Prologue

177 7 2
                                    

"Sierra, anak sumunod ka na dito sa New York! Solo ka na lang dyan sa Pilipinas, why don't you stop fooling around and get your life started?"

Napabuntong-hininga si Sierra habang kausap ang kanyang makulit na ina sa cell phone. Nangungulit na naman ito sa kanyang sumunod na sa pamilya nya sa States. Doon naka base ang software company ng kanyang Papa. Sa tatlong magkakapatid, sya ang bunso at ang solong babae. Sa lahat din ng mga anak ay sya lang ang hindi kumuha ng business course. Gusto nyang mag-work sa hospitals at makatulong, pero ang nakatawag ng pansin sa kanya ay ang job offer sa kanya sa National Center for Mental Health bilang nurse sa private pavilion ng ospital.

First week pa lang nya gusto na nyang sumuko, mag-empake at pumunta na sa Amerika. Unang-una, hindi nya nakaya agad ang amoy. Sumunod na ang mga bayolenteng pasyente at pangatlo ang daily reports.

Buti na lang at dumating bigla ang mga bago nyang katrabaho. Ang magkapatid na sila Stellar Mari at Mystina Denisse Maranan. Nakaboard-mate pa nya ang mga ito. Sa una mas nakasundo nya si Mystina na bagong chef supervisor sa kitchen na sobrang ingay, moody at prangka.

Si Stellar naman ay medyo seryoso sa trabaho pero hindi nag-tagal ay nakuha nyang sakyan ang ugali nito at nagkasundo-sundo na silang tatlo. Silang dalawa ni Mystina ang kusa nang nagpapasaya sa buhay ni Stellar pag nagiging boring na ito. Lalo na nang magkaroon ng problema ito sa pasyente.

"Sierra, kawawa naman ang ate ko..." naalala pa nyang wika sa kanya ni Mystina habang pinapanuod nila si Stellar na binibigyan ng psychological tests ang pasyenteng si Drei, "Bawal ma-in-love sa pasyente sila ate... pero masisisi mo ba sa kanya kung talagang minamalas sya?" problemadong tanong nito as kanya.

Bukod sa kaibig-ibig na ang foreigner na binata ay required pang sundin ni Stellar ang bawat kapritso nito... at sa kamalasan ng pobreng kapatid ni Mystina, ang napili nitong kapritso ay mahalin si Stellar.

Dati, wala syang pakealam sa mga tao sa palibot nya. Nabubuhay sya sa motto na walang pakealaman. Gusto nyang tumanggi kay Mystina noon ng humingi ito ng tulong pero um-oo din sya sa huli. At hindi nya namalayan ay nagiging tunay na concerned sya dito. Salamat pa nga sa dalawa nyang naging best friends at mas naging effective nurse sya. She started to care more about her jobs and welfare of her patients.

At dumating nga sa point na lumusong at nagbungkal pa nga sya ng basura para kila Stellar at Mystina na naging mga babaeng kapatid na matagal na nyang pinangarap noon. Wala syang naging kaibigan sa U.P dahil masyado syang naging aktibo sa mga rallies at human rights debates. Actually kahit anong rally na may kinakalabang masasamang tao o hangaring masama ay pinupuntahan at sinusuportahan nya.

"Are you even listening Sierra?!" galit na tanong ng Mama nya sa kabilang linya.

"Yes Ma! Look, I have a job here. I am supporting myself without your help back there. Ako nga rin ang nagpatapos sa sarili ko! I can live by myself! I'm nineteen for God's sake Ma!" pilit nyang paliwanag dito.

"Why don't you take vacation here for awhile? Kahit saglit lang! Almost four years ka na naming hindi nakikita ng papa at ng mga kuya mo!" pakiusap nito sa kanya.

Napaismid si Sierra sa phone. Hindi sya ganun katanga para hindi matunugan ang plano ng mga ito. Pag-dating nya sa Amerika ay tyak na hindi na sya papauwiin dito sa Pinas. Kaya hindi sya aalis sa home base nya kung saan alam nya ang pasikot-sikot ng bawat eskenita.

Noong mag ma-migrate ang family nila four years ago ay pilit sya nitong isinasama pero hindi sya pumayag kaya iniwan sya nito sa Manila. No food, no house, no money. Akala ng mga ito ay within two days ay magpapasundo na sya. Fat chance.

Pag-Ibig Kong Ito (Salamat Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon