Chapter 35

1.7K 64 2
                                    

Jungkook POV

Sinundan ko naman si Lisa. Ang Cute nya lang pag nag seselos sya hahahaha

Pagdating ko sa bahay hinanap ko agad sya pero ni anino nya wala, San nagpunta yon?

"Hijo hinahanap mo ba si Lisa?"- Biglang sulpot ni Manang yoli

"Ah Opo umuwi po ba sya dito?"- tanong ko dito

"Oo kaso umalis din bibisitahin ata yung pinsan nya"- manang yoli

"Salamat po manang"- sabe ko dito at umalis na papuntang Hospital.

Pagdating ko doon nadatnan ko naman silang nagtatawanan.

Pagpasok ko bigla namang nabaling saken yung atensyon nila.

"Anong ginagawa mo dito?"- Bored na tanong ni Lisa. Minsan ang sungit nito -_-

"Sinusundan ka. Wala ka sa bahay kaya pumunta ako dito"- Ako

"Umuwi na nga kayong dalawa! Mukhang dito pa kayo maglalambingan -_- "- Iritang sabe samin ni Jennie

"Hahaha hiramin ko muna yung pinsan nyo ha? Bye girls! Pagaling ka na din Rosè"- sabe ko sa kanila, tumango naman si Rosè at hinila na si Lisa palabas.

"Date tayo"- sabe ko dito habang nasa byahe kami, di naman ito nagsalita.

Pagdating namin sa mall dinala ko agad sya sa ice cream store.

"Ako na mag oorder hanap ka nalang ng table natin"- sabe ko dito at tumango naman ito. Habang nasa pila ako may bigla nalang kumalabit saken tinignan ko naman

"Hi Kuya~!"- nakangiting sabe saken nung dalawang babae

Ngumiti lang ako.

"A-ah kuya hihingiin lang po sana namin yung pangalan at number nyo"- sabe nung isa habang nagpapacute saken.

"I already have a Girlfriend actually she's sitting over there"- sabe ko sabay turo kay lisa na tahimik na nakaupo. Tinignan naman nila ito.

"Ayy Sorry po"- sabe nila sabay alis

Umorder na ko at pinuntahan na si Lisa.

"Ang tahimik mo ngayon"- sabe ko dito sabay abot sa ice cream.

"Tsk.. Can please stop being so cute infront of other girls?"- irita nyang sabe saken, And now she's jealous. Cute.

"Hahaha Ok Fine"- natatawang sabe ko dito

"Sorry nga pala kanina"- sabe nya habang nakayuko

"Sorry saan?"- tanong ko

"Sa inasta ko kanina, Nabibwiset lang talaga ko pag nakikita ko pag mumukha nung stacey na yon"- galit nyang sabe

"You don't have to be sorry. You're my Girlfriend."- Sabe ko dito at bigla naman itong yumuko ulit.

"Uyy! Kinikilig! Hahaha After this Let's go to the park"- sabe ko tumango naman ito at nag kwentuhan lang kami hanggang sa matapos namin yung kinakaen namin.

"By the way malapit na yung vacation, Wala ka bang balak umalis?"- tanong ko sa kanya, habang nasa loob kami ng sasakyan

"Di ko alam"- sabe nito

"Let's go to the beach, Sama natin yung mga pinsan mo at sina Jin hyung"- suggest ko dito

"Pwede din"- sabe nya, di na din ako nagsalita at tinuon sa daan yung tingin. Maya maya rin nakarating na kami sa park.

"Ano nga palang ginagawa natin dito?"- tanong nya

"Wala naman. Gusto lang kitang masolo"- nakangiting sabe ko at bigla namang namula yung pisngi nito. Cute hahahaha

"Wait-- Let's take a picture"- sabe ko, aayaw pa sana ito kaso nahila ko na sya.

"Ayan! Perfect! Iwawallpaper ko sa Phone to"- Sabe ko dito, habang sya naman ay busy sa kakapicture sa Sunset. Kaya tinitigan ko lang sya She's Beautiful just like a Sunset.

"Ba't ka nakatitig?"- tanong nya, ngumiti naman ako

"Just thinking about to our Future"- Nakangiti kong sabe dito

"Future what?!"- nakakunot nyang tanong

"Ano kayang mangyayari satin sa Future? Pakakasalan mo kaya ako?"- tanong ko dito

"Maybe? Di ko naman hawak yung kapalaran natin"- sabe nya

Bigla ko naman syang inakbayan at nilalaro yung blonde hair nya.

"Gusto ko ikaw yung magiging Mommy nang dalawa nating anak"- nakangiti kong sabe dito kaya napatingin agad to saken

"Manahimik ka na nga lang jan! Anak agad iniisip mo"- sabe nya at nakita ko namang namula yung pisngi nya

"Pero Kinilig ka"- pang asar ko dito, pinalo naman nya ko sa dibdib, kaya umarte akong nasaktan ako

"A-ah aray! Ang sakit!"- pag iinarte ko

"Hala! Sorry!"- sabe nya sabay himas dito

"Masakit pa?"- tanong nya

"Kiss mo nalang ako para mawala na yung sakit?"- sabe ko dito at bigla namang sumeryoso yung mukha nya

"Stupid!"- sabe nya

"Grabe! Sa mukhang to? Stupid ako?"- sabe ko

"Oo. Tara na muwi na tayo mag gagabi na baka hinahanap na tayo nila kuya"- sabe nya sabay tayo, tumayo narin ako at hinawakan yung kamay nya

"I Love You"- sabe ko dito sabay halik sa Noo

"I Love You Too"- Sabe nya sabay ngiti, Napangiti naman ako. God knows How much i love this woman infront of me. I want to spend my whole life with her, I want her to be my Wife and a Mother of our Childrens.

"Let's go?"- tanong nya, tumango naman ako at pumunta na sa sasakyan at pinaandar.

Nakauwi na kami nang bahay at nadatnan naming nanonood yung iba sa sala.

"San kayo galing?"- tanong ni Namjoo  Hyung

"Date"- sabe ko dito, tumango tango naman sila

"Pahinga na muna kami"- Sabe ko sa kanila at umakyat na sa taas. Hinatid ko naman si Lisa sa kwarto nya.

Magpapaalam na sana ako ng bigla tong nagsalita

"Dito ka muna"- sabe nya habang nakahiga, pinuntahan ko naman ito at naupo sa kama nya

"Ok, Matulog ka na"-sabe ko dito, hinawakan naman nya yung  kamay ko kaya bahagya akong napangiti. Unti unti naman syang natulog habang ako pinag mamasdan lang sya. Aalis na sana ako nang bigla itong nag salita

"I love you"- Napangiti naman ako at nilapitan sya para halikan sa noo

"I love you too, Good Night"- bulong ko dito at tuluyan nang lumabas sa kwarto nya.

Her Name is LISAWhere stories live. Discover now