Chapter 46

1.7K 63 1
                                    

Lisa POV

Nandito ako ngayon sa bahay nung Lima, dito ko muna gagamutin yung mga tama ko ng baril

"Maupo ka muna jan Lisa, Tatawag ako ng Doktor para gamutin ka" Inupo naman ako ni Wonwoo sa sofa

"Wag na, Kaya ko na to, Dalhan mo nalang ako ng first aid kit" Napalingon naman sila saken

"Are you insane? Lisa, Gunshot yan! Sa ayaw at sa gusto mo tatawag kami ng doktor para gamutin yan" - Alam kong nag aalala lang naman si Mingyu saken kaya di ko sya masisisi kung bakit ganyan sya ngayon

"Sige na Lisa, kahit ngayon lang wag munang matigas ang ulo. Tama si Mingyu, Gunshot yan tska tigna mo nga! May saksak ka pa ng kutsilyo sa banda tyan mo" - Sabi saken ni taeyong

"Oo na, Pakikuha nalang ako ng tubig" - tumango naman ito atska  pumunta sa kusina

Nandito na din yung doktor at kasalukuyan ginagamot yung tama ko ng baril sa braso at saksak ko sa tagiliran

"Wag mo lang masyadong gamitin yang braso mo at baka lumala yung sugat nito mabuti pang ipahinga mo muna pati na rin yung saksak mo sa tagiliran" - Sabe saken ng Doktor

"Salamat doc"- Pagpapasalamat nila sa doktor at nag paalam na ito

"Uh Guys! Maiwan ko muna kayo may aasikasuhin lang muna ako"- pagpapaalam ni taeyong samin kaya tumango nalang kami

Taeyong POV

Umalis na ko at agad na pinuntahan si Ten. Nakarating naman ako agad at pumasok sa bahay nya

"Oh taeyong? Anong ginagawa mo dito?"- Tanong nya nang makapasok ako

"I think kailangan na nating sabihin kay Lisa lahat"- Bigla namang kumunot yung noo nya

"Not now Taeyong. Gusto ko munang magdusa silang lahat" - seryosong sabe nito

Hindi ko na din kasi kaya pang itago kay Lisa lahat, na Lihim akong nakikipagkita kay Ten at nung nasa ibang bansa pa si Lisa, Ayoko na ding itago kay Lisa na kami ang may gawa ng mga pagpatay sa mga taong naghahanap sa kanya, Mga tauhan Ni Cipher. Yung pagpunta ni Lisa sa isang party ng isang Negosyante na kasabwat ni Cipher? Lahat ng CCTV don ay pinutol ko para walang makitang ebidensya yung mga pulis at kubg sino mang gustong makapanood ng mga nangyayari noon, yung kwarto na pinasukan nila Lisa bago sila makarating doon ay agad kong tinggal yung CCTV para sa kaligtasan nya. At yung Pagiging G*go ni Ten dati? Yung panggag*go na ginawa nya kay Lisa dati? Lahat yon nakaplano. Matagal na naming gustong pahirapan si Cipher at yung mga malalapit na tao sa buhay nya. Pinoprotektahan ni ten si Lisa dahil ayaw nyang nakikitang nahihirapan ito ayaw nyang nakikitang nasasaktan si Lisa at Ganun din ako. Matagal ko nang mahal si Lisa pero isinantabi ko yon dahil nakikita ko dati sa mga mata ni Lisa na mahal na mahal nya si Ten at ayokong masira ang pagkakaibigan namin nang dahil lang don kaya nagparaya ako. Until now, Kaya lagi akong nasa tabi ni Lisa kapag kailangan nya dahil alam naming pareho na kahit gaano katapang si Lisa alam kong gusto na nyang sumuko gusto na nyang matapos lahat ng mga nangyayari sa kanya at yun din ang gusto namin para sa kanya.

"Pero ten-- Sumugod kanina si Cipher sa party ng school, Nagkagulo kanina at si Lisa ang Humarap kay Cipher" Bigla naman itong napatingin saken

"Ano?! May nangyari ba kay Lisa?"

"Nabaril sya sa braso at nasaksak sya sa tagiliran ng tyan nya pero Napatay nya si Cipher"

"Kakagaling lang ni Lisa sa Hospital tas may tama na naman sya?!! Walang Hiya talaga yang Cipher na yan! Dapat tinawagan mo ko at ako mismo ang papatay sa babaeng yon!" - Galit na galit na sabe ni ten

"Too late ten, Napatay sya kanina ni Lisa at nakita mismo namin yung bangkay nya"

"Let's go!"

"Teka-- San tayo pupunta?"

Her Name is LISAWhere stories live. Discover now