Chapter 4

77 7 0
                                    

"Mystina anak, ano pa ang gusto mo? May clubhouse sandwiches pa oh. Sige kain ka pa," alok ni Tito si Steve kay Mystina na hindi na magkandaubos sa mga pagkain na nakahain sa harap nito.

December twenty two ngayon. Kakauwi lang nila galing Manila. Tutal naman at solo lang siya ay isinama na sya nila Stellar at Mystina sa Lucena. Second time na nyang nakakapunta dito. Mababait naman ang mga magulang ng dalawa nyang best friends. Wala ang lolo at lola nila Stellar sa bahay. Nasa Japan daw at nagto-tour.

"Ikaw ba Sierra? Ano ang mas gusto mo? Ice cream?" ipinakita sa kanya ni Tita Lalay ang very rocky overload, "O etong buko salad?" itinuro ang kalaway-laway na dessert na kaliwa nya.

"Pwede both?"

"Pwedeng pwede!" sagot naman ng ina ni Mystina at naglagay ng ice cream sa baso samantalang sa platito inilagay ng ina ang salad, "Kain ka lang ng kain ha? Pag ito naman ang napagtripan ni Mystina ay hinding-hindi ka na makakatikim,"

Tumabi sa kanya si Stellar at sumandok narin ng pagkain, "Hay naku Momtie. Bakit favorite si Mystina ni Daddy e ako ang anak?" pakunwaring tampong tanong ni Stellar habang nakatingin sa ama na pinagsisilbihan ng pagkain si Mystina.

"Mystina, yang kapatid mo pag kumain ng madami ngayon, nataba agad kinabukasan. Ikaw naman walang pagbabago. Gusto ng daddy mo ng matabang bata," paliwanag ni Tita habang inihahain ang carbonara, "Alam mo naman na habol yan sa Duncle nya,"

"Spoiled pala si Mystina, buti hindi ka naiingit Stellar?" tanong ni Sierra dito.

Napangiti na lamang si Stellar at tumingin sa Momtie nito, "Spoiled din naman kasi sa akin yang animal na yan e."

"Pwede pakidagdagan ng beautiful at pakipaltan ng creature ung animal? Para beautiful creature!" sabi ni Mystina na nakinig ang usapan nila, "Duncle I-NEED-MORE! Nasaan na yung ice cream at buko salad?! Duncle pahingi na dali!" ungot nito kay Tito Steve na dali-dali namang kinuha kila Sierra ang pagkain.

Kumindat sa kanya si Tita Lalay habang umiling-iling nalang si Stellar na nakangiti.

"Sabi sa iyo hija e."

-0-

"Merry Christmas Sierra," masayang bati sa kanya ni Lycan.

December twenty five noon at nasa isang murang restaurant sila. Hindi ito umuwi sa kanilang probinsya para samahan syang mag-celebrate ng holidays.

"Wala akong regalo kasi ayaw mo ng nireregaluhan. Kaya ito na lang," hinalikan sya ni Lycan sa mga labi.

Nang matapos silang maghalikan ay ngumiti sya dito, "Yun na din ang regalo ko sa iyo ha? May bibilhin kasi akong medical kit sa January kaya nag-iipon ako."

"Ayaw mo pa kasing ibil--- sige, sige hindi na... nagsu-suggest lang naman," sabi nito ng makita ni Lycan na pinandidilatan nya ito ng mata.

Biglang may naalala si Sierra. Tumingin sya kay Lycan na nakain ngayon ng cake, "Nakita ko sa t.v ang sabi ng Papa mo. Tatakbo ka daw senador pagka-graduate mo. Ang daming papuri na sinabi niya tungkol sa'yo,"

"Kahit ano pa ang i-press release nya, hindi ako susunod sa kanya. Nilipat ko na nga sa sarili kong account ang pera kong bigay nila noong mga nagdaang taon. Malaki 'yon Sierra," kampanteng sagot nito sa kanya sabay ngiti.

"Ano naman ang gagawin mo sa perang yun?"

"Mag-aabroad tayo, may kaibigang akong nasa Britain. May malaking kompanya sya ng advertising dun. Ipapasok daw nya tayong dalawa doon pagka-graduate natin. Sa clinic ka tapos sa consultancy department ako. Nahawak din sila ng mga advertising para sa mga parliamentary elections," masayang tugon sa kanya ni Lycan.

Pag-Ibig Kong Ito (Salamat Sequel)Where stories live. Discover now