa mga kaibigan.

But when Ritzmond went back to the stage and started to tell us about the price for the winners I immediately gazed at Edith who is now looking so surprised.

"By the way, the winners of the game will have a chance to exceed to their next level. The admin already considered it. A'ryt?! Good luck!"

Our interest to the price made the game more interesting. We'll join.

***

Hindi namin alam kung saan magsisimula. Wala man lang binigay na clue ang Ritzmond na'yon. Tinatanong rin namin si Maylein tungkol sa mga student alphas ng academe pero hindi siya nagbibigay ng hint. Paano ba'to?

"Kahit color ng damit na lang nila?" tanong ni Edith kay Maylein.

"Ahm.. I'll tell you one. Nakablue na leather jacket tas black na leather boots." Hindi talaga kami siniseryoso ng babaeng 'to. She's enumerating us what she's wearing.

"Maylein, 'yong seryoso. Sige na please." Pakiusap pa namin pero ayaw parin at tinatawanan lang kami.

Nang walang mapiga kay Maylein ay napagdesisyonan naming maghiwalay ng lugar ni Edith. We'll try to use our instinct instead of just sitting and watching there na naghihintay sa wala.

May ilang estudyante akong nakita sa gilid at ilang parte ng auditorium na nagkakagatan sa leeg, kamay, braso at kung saan-saan pa. I just hope na may natira pang alphas. Gusto kong umangat mula sa level ko. I want to experience fighting in the grounds and learn more. At hindi ko 'yon magagawa kung mananatili ako sa aking level. Self-training is useless when there is no equipment. I don't want to just study and memorize the history of our race. I don't want to repeat that incident where I couldn't protect myself and love ones from those hunters. Kaya susubukan kong manalo.

May isang lalaki na lumapit sa'kin at tinanong kung nakita ko na ba ang alpha ko. He seems nice kaya medyo nagtaka ako. Ang pagkakaunawa ko'y hindi basta basta mag-aaproach o mag-ooffer ang isang alpha kaya mabilis akong nagpaalam at 'di na siya hinayaang dugtungan ang sasabihin.

Hinayaan ko ang sarili na mawala sa alon ng mga estudyante. Kung saan saan na ako nakarating na sulok at ni isang clue ay wala parin akong alam. Saan ba nagtatago itong mga alphas? At wala akong mahagilap ni isa, or meron man pero hindi ko namalayan.

"Okay! One alpha down! Four to go!" anunsyo ng DJ. Nakita ko si Ritzmond na nakatayo sa stage kasama ang isang magandang babae. Tama nga naman. A leader should be stronger enough to lead his followers. Si Ritzmond ang student officer president kaya malamang ay isa siyang alpha.

I wonder kung saan nila nakamit ang pagiging alpha. Is it because an alpha passed it to them, runs in the blood or killed an alpha by themselves.

Inuhaw ako kaya I decided to go to the bar counter and drink some juice. Nang bigyan ako ng bartender ay agad akong uminom. Dito muna ako mananatili at magmamasid sa paligid. Tinalikuran ko ang counter habang sumisimsim ng juice.

"Brace, pahingi ako nong pinakastrong mo diyan." Ani ng lalaking kadarating lang sa bartender.

"Boring ba at magpapakalasing ka na lang?" sabi nong bartender na Brace pala ang pangalan. The man is standing just beside me making it enough for me to hear what they're talking about.

"Walang nagpapakagat." Tanging tugon naman nong lalaki na dahilan ng pagtawa nila.

Sinasabi niya bang isa siya sa mga alpha?

Mabilis kong nilagok ang inumin kong juice at hinarap muli ang counter. Nilapag ko ang baso na wala ng laman bago sinulyapan ang lalaking ngayon ay inisang inuman ang pono niyang baso.

Nilapag niya ito matapos maubos. Napakurap ako ng dalawang beses ng maaninag ang itsura niya. Nakahoody ito na dahilan kung bakit medyo natatakpan ang mukha.

Binalik ko ang tingin sa kay Brace at humingi ulit ng juice. Kailangan kong masigurado kung alpha ba'tong lalaking ito o hindi bago ako tumulak paalis.

"Juice na nga rin sa'kin, 'tol." Pahayag nong lalaki matapos ilahad sa kay Brace ang basong ininuman niya.

"Loko ka talaga Triven." Pailing iling at nakangisi naman si Brace habang nilalagyan na rin ng juice ang baso ng kaibigan.

"Anong pakulo 'yan at nakahood ka pa?" si Brace sa kaibigan na sinimulan ng inumin ang juice. Sinagot naman siya nito.

"Naninigurado lang at mahirap na."

Ang ipinagtataka ko ay bakit mukhang pamilyar ang boses nito. Sumulyap naman si Brace sa akin at siguro'y nagtataka kung bakit nakatayo pa ako't hindi ginagalaw ang juice. Nginitian ko na lang bago uminom. May dumating na ibang magpapaserve ng drinks kaya doon nabaling ang atensyon ni Brace.

"Boring." Bulong nitong katabi ko. I focused my hearing to him that I could hear clearly even his whisper.

Abala parin si Brace sa pagse-serve ng drinks kaya ilang sandal pa ay nag-amba ng aalis 'tong lalaki. Binalingan ito ni Brace at kinompirma kung aalis na ba 'to.

"Uh-uh." They nodded to each other.

Aalis na siya pero hindi ko pa nakompirma kung isa ba talaga siya sa mga hinahanap ko, nagbibiruan lang sila o iba lang talaga ang pagkakainindi ko sa naging usapan nila.

Nang umalis na ay wala akong nagawa. Sinundan ko lamang ito ng tingin habang lumalakad paalis. Kung kailan may tinuturo na ang instinct ko ay saka naman ito mabilis na nawala. Babawiin ko nasa na ang tingin ko, nang biglang lumingon ito ng bigla sa may gawi namin.

Nang ibalik nito ang tingin sa dinadaanan niya ay doon ko napagtanto kung ano ang nakita ko. Those eyes.

"They are red." Narealize ko na nasabi ko pala ang mga 'yon ng magsalita si Brace at kinompirma ang aking nasaksihan.

"Tama ka miss. He's an alpha." Atsaka tinapik ang balikat ko.

Yeah, right. His red eyes sparked in the dark. He truly is an alpha.

The Alpha of the AlphasWhere stories live. Discover now