Chapter 49

1.6K 52 0
                                    

Lisa POV

Umalis na sina taeyong at kookie. Nagpaiwan ako para tapusin na 'to.

Lumabas ako sa pagkakatago atsaka itinutok yung baril.

"Labas!!" - Sigaw ko, Saka nagsilabasan ang mga lalaking aabot ng 50 sa dami.

"Let's make a deal."- Sabi nung isang lalaki na nasa gitna.

"Spill it."- Sabi ko habang nakatutok parin sa kanila yung baril kahit na alam kong hindi na sapat yung bala para patumbahin silang lahat.

"Fist Fight. Titigilan ka namin kapag napatumba mo kaming lahat"- Napangisi nalang ako sa sinabi nya.

"Deal"- Sabi ko at tinapon kung saan yung baril.

Walang ano ano ay bigla na silang sumugod. Nasuntok ko yung unang sumugod atsaka sya tinuhuran, binaling ko naman yung paningin ko sa pasugod at handa akong suntukin sa likod.

"Better luck next time"- Nakangising sabi ko dito atsaka pinaikot yung braso nya at sinipa sa likod.

Nasubsob naman agad ako ng may sumipa sa likod ko. Tinignan ko ito at nakita yung lalaking leader ata ng mga 'to.

Sinugod ko ito at nakipagpalitan ng suntok, naout of balance naman ako ng bigla nya akong suntuking ng sobrang lakas.

"Ano?! Wala ka naman pal---

Di ko na sya pinatapos sa pagsasalita at buong pwersang sinuntok ng sinuntok.

Wala akong ibang magawa kundi sununtukin ang mga lalaki dito.

Bigla akong napatumba ng may maramdaman akong tumama sa likod ko. Nilingon ko ito at nakita yung mayabang na lalaking kausap ko kanina na may hawak ng baseball bat.

"Wala sa usapan nat---

Di natapos yung sasabihin ko ng may sumuntok saken at agad akong hinawakan sa magkabilang braso.

"Hindi nga nagkamali si boss! Matibay ka nga."- Sabi nito at agad na hinawakan yung pisngi ko para maharap sya.

"Pero mukhang wala ka namang binatbat ngayon"- Sabi nya at nagtawanan yung ibang mga lalaki dito. Dunuraan ko naman ito sa mukha ng dugo na kanina ko pa nalalasahan sa bibig ko

"Aba't---

"Tama na!"- Napatigil nan ito at sabay kaming lumingon sa pinanggaling ng boses.

May biglang lumabas mula sa malayo at napangisi nalang ng makita ko kung sino ito. Isa isa namang nag bigay galang yung mga gunggong na mga lalaking nandito.

"Magaling!"- Sabi nito

"Anong kailangan mo saken?"

"Buhay mo! Maibibigay mo ba saken?!"- Galit na sabi ni Mr. Knight saken.

"Tsk! Uhaw ka ba sa kamatayan ko?"- Pang iinis ko dito. Nakita ko naman yung pagbabago ng ekspresyon ng mukha nya. Hinugot nya naman agad yung baril sa tagiliran nito at agad na tinutok saken.

"Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang pinakamamahal kong apo na si cipher"-

"She Deserve it."- Sabi ko. Wala na kong pakelam kung mamatay ako sa harap nya. Matagal nang nakataya yung buhay ko dito.

"Bitbitin nyo yan!"- Sigaw nito sa mga tauhan nya. Itinayo naman ako agad at may kung ano silang pinaamoy saken.

And everything went black...

3rd Person

"Where's Lisa?"- Bungad ni Jennie kina taeyong at kookie na kakarating lang sa bahay ni lisa

Her Name is LISAWhere stories live. Discover now