Chapter 40

1.7K 63 0
                                    

Jungkook POV

Sinundan ko naman agad si Lisa. F*ck! Di ko naman alam na may nilagay na gamot si stacey sa inumin ko.

Pagdating ko sa parking lot wala na si Lisa. Sumakay agad ako sa kotse at pinaandar ito.

Habang nasa byahe ako walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi si Lisa, pumunta sya sa condo na ganun yung sitwasyon namin ni stacey. Gusto kong ipaliwanag sa kanya na mali yung iniisip nya kanina, di ko ginusto yung mga nangyare.

Huminto agad ako sa tapat ng bahay nya at pumasok. Pagpasok ko naabutan ko don sina jin hyung kasama si Mingyu

"Oh? Kookie! Napadalaw ka?"- Jin Hyung

"Nandito ba si Lisa?"- tanong ko sa kanila

"Ha? Teka-- sabi nya pupuntahan ka nya sa Condominium mo"- Sabe saken ni mingyu, mukhang Wala dito si Lisa.

"Sige Hyungs alis na ko, hahanapin ko lang si Lisa"- Paalam ko sa kanila pero bago pa ko makaalis nagsalita si namjoon hyung

"May nangyare ba?"- tanong nya, sasabihin ko ba? Alam kong pati sila magagalit saken.

"Ah Wala hyung! May konting Problema lang pero aayusin ko din agad"- Nakangiting sabe ko, tumangi naman sya

"Alis na ko!"- Paalam ko dito

Pinaandar ko naman agad yung kotse. Pumunta ako sa park pero wala sya don, Kahit sa Secret place na pinuntahan namin wala sya. Nasan ka na ba Lisa? Tinry kong tawagan yung number nya pero out of coverage, kaya si Taeyong nalang yung tinawagan ko.

"Hello?"- Taeyong

"Nandyan ba si Lisa?"- tanong ko

"Wala, Bakit?"- tanong nya

"Pupunta nalang muna ako jan"- sabe ko tska binaba na agad yung tawag

Naging Close ko na din sina Taeyong at Wonwoo Simula nung nakasama ko sila sa iisang tent nung nag camping kami.

Nandito na ko sa Bahay nya kaya nag doorbell na ko, bumukas din naman agad ito at pumasok na ko.

"May nangyari ba kay Lisa?"- Tanong nya

"Hindi ko alam"- Sabe ko

"Eh bakit mo sya hinahanap?"- Tanong nya

"Kailangan kong mag apologize sa kanya"- Sabe ko dito

"May nangyare ba?"- tanong nya

"Oo, Kanina pumunta sya sa condominium ko sakto namang pagpasok nya nakita nya kami ni stacey na naghahalikan habang nakapatong ito sa katawan ko. Hindi ko naman alam yung ginagawa ni stacey, uminom ako ng tubig non tapos bigla nalang akong nahilo hanggang sa paggising ko nakita ko nalang si stacey na hinahalikan na ko"- Pagpapaliwanag ko dito

"Tsk. Tsk. No wonder na kapatid nga nya si Cipher parehong Desperada sa pag ibig. Itatry kong tawagan si Lisa"- Sabe nito at maya maya tinawagan na nya

"Ayaw sagutin"- Taeyong, maya maya naman ay may tumawag dito

"Si ten natawag"- sabe nito, Wait-- ten?

"Ten?"- nakakunit noo kong tanong dito

"Ieexplain ko mamaya"- sabe nito, at pumunta sa labas.

Naupo naman ako sa sofa. Nag aalala na ko kay Lisa, Baka kung anong mangyari sa kanya.

"Kookie!!"- Sigaw nito nang makalapit na saken

"Aalis tayo, Nasa bar si Lisa ngayon. Lasing na lasing na"- Sabe nito. Sh*t!!

Her Name is LISATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon