Chapter 5

88 4 1
                                    

"Ingat kayo pagluwas nyo ng Maynila hah? Stellar ingatan mo ang laptop mo at 3DS. Lagi kang magsisiksik ng pera sa bag para pag nalaglagan ka ng wallet ay may pamasahe ka pa. Kumain ka lagi at wag kang magpupuyat," paalala ni Tito Steve kay Stellar habang papalabas na sila ng gate.

"Kakain kang mabuti Mystina ha? Wag kang masyadong maingay at magsuklay ka lagi. Yang P,S,P mo at cell phone ay wag mo laging ilabas pag wala pa kayo sa bahay. Sumunod ka lang sa ate mo at wag matigas ang ulo. Mag-aral kang mabuti at siguraduhin mong maayos kang magluto," paalala naman ni Tita Lalay kay Mystina.

"Oo na Mommy. Don't worry! Be happy!" masayang paalam ni Mystina sa ina na hinalikan ito at yumakap sa Duncle nito.

"Daddy kumain ka nang madami ha? Wag nyo na kami alalahanin," paalam ni Stellar sa Daddy nito na niyakap nito ng mahigpit. Sinunod nito ang Momtie na hinalikan nito sa pisngi at sumabay na kay Mystina na naglakad na papunta sa kanto.

Paalis na din sana si Sierra ng tawagin sya nila Tita Lalay at Tito Steve.

"Ikaw na ang bahala sa dalawang 'yon ha?" sabi sa kanya ni Tito Steve.

"Itawag mo lang sa amin kung may kailangan kayo. Tyak na hindi tetext ang mga yan at mahihiya," paalala naman sa kanya ni Tita Lalay.

"Sige po Tito, Tita. Ako po ang bahala sa dalawang yan," pangako nya dito.

Nagulat si Sierra ng bigla syang yakapin ng mga ito.

"Sierra! Bruha! Sasakay na dali!" nakinig nyang sigaw ni Mystina sa may kalayuan.

Napatawa silang tatlo. Kumaway sya sa magulang ng best friends nya at tumakbo sa jeep na nag-aabang na sa kanya.

-0-

"Kuya anong password ng wi-fi dito?" pacute na tanong ni Mystina sa kundoktor.

"Nakasulat po sa unahan Ma'am," sagot naman nito.

"Ay thanks kuya!" masayang sagot nito sabay buhay sa P.S.P at nagsimula ng mag-internet.

Si Stellar naman ay nag-lalaptop na. Tinatapos nito ang naiwang report sa mental. Nasa may bintana si Sierra at nakatingin sa dinadaan ng bus. Tahimik na sana ang byahe. May epal nga lang na sumakay.

"Si Everlyn!"

"Pa autograph!"

"Papicture!"

Sunod sunod na sumigaw ang mga pasehero ng bus nang umupo si Everlyn doon pa sa katabi nilang tatlo sa left side ng bus. Pagkatapos ng mahabang picturan ay natahimik na din ang Jac Liner.

Nag-ring ang cell phone nito at mabilis nitong sinagot, "Yes? Yes Lycan. I'm on my way to Manila right now.Yes, I'll be attending the party with you... Yes sweetie. I love you!" masaya nitong paalam sabay tingin sa kanya ng nakakaloko.

Pumikit na lamang si Sierra at pinilit iwaksi sa kanyang isipan ang mga walang kwentang emosyon na nagwawala sa puso nya.

"You know what to do," tahimik na sabi ni Stellar.

Napamulat namang bigla si Sierra at nakita nyang sumubo ng tatlong yakee bubblegum si Mystina at nginuya ang mga ito na parang kambing.

"Yesh ateh!" sagot nito habang nanguya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nagstop-over ang bus nila sa isang gasolinahan. Seksing lumakad pababa ng bus si Everlyn para mag-cr.

Pagkababa nito ay dali-daling iniluwa ni Mystina ang nginunguyang bubblegum at lumipat sa upuan ni Everlyn.

Pag-Ibig Kong Ito (Salamat Sequel)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora