Chapter 3

86 6 0
                                    

"ANG HALIK MOOW NAMIMISS KOW!" nagising na lamang si Sierra sa boses ni Mystina habang naliligo sa kanilang banyo. Sa lakas ng boses ay akala mo napakagaling kumanta habang tulog na tulog parin ang kapatid nito na tila immune na sa pag-wawala nito, "ANG HALIIIK MOW NAMIMISS KOW BAKIT INIW----SYET ANG LAMEG! *EHEM* INIWAN MOW AKOWWWWW OHHHHHHHH---TAKTE ANG LAMEG TALAGA!" reklamo nitong malakas habang tuloy ang buhos ng tubig.

Nagunat-unat na din si Sierra at humikab. Tumingin sya sa orasan at nakita nyang six na pala ng umaga. Dali-dali syang nag-tsinelas at kinuha ang tuwalya bago dumeretso sa banyo.

"BULAKLAK! SA BUHAY AY KAILANGAN NG MAGKAKULAY ANG MUN--- AY ANAK NG BIYA!" napasigaw si Mystina ng bigla syang kumatok sa banyo.

"Lumabas ka na dyan! Ako naman dali!" sigaw nya dito sabay katok ulit ng malakas, "Bilisan mo!" utos nya kay Mystina na ngayon ay nakalabas na ng banyo. Bihis na bihis na pang-trabaho.

"Bwisit ka talaga! Hindi pa nasikat ang araw ay winawasak mo na ang mood ko! Malunod ka sana sa tabo!" hiyaw nito sa kanya sabay pasok sa kwarto.

Inismiran lang nya ito at dumeretso na sa loob. Binilisan nya ang paliligo dahil any moment now ay magigising na si Stellar. Hindi ito naatrasado sa six fifteen na oras nito sa pag-gising at paliligo.

Nung buksan nga nya ang pinto ay nakita na nya si Stellar na nag-aabang na dito. Wala itong imik na pumasok sa banyo at padabog itong isinara. Si Stellar ang klase ng taong pwedeng pumatay pag binadtrip mo sa umaga.

"Sierra tuloy pa ba ang balak nating pagbubugaw kay ate Stellar?" bulong na tanong sa kanya ni Mystina ng makapasok siya ng kwarto nila, "Kailangang makalimot si ate sa Drei na iyon! Grabe nakita mo ba ang grades nya last sem?! Pinagmukha tayong inutil at mangmang! Flat uno sa lahat ng subjects. Sobra nang subsob sa work yang si ate, sobra pang mag-aral. Baka mabaliw na sya!" takot na taghoy nito kay Sierra.

"I don't think so. Wag na lang. Baka tayo ang ipa-confine nyan sa pavilion pag nagkataon. Bubungkalin nyan ang mga records natin at gagawa yan ng paraan para mabulok tayo sa ward!" takot nyang tugon dito.

Namutla naman si Mystina at tumango, "Tama bantayan na lang natin sya at paligayahin. At least may nakakapag move-on sya kahit papano."

"Move on... Nakakainggit naman si Stellar... Bitter better... ako Bitter lang... Hinayupak ka kasing lalaki ka..."

"Mag-beach nalang tayo Sierra! Kahit saan basta may dagat at walang nalutang na galing sa tyan!"

"Patay! Bat beach pa ang pumasok sa kokote ng magandang baliw na ito! Kailangan mabrainwash nya si Stellar na wag pumayag... Napagkasundaan nila na two versus one lagi ang decisions nilang tatlo. Kung saan mas marami yun ang masusunod."

"Beach Mystina? Maganda yan ng makapag-langoy naman tayo kahit papano," sagot bigla ni Stellar na pumasok sa kwarto na kakalabas lang sa banyo. Isa pa itong maganda dahil hilaw na pilipina din ito tulad ni Mystina, "Kelan ba?"

"Patay na!"

-0-

Isang magandang dagat ang sumalubong kila Sierra at Lycan ng makarating sila sa beach. November ng mga panahon na iyon at sila lang dalawa ang tao doon. Dito nila napiling mag-celebrate ng kanilang unang anibersaryo. Mabilis na tinanggal ni Sierra ang kanyang tapis at lumusong na sa tubig. Maligamgam iyon at masarap sa pakiramdam. Nilingon nya ang kasintahan na parang nag-dadalwang isip kung tatanggalin nito ang t-shirt na suot o hindi. Naka swimming trunks na rin ito.

Pag-Ibig Kong Ito (Salamat Sequel)Where stories live. Discover now