Chapter 2

90 6 0
                                    

"Para saan ito Lycan?" takang tanong nya sa bigay na isang kumpol na rosas sa kanya ng kaklase nya ng puntahan nya ito sa dati nilang pwesto sa canteen.

"Para sa'yo," hiyang sabi nito, namumula ang mga pisngi nitong labas na ang buto.

"Anong gagawin ko dito Lycan? Mukha ba akong altar para alayan ng bulaklak? Teka, may price tag pa ah... HA?! One thousand na ang isang boquet na ito?! Ang mahal! Twenty five days ko ng baon 'to ah!" hindi makapaniwalang sabi ni Sierra.

Hindi naman nakaimik ang kanyang kausap, lalo ata itong namutla at hindi na makaimik.

"Lycan, tapatin mo nga ako... Don't tell me..."

Tumango ito at tiningnan sya ng deretso sa mga mata, "Yes, I'm trying to court you. I think it went badly though... first time ko kasi..." hiya nitong wika sa kanya.

"Akala ko pag nanliligaw, binibigyan ng pag-mamahal ang isang tao. Hindi binibili Lycan. Hindi ako ang tipo ng babae na nadadaan sa pera. Alam mo naman siguro ang kalagayan ngayon?" tanong nya dito.

Hindi lingid kay Lycan ang kalagayan ni Sierra. Working-student na nga sya, may part-time job pa sa ukay-ukay. Sapat lang ang kinikita nya pambaon at pambayad ng iba pang ambagan at bayarin sa school, minsan nga kapos pa. Tapos reregaluhan sya ng bulaklak na nagkakahalaga ng 1000 pesos?!

"So-sorry Sierra, please wag ka magalit. Wag mo akong layuan, ikaw na nga lang ang kaibigan ko dito," pag-mamakaawa nito sa kanya.

"Hindi naman ako galit Lycan, nanghihinayang lang sa perang nagastos mo. Tsk. Akin na nga yan!" kinuha nyang bigla ang hawak nitong boquet, "Sayang ang 1000! Pero last na ito ha? Pag naglabas ka na naman ng pera para sa akin, hindi na kita papansinin," banta nya dito.

"Sige, hindi na ako magbibigay ng regalo na mahal. Pero gusto mong kumain? Masarap ang pagkain sa Shangrila. Sa Gateway din at sa... sa canteen na lang pala," bigla nitong sangat ng makita ni Lycan na tumataas na ang kilay ni Sierra.

Magkasabay silang nagtanghalian ng araw na iyon. Second Year na sila at nagsimula na ang kanilang pag-iibigang akala nya ay walang hanggan na.

Ang katangahan ng unang pag-ibig.

Biglang nagising si Sierra. Twelve na ng hating gabi. Tumingin sya sa paligid nya at nakita nyang nag-lalaptop si Stellar habang nag-lalaro ng P.S.P si Mystina.

"Itulog mo lang yan Sierra. Mukhang naliligayahan ka sa mga panaginip mo ngayon," payo sa kanya ni Mystina na hindi man lang sya nililingon dahil busy sa nilalaro, "Enjoy mo lang yan! Ay shoot! Natalo pa ang Gundam Raiser ko! Kaines!" hiyaw nito ng ma game-over.

Inayos ni Stellar ang salamin at tumango sa kanya, "Kami na ang magpapatay ng ilaw Sierra. Ituloy mo na ang naudlot mong panaginip."

Napatango na lang sya sa mga ito at muling humiga.

Masasakit ngang ala-ala. Matatamis na araw ng pag-mamahalan. Pero bakit ang sarap paring balikan kahit alam mo na sad ending ito?

-0-

"Jake, pumunta ka sa room 40, nagwawala na naman si Matilde. Turukan mo ng pampakalma," sabi nya sa lalakeng busy sa pagpapa-gwapo sa harap ng salamin sa Nurse's Station. Pinakagwapo ito sa apat nyang boys, pero ang pinaka-vain. Laging maabutang nakaharap sa salamin at nakatitig sa salamin.

"Yes Ma'am, ay hello Mystina!" bati nitong bigla sa best friend nyang biglang sumulpot sa harap nya.

"Sierra, day-off nating tatlo bukas. Saan ang ating excursion?" tanong nito sa kanya pero biglang parang may naalala at naningkit ang magaganda nitong mata na kulay uling, "Wag na wag mong maiisipang hilahin na naman kami ni ate sa rally ha?"

Pag-Ibig Kong Ito (Salamat Sequel)Where stories live. Discover now