Chapter Six

66 4 0
                                    


Chapter Six. "Triven Bidwell"

***

"Go follow him. 'Di lang ikaw ang nakapansin sa mga mata niya. Look around." sabi ni Brace ng mapansing nakatitig parin ako sa daang tinahak nong alpha. Tama nga siya. Hindi lang kami ang nakasaksi sa pag-iiba ng kulay ng mata nito. May mga estudyante na mabilis na tinungo ang kaniyang pinuntahan.

Hindi na ulit ako nagdalawang isip pa at tinahak na ang kinaruruonan nito. I need to find and ask that alpha boy.

Sa isang back door ko siya huling nakitang pumasok kaya binuksan ko na'to.

Bumungad sa akin ang isang mahaba at malawak na espasyo. Nakita ko rito ang iilang mga waiters na magseserve pa ng drinks at pagkain at ilang estudyante na nanggaling sa magkakaibang silid. Dito nila pinaghahandaan sa likod na parte ng auditorium ang lahat ng kakailanganin.

"I'm sure dito ko siya nakitang pumasok." May nag-uusap na dalawang babae na kakapasok lamang din.

Nag-umpisa akong maglakad sa hallway habang tinitignan ang bawat silid na madaanan. Namataan ko rin ang silid kung saan hinahanda ang mga pagkain.

Tumindig ang balahibo ko ng may kung anong kakaibang ingay akong marinig ng lumiko ako sa isa pang daanan. Sa isa sa mga kuwarto ko ito narinig. Mukhang may gumagawa ng milagro roon kaya sa ibang daan ako nagtungo.

May mga nakakasalubong akong mga estudyanteng lasing na at paika-ika sa gilid. Nang medyo malapit na sa dulo ay huminto muna ako saglit. Nagkatabi kami kanina ng alpha kaya medyo napakiramdaman ko ang kaniyang presensya. Susubukan kong hanapin ang presensya niya.

Alam kong mahihirapan ako sa dami ng narito kaya nagtaka ako ng makahagilap ako ng kagaya ng presensya niya. Sa kanan ko nararamdaman ang presensya kaya dahan dahan akong humarap sa aking kanan.

I'm now standing in front of a door. Comfort Room for males. Seriously?

Ba't dito pa niya naisipang pumunta? Pinasok ko naman ito ng dahan dahan at hinanda ang sarili sa maaaring mangyari. For goodness! It's a Comfort Room for males!

Ngunit wala akong nadatnan sa loob. Lumakas pa lalo ang presensya niya ng lingonin ko ang mga cubicle.

I follow the path where my instinct is telling me. Hinawakan ko ang handle ng pinto ng isang cubicle at tinulak ito ng bahagya. It's locked inside. Anong gagawin ko para mapalabas siya? Should I knock? Should I tell him to go out? At pagtinanong niya kung bakit ang isang babae ay narito gayong para sa mga lalaki ang lugar na ito. Sasabihin kong nagkamali ako ng napasok? Or should I tell him na magpapakagat ako? The fudge! I'm losing my sanity here!

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga boses na papalapit sa labas ng pinto. My heart starts to beat in an abnormal manner.

Bago paman nila ako madatnan dito sa loob ay dali-dali kong binuksan ang isang cubicle na bakante at doon nagtago. I locked it immediately. Dinig ko ang pagkukuwentuhan ng mga lalaking bagong pasok at ang pagbukas ng katabing cubicle kung saan ko naramdaman ng malakas ang presensya nong lalaking alpha.

Ano?! Ba't ngayon lang siya lumabas? Napahilamos ako ng mukha sa pagkairita.

"Oh! Triven ikaw pala." Sabi ng isa sa mga lalaki. Tama nga ako sa hinala ko na nasa kabilang cubicle ang lalaking alpha. Triven din ang tinawag na pangalan sakaniya ni Brace.

"Ba't wala ka sa party? For sure, they're finding the mighty alpha of the academe."

"That's why I'm here. May mga babaeng humahabol sa'kin kanina at magpapakagat."

The Alpha of the AlphasWhere stories live. Discover now