Chapter Four

63 4 0
                                    


Chapter Four. "What kind of game? Game for lives?"

***

Ano daw?

"Ano sabi mo?" tanong ko. Save me from death? Kaya niya ako hinulog? Wow!

"Baka bumalik ang mga 'yon. Now, shoo!" tugon niya sa naging tanong ko. Matangkad siya kaya kinailangan kong tumingala ng bahagya. Magulo din ang buhok kaya medyo natakpan ang kaliwang mata.

"Go. Shoo!" nang-aasar ulit niyang sabi at sinabayan pa ng pagkumpas ng kamay. Hindi naman ako aso para ganiyanin niya. I'm a werewolf not a dog.

Nang mapagtanto niyang hindi ko siya susundin e siya na ang tumalikod at nagsimulang lumakad paalis. "Tsk. Tsk." Pailing iling pa siya habang umaalis. "Alright, I'm gonna shoo myself."

Wala itong suot na pangtaas. His muscular stripped back is proudly facing me. He has a sizzling posterior.

Does it mean kasama siya don sa mga lalaking nanggulo?

Dapat pala iwasan ang isang 'yon. Gusto ko paman ding maging tahimik ang pamamalagi ko rito.

"Aray!" napadaing muli ako ng kumirot ang likod ko. Wala siyang respeto sa babae. Kung sana nandito pa si Fran--. Hay..

***

"Hindi pa nga natatapos ang araw e nadumihan mo na 'yang damit na pinahiram sayo." si Edith na nakatayo sa labas ng CR dito sa kanilang room. Pinahiram kami ng karoommate niya ng damit at pantalon, at kasalukuyan akong nagbibihis sa CR ng kanilang kuwarto.

Ipinaliwanag ko sa kaniya ang buong nangyari. Si Maylein naman ay may inaasikaso na mga gamit at nakikinig din sa amin. May pagkaseryoso ang mukha niya pero mabait naman at medyo madaldal kaya hindi naging mahirap sa aming tatlo.

Two days later. Sa wakas ay may dumating naring mga supplies para sa amin. Lahat na ng kailangan namin ay nandoon na sa binigay ng academe.

Classes and trainings here in Lycaon already started weeks ago kagaya ng saamin sa Ralston, but because of the happenings parang magsisimula ulit kaming mga Ralston Students. The admin gave us two days to relax and rest, and it ended last midnight.

Naging normal ang pagpasok ko sa aking mga klase. Lahat ng mga kaklase ko ay pawang mga nasa first level, and most of them are my schoolmates from Ralston.

We live just like what humans do, we study normally just like them too, except for the special subjects offered-- the trainings.

In the afternoon, the professors announced to us that there will be a welcome party for us, the students from Ralston Academe, which will be held at the auditorium of the academe, nine o'clock in the evening. The event is organized by the student officers. All of the students are invited.

Pagkatapos ng huling klase namin ay dumeritso kami sa dorm nina Edith. Krissa is a student officer that's why she needs to arrive to the place early.

"Be careful sa party. Usually, walang umaattend na profs sa mga ganiyan. Masyado nilang pinagkakatiwalaan ang student officers." Payo sa amin ni Maylein habang naghahanda kaming tatlo sa kanilang silid.

"Just stick to each other para safe." Dagdag pa niya. Tumango tango naman kami sa naging payo niya. Kaya imbes na excitement ang maramdaman ko ay nag-alala tuloy ako.

***

"Ow." Napakurap-kurap kami at nagkatinginan ni Edith ng makapasok na kami sa loob ng auditorium. Ang akala mong calm at may poise na building sa labas ay ganito pala pagkapasok sa loob.

We didn't expect it to be like this—loud, toxic, and wild. Students are dressed like matured people. Some are exposing too much skin, too showy. Halos manghingalo na ang mga dibdib nila sa pagkafit ng damit. Their skirts and shorts are too short nahalos mabusuan or should I say nabusuhan na sila. Samantalang kami ay nakadress na lagpas tuhod ang haba.

Ang akala naming mabubusog kami sa pagkain dahil inakala naming buffet ang madadatnan ay hindi pala. There are waiters who offer drinks—alcohols to be exact. Hindi ko lubos maisip kung saang parte rito ang lecture-hall. The auditorium turned into a prestigious bar. The dancing lights coming from the ceiling made me dizzy. May mga tables kung saan nagkukuwentuhan at nag-iinoman ang mga estudyante, may bar counters at stalls din kung saan nagse-serve ng drinks and even a dance floor may roon din.

Napatakip naman agad ako ng dalawang tenga ng palakasan pa ng DJ ang music. Huge speakers are everywhere. Wala kang takas.

Nang ilang saglit pa ay hinila na kaming dalawa ni Maylein sa kung saan.

"Sorry." Hingi namin ng tawad sa tuwing may hindi sinasadya kaming masagi. Sa wild ng mga narito ay normal nalang ang magkabungguan. Sa dami ng estudyante isama pa ang loud music ay hindi na talaga magkarinigan.

Tumigil si Maylein sa paghila sa amin ng makarating kami sa puwesto kung saan nandoon ang mga kaibigan ata niya.

May round table sa gitna nila at puno ito ng baso, bote ng alak, upos ng sigarilyo, at kung anu-ano pang bagay. Ang mga kaibigan ni Maylein ay nakaupo sa mga sofang nakaaligid sa table. Most of them are boys. And it seems like hindi kilala ni Maylein ang ilan sa mga babaeng naroon dahil hindi niya ito binati.

Ipinakilala kami ni Maylein sa mga kaibigan niya bilang kaibigan niya rin. Napansin siguro niya na ilag kami at hindi kumportable sa mga kaibigan niya kaya nagpaalam siya sa kanila. May dalawa siyang pinsan sa mga 'yon kaya siguro siya napasali sa gropo nila. Wala kasi sa itsura niya na magkaroon ng mga lalaking kabarkada.

"I'll find a table for us. Wait here." Dalawang beses niya itong sinabi sa amin bago namin ito maintindihan. Nag 'okay' sign kami bilang pagsangayon.

Pagkaalis ni Maylein ay kinalabit ako ni Edith pagkatapos ay nginuso ang table na pinanggalingan namin kanina.

"Why?" tanong ko sa medyo may kalakasan para madinig niya.

Nginuso lang ulit niya ang puwesto ng mga kaibigan ni Maylein. Hinagod ko naman ito ng tingin.

Aside from magagandang lalaki ang mga kaibigan ni Maylein ay napansin kong may mga bagong dating na mga babae sa table nila. Is that what she wants me to see?

"Fuckers." Sabi ni Edith na may kalakasan rin.

Nakahanap rin naman ng mabilis si Maylein ng table kaya hindi kami nagtagal sa kinatatayuan namin.

May mga drinks, I mean juices, na nakalatag na sa table at ilang cupcakes.

"Don't worry, may seniserve din namang juice sa party." Ngiti niya sa amin.

A few moments later may nagsalita sa stage kung nasaan ang DJ.

"What's up werewolves?! A hot and wild evening to everyone! I'm Ritzmond Acosta, the president of the student officers!" agad namang natuon ang attention ng lahat sa kaniya.

"Oh, yeah! This is a welcome party for our dearest new students.." nagsalita pa ito ng matagal bago sinabi ang pinakaponto ng lahat ng ito.

"So guys, to wash away the boredom we are feeling right now, let's play a game. Do you want to play?!" hiyawan naman ang naging sagot ng lahat para iparating ang pagsang-ayon. Ito naba 'yong sinasabi ni Maylein na mag-ingat kami sa party?

"Okay guys, easy! Here you go. Listen to the mechanics of the game.." ngumisi muna ito bago nagpatuloy. What kind of game? Game for lives?

Psa

The Alpha of the AlphasWo Geschichten leben. Entdecke jetzt