Chapter Seven

85 5 0
                                    




Chapter Seven. "Died body."


***


Ang pagpunta sa kuwarto namin at paghiga ng lalaking alpha na'yon sa kama ko ay hindi lang nangyari sa araw na'yon. Naulit pa 'yon sa mga sumunod na araw. Isa, dalawa, apat, pito?!


Araw-araw na lang pagkatapos ng klase ay madadatnan ko siya sa kuwarto na kung hindi nakadapa sa kama ko, ay naliligo sa CR, kumakain sa study table, nangingialam ng gamit. Minsan nga'y sa inis binabato ko nalang ng kung anong madampot.


"Sorry talaga Shara. Nasanay kasi si Kuya na dito tumambay noong wala pa akong roommate. He never listens tuwing sinasabi kong bawal nang pumunta rito kasi nandito kana. Sorry Shara!" paliwanag ng nakangusong Krissa.


Hindi siya dapat sisihin kung matigas lang talaga ang ulo ng kapatid niya.


One time pagkatapos ng last subject ko sa umaga na'yon ay sa dorm agad ako dumiretso. Wala rin kasi akong ibang pupuntahan.


Pagkapasok sa room ay laking pagpapasalamat ko agad at hindi ko nakita ang lalaking alpha sa aking kama. Inisip ko na umpisa na siguro 'to ng katahimikan sa buhay ko. Pero maling akala lang pala ang lahat ng ilang minuto pa'y nagbukas ang pinto ng banyo at lumabas mula roon ang lalaking tinutuyo ang buhok gamit ang tuwalyang hawak. Buti at naisipan niyang magbihis na sa loob bago lumabas.


"Wala bang bathroom sa inyo at dito ka nakikiligo?" tanong ko.


"Malamang meron."


"Gano'n naman pala e ba't dito ka—" hindi ko natapos ang sasabihin ng malanghap ng pang-amoy ko ang amoy ng ginagamit kong body wash.


"Anong ginamit mong body wash?!" mariin na tanong ko.


"Ah! Sa'yo ba'yon? Papalitan ko nalang ang nabawas."


"At yang hawak mo!" turo ko sa tuwalyang pinantuyo niya ng kaniyang buhok. Pati ba naman tuwalya ko?!


Ang unan sa kama ay dinampot ko, at mabilis at boung lakas na ibinato sa mukha niya. Pero as usual, kung hindi niya ito maiilagan, sasanggain at titilapon sa kung saan, ay sasaluhin niya na lang at sa'kin pabalik na ibabato.


"Bweset kang alpha ka!" tatawanan lang niya ako at hihiga sa kama ko ng parang siya ang may-ari habang ako'y namimilipit sa inis.


Ang pag-idlip na pinlano ko ay nabuliliyaso. Pero kung akala niya'y susuko na lang ako at hahayaan lang siya ay nagkakamali siya.


"Sobrang ganda ng panaginip ko kagabi. Grabe! Sa sobrang ganda nagsituluan na ang magsisitulo."


"Wala pa naman din akong toothbrush kagabi sa sobrang antok." Dagdag ko pa na kinakausap ang sarili.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Alpha of the AlphasWhere stories live. Discover now