Chapter 43

1.7K 58 2
                                    

1 week after ...

Jungkook POV

Isang linggo na ang nakalipas nang mangyari yung insidente pero hindi parin nagigising si Lisa hanggang ngayon. Walang araw na hindi ko pinagdasal sa panginoon na sana Gumising na sya, Miss na miss ko na sya...

"Bibili lang muna kami ng pagkain kookie" - Paalam saken nila Jin hyung

Kung maitatanong nyo kung anong nangyari sa kanila nung gabing yon, Wala. Di na daw nila nakita yung bangkay ni Stacey at wala daw bakas nang mga dugo nito kung buhay man sya.

Napatingin naman ako sa mukha ni Lisa. Kelan ka ba gigising? Alam mo bang namimiss na kita?

Napatingin naman ako sa kamay nyang biglang gumalaw.

"Lisa? Lisa Gising ka na ba?" - tanong ko dito at unti unting dumilat yung mga mata nya

"N-na-nasaan ak-ako?"

"Nasa Hospital ka, Oh my god! Thank you! Thank you at nagising ka na!" - bigla ko namang hinawakan ng mahigpit yung kamay nya, Sobrang saya ko ngayon dahil nagising na sya.

"T-tu-tubig .." - kinuhanan ko naman ito agad ng tubig at inalalayang uminom

"Lisa?" - napatingin naman ako kina jin hyung at namjoon hyung na kakarating lang, bigla naman silang tumakbo at lumapit sa tabi nito na bakas na bakas sa mukha nila na sobrang saya nila dahil nagising na sya

"May masakit pa ba sayo? Gusto mong tawagin ko yung Doktor?" - Napatawa ng kaunti si Lisa sa inakto ni Jin hyung

"Ok na ko kuya, Salamat sa concern"- Nakangiting sabe nito dito

Napatingin naman sya saken at ngumiti kaya nginitian ko na rin ito.

"Thank you .." 

*Fast Forward*

Sabay sabay kaming nagdinner dito sa room ni Lisa, Nandito na din yung mga kaibigan nya na sina Vernon at yung mga pinsan nya pati narin yung tita sandra nya na ngayon ay nakawheel chair.

"May masakit pa ba sayo Lisa?"

"Wala na po Tita"

"Pasensya ka na at nadamay ka pa, kasalanan ko lahat to kung hindi dahil saken wala ka sana ngayon dito" - maluha luhang Sabe nung tita nya, bigla namang hinawakan ni Lisa yung mga palad nito sabay ngiti

"Tita wala kayong kasalanan, Kagustuhan ko yon at isa pa nawala na sina mommy at ate ayoko namang mawala din kayo sa buhay ko. Poprotektahan ko kayo hangga't gusto ko"

Napangiti naman ako sa mga sinabe nya sa tita nya. No wonder kung bakit pinakamatapang sya sa buong GW at Grupo nya, Na kahit mismo kamatayan na yung kapalit hindi nya palalampasin maisalba at maprotektahan lang yung mga taong mahal nya sa buhay.

"Cut the drama guys! Like Eww! Di bagay sayo magdrama Queen!" - nandidiring sigaw ni Vernon, Di na kami nagulat kung bakit ganyan sya makitungo kay lisa

Binato naman ni Lisa yung unan nya at saktong tumama yon sa mukha nito

"Maka eww ka! Kung ayaw mo kong makitang magdrama, Bukas ang Pinto makakaalis ka na"

"Eto naman! Joke lang! Ang pangit mo kasi, di bagay sayo"

"Wag mo kong sisimulan Hansol Vernon Chwe" - nakita ko namang napalunok nalang ng laway si Vernon dahil sa pagbabanta ni Lisa sa kanya kaya napatawa nalang kami.

2 weeks after

Lisa POV

On the way na kami ngayon sa bahay, na discharge na rin ako sa Hospital.

Her Name is LISAWhere stories live. Discover now