Chapter 1

109 6 0
                                    

"Sierra, bakit parang hindi ko pa nakikita ang Malacanang?" takang tanong sa kanya ni Mystina habang magkakatabi sila ni Stellar sa bus.

Bago pa siya makasagot ay biglang nag-preno ang bus. Muntik nang malaglag si Mystina sa sahig kung hindi pa ito nahila ni Stellar pabalik as upuan nito.

"Shucks! Anong meron?! O.M.G! Rally ba yun ate?!" turo nito sa mga taong may dala-dalang placards at mga nagkakanda-putol na ang litid sa leeg kakasigaw.

Inayos ni Stellar ang salamin at tumingin sa itinuturo ng kapatid, "Aba'y oo nga ano? Pano na yan Sierra? May alam kang ibang way para makarating tayo sa Malacanang o uuwi na tayo?" tanong sa kanya nito.

Umiling sya at dali-daling tumayo at hinila ang mga kamay nito, "Hindi tayo uuwi, makakarating tayo dun on foot. Trust me!" sabi pa nya at nagsimula na silang bumaba ng bus.

"MAKIBAKA, WAG MATAKOT! MAKIBAKA WAG MATAKOT!"

"Ang mga hayop na corrupt na nagpapayaman lamang ay dapat tanggalin sa pwesto!"

"TANGGALIN!"

"Mga buwaya sa lipunan!"

"BUWAYA!"

Nagkakagulo ang mga tao at nagsusumiksik sa palibot ni Sierra. Sila Mystina naman at Stellar ay parang takot na takot at parang anu mang oras ay tatakbo na palayo.

"Sierra, buti nakarating ka, kasama mo?" tanong sa kanya ni Rey sabay turo sa dalawa nyang best friends na nag aamanamin na ng tahimik.

"Oo, gusto nilang pumunta ng Malacanang kaya sinama ko sila, lalarga na ba tayo?" tanong nya dito.

Tumango ito at binigyan ng tatlong placards, "Nag-iba ka na Sierra, nakakuha ka na ng kaibigan. Anyways, pupunta na kami sa Malacanang, pakipahawakan na lang ito sa dalawa mong kasama," sabi nito sa kanya, "I think makakarating tayo sa Malacanang in twenty minutes time pag walang pulis na nakaharang," pagkasabi nito niyon ay tumungo na ito sa unahan at nawala na sa paningin nya.

Hinarap naman ni Sierra ang dalawa na naghe-hail marry na habang magkahawak ng kamay, "Oh eto tig-isa kayo," sabi nya sabay abot sa placards kila Stellar at Mystina.

"Hail Mary, full of grace. The lord is wi--- ano 'to?" tanong sa kanya ni Stellar nang maipahawak na nya ang placard nito.

"Hmmm... Patayain ang mga gagong pulitiko..? Sierra?!" gulat tanong ni Mystina sa kanya pagkabasa sa nakasulat sa placard nito, "Don't tell us..." nanlaki ang mga mata nito at gulat na nakipagtinginan sa kapatid.

Ngumiti sya ng matamis at itinaas ni Sierra ang sariling placard na may nakasulat na "SALOT KAYO MGA PULITIKONG SINUNGALING!" sa taas ng kanyang ulo, "Gusto nyo dibang makarating sa Malacanang? Dun ang tapos ng rally na 'to kaya simulan nyo nang maglakad, don't forget to shout okay?" paalala nya dito sabay munstra ang tamang paghawak ng placard.

Ngumiti siya ng makita nyang takot na itinaas ng dalawa ang mga placards na dala ng mga ito at lumakad na din kasunod nya.

First time nyang magsama ng tao sa rally na dinaluhan nya. Best friends pa nya... mukhang masaya ito.

-0-

"ISULONG ANG TAMANG PAG-BOTO!" sigaw ng naka megaphone.

Almost ten minutes na silang nag mamartsa at halos nakikita na nya ang Malacanang.

Pag-Ibig Kong Ito (Salamat Sequel)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora