Chapter 48

1.7K 54 5
                                    

Lisa POV

"Sino?"- Pagtatanong ko kay Taeyong

"Si Ten"- Pagkasabi nya non ay bigla nya kong hinila palabas

"Teka--- San tayo pupunta?"

"Sa kanya"- Nakalabas na kami at agad din kaming sumakay sa sasakyan nya at mabilis na pinaandar

Nakarating din naman kami agad sa paroroonan namin.

"Ano 'to? Akala ko ba pupunta tayo kay Ten?- Pagtatanong ko dito, huminto kasi kami sa abandonadong building, liblib at madilim dito. Inikot ko naman yung paligid at walang kahit na anong sasakyan at bahay na nandito.

"Sa kanya nga. Nandito sya, at may ipapakita na din kami sayo"- Hinila nya ulit ako at pumasok na sa loob

"Taeyong! Napadal---

Naputol naman yung sasabihin ni ten ng makita nya ko

"Lisa?"

"Hi"- Nakangiting bati ko

"Anong- Anong Ginagawa mo dito? Ba-Ba't Nandito ka? Taeyong may nangyare ba?"- Binaling nya naman yung Atensyon nya kay taeyong

"Alam na nya lahat"- Nanlaki naman agad yung mata ni ten at mukhang gulat na gulat sa sinabi ni taeyong. Ngumiti lang ako.

"Pa-pa'nong? Paanong nangyari? Sinabi mo?"- Tanong nya dito at tumango lang si Taeyong sa kanya

"Panahon na din siguro na sabihin na natin sa kanya, Nakokonsensya na ko sa ginagawa nating pagtatago kay lisa"- Sabi ni taeyong at agad namang lumapit si ten saken at bigla akong niyakap

"Sorry .."- Ngumiti lang ako sa sinabi nya

"Naiintindihan ko, Sana lang noon mo pa sinabi para matulungan pa kita"- Kumalas naman ito sa pagkakayakap

"Ayokong madamay ka noon Lisa kaya minabuti kong gawin yon sayo"- Pagpapaliwanag nya

"HOY!!! PAKAWALAN NYO NA NGA KO DITO!!"- Nabaling ko naman yung atensyon ko sa babaeng sumisigaw.

"Sino yon?"- Tanong ko sa kanilang dalawa, nagkatinginan lamang sila at agad na tumango sa isa't isa. Tinawag naman ni ten yung isang tauhan nila dito at may kung anong binulong

"Sino ba yon?"- Tanong ko ulit sa kanila

"Malalaman mo din"- Sabi saken ni taeyong at nakalabas na yung isang tauhan nila na hawak hawak ang isang bab---

"Stacey?"- Takang tanong ko sa sarili ko at nang tumapat na ang ilaw sa mukha ng babae dun ko na napagtanto na si stacey yung babae

"PAKAWAL---

Di nya natapos yung sasabihin nya ng huminto ito at tumingin saken

"IKAW!! IKAW ANG MAY KASALANAN SA LAHAT NG 'TO!! AT ALAM KONG IKAW DIN NAG UTOS SA DALAWANG YAN NA KIPDNAPIN AKO AT IKULONG DITO!!!"- Nagulat ako ng bigla itong sumigaw pero agad ding tumingin ng seryoso

"Buhay ka pa pala? Akala ko nauna ka na sa ate mo"- Walang emosyon kong sabe dito

"WALANG HIYA KA TALAGA!!! PAPATAYIN KITA!!!"- Halos magwala na ito sa galit

"Manahimik ka nga Stacey!!"- Sigaw sa kanya ni Taeyong at agad na tumingin saken

"Kinulong namin sya dito hanggat hindi sya nagsasalita kung nasan si Mr. Knight"- Kumunot naman yung noo ko

"Mr. Knight?"- Tumango tango naman ito

"Yung lolo nila" binaling ko naman ang atensyon ko kay stacey

Her Name is LISAWhere stories live. Discover now