Epilogue

153 7 5
                                    

"Grabe! Ang init! Pati singit ko namamawis na!" reklamo ni Mystina habang naglalakad na sila pauwi galing mental.

Five na ng hapon pero ang init parin. Parang iniihaw sila ng buhay. Si Stellar ay deretso sa pagpapaypay ng dalang clear book.

"AYUN! May palamig! Salamat naman! Ate pabili nga! Yung five pesos!" tumakbo si Mystina sa nagbebenta ng palamig sa gild ng daan at bumili.

"Ako nga rin. Isang five pesos din ate," sabi ni Stellar na uhaw na uhaw na din.

Kinuha na lamang ni Sierra ang tubig na dala sa bag at ininom ito. Napatingin sya sa kanan nya at nakita nya si Lycan na nakaupo sa isang restaurant. Sumesenyas sa kanya itong lumapit.

"Ay pasama ako Sierra! Nasaan yung guards nya? Bored na ako e!" malungkot na ungol ni Stellar sa kanya, "Gusto kong makapagunat-unat ng buto at nang mapraktis ko ang taekwondo ko. Sayang ang black belt ko,"

"Tamang-tama! Dala ko yung natirang durian jam! Ang bango ng amoy! Bagay kay senator!" masayang wika naman ni Mystina.

Bumuntong hininga sya at tumango. Tumawid sila ng kalye at pumasok sa sosyal na restaurant kung saan naghihintay si Lycan. Napapaligiran ito ng mga guwardiya na puro naman namutla ng makitang nakangisi sila Mystina at Stellar sa kanila. Lalong napa-atras ang mga ito ng nagunat-unat ng katawan si Stellar at hawakan ni Mystina ang sandok nito sa bag.

"Anong kailangan nyo Senator Fortalejo?" malamig nyang tanong dito.

Tumitig ito sa kanya na tila gusto syang kausapin ng sarilinan, "Have a seat Sierra," turo nito sa upuan sa tapat nito.

"Alam mo na siguro kung ano ang sagot ko Senator. Sabihin mo na lang ang gusto mo ng makauwi na kami. Allergic ako sa ganitong kainan," ayaw niya sa mga classic restaurant na gumagastos ang tao ng libo-libo. Masyadong maaksaya at waldas.

Tumitig uli sa kanya ito pero kahit anong gwapo nito ngayon at gandang lalaki, wala paring epekto sa kanya ang karisma nito. Hindi ito ang lalaking inibig nya at pinangakuan na mamahalin habang buhay.

"I need my British Visa back Sierra,"

Ngumiti sya dito at tumango, "Mabuti pala at dala-dala ko lagi iyon. Nakalagay sa pouch ko ng mga id's," sabi nya sabay halungkat sa shoulder bag nya.

Nakita nya ang visa nito at ipinakita kay Lycan, "Eto diba?"

Tumango ito at akmang kukunin.

Pero dahil sa galit nya para dito ay sa halip na ibigay dito ay shinoot niya sa cream of mushroom soup ang visa ni Lycan.

"What the..."

"Ay sorry, nagkamali ako ng itsa. Pasmado na ako kakatrabaho. Aalis na kami. Sana matupad ang ilusy---este plataporma mong wala nang magyayapak sa Pilipinas senator," sarkasmong paalam nya dito.

Napatawa naman ng malakas sila Stellar at Mystina sa sinabi ni Sierra at sumunod na sa kanya pag-labas ng restaurant.

"Bitter talaga grabe," wika ni Mystina ng makalayo na sila.

"May problema?" asik nya dito.

Tinaas nito ang dalawang kamay at umiling, "Wala po. Baka ishoot mo kasi sa balatong na ulam natin ngayong gabi ang wallet ko e!"

"Sayang. Akala ko magkakagulo. Umasa ako sa wala..." hinayang na sabi ni Stellar sa kanya.

"Wala ako sa mood mag deklara ng gyera. I want world peace!" sigaw nya sa langit sabay peace sign.

Pag-Ibig Kong Ito (Salamat Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon