Chapter 42

6.9K 212 20
                                    

Yanyan's

"S-Steff!"

Nanlaki ang mata ko nang i-lick niya yung gilid ng lips ko na may ice cream. Ngumisi siya sa akin at tinaas-taas ang kilay. "Hindi na kita nahahalikan."

Napalunok ako. "Nakahalik ka na kaya kanina, grabe 'to!"

Ngumuso siya. Napakagat naman ako sa lower lip ko. Eh, ang kyut niya! Nag-scoop ako ng ice cream at sinubo iyon sa kanya. Napangiti naman siya sa ginawa ko. Si Steff yung klase ng tao na mabilis mo lang na mapapa-smile kahit sa simpleng bagay. Tsaka showy din siya. Opposite sila ng kapatid niya. Masyadong pabebe.

"Yanyan." Humiga siya sa kama niya. Nilagay ko yung ice cream sa may bedside table and tumabi sa kanya. Nakakangawit umupo kaya, mas masarap yung nakahiga lang, 'no.

"Hm?" Tumingin ako sa kisame. Napangiti naman ako nang hawakan niya yung kamay ko at in-intertwine ito sa mga daliri niya. Ngayon ko lang na-realize kung gaano kalambot yung palad niya. Inggit me.

"Alam mo na bang break na sina Juliet tsaka si Cindy?"

"A-ano?" Napabangon ako at napatitig sa kanya habang nanlalaki ang mata. "Kailan pa? Bakit hindi ko alam?"

Bigla niya akong inirapan kaya kumunot ang noo ko. Tumawa naman siya ng mahina tapos umiling-iling pa. Parang baliw, eh.

"Sabi na nga ba, hindi mo mapapansin." Isang set pa ulit ng tawa yung narinig ko bago niya ako hilahin pahiga sa ibabaw niya. Magp-protesta na sana ako kaso bigla niya akong pinatahimik...gamit ng lips niya. Emerghed. Nikikilig ako! "Huwag nang kontra, Yanyan my loves. Masarap naman sa ibabaw ko, di ba?" Ngumiti siya ng pilya.

Well...

"H-hindi kaya." Nag-pout ako pero kumindat lang siya. Ramdam ko rin yung pag-iinit ng fes ko. Eh, kasi naman! Ang lambot ng katawan niya. Katulad lang kapag niyayakap niya ako, pero...uhm...gusto ko 'tong position namin. Pero, wait. "Break na nga sila? As in? Bakit? Paano?"

Nakakapagtaka kasi. Hindi ko ma-gets. Bakit naman sila maghihiwalay? Ang perfect kaya nila! Minus yung kasadistahan ni Cindy, pero, kahit na!

At dahil dakilang slow raw ako sabi nitong girlfriend ko, na hindi naman totoo, kinuwento niya sa akin lahat ng pangyayari. Na kinuwento sa kanya ni Cindy, op korz. In fairness, nakapagkuwento niya si pinsan, eh, hindi naman gaanong nag-o-open si Cindy. Iba talaga kapag kapatid.

"So, ayon." Nagkibit siya ng balikat. "Nag-decide si Cindy na hiwalayan si Juliet."

"Pero..." Natahimik ako. "Hindi ko ma-gets, eh." Kumunot yung noo ko, parang bigla akong nalungkot. "Bakit gano'n? Bakit siya maguguluhan? Eh, positive naman ako na mahal niya si Cindy." Napailing ako. "Bakit gano'n? Eh, di ba? Mahal nila isa't isa? Bakit kailangang mag-break? Hindi ba pwedeng pag-usapan? Nakakainis naman, eh! Lalo na kay Juliet! Naiinis ako sa kanya!" Naramdaman kong nag-iinit yung gilid ng mata ko. "Sinaktan niya si Cindy. Galit ako sa kanya."

"Huwag kang magalit." Niyakap ako ni Steff. Binaon ko yung mukha ko sa leeg niya. Kumalma ako bigla sa ginawa niya. "Dapat sa ganitong situation, imbes na magalit tayo at manisi sa kung sino ang nanakit at nasaktan, dapat mas isipin natin kung anong nararamdaman nilang parehas. Hindi ba?" Mahinahong tanong niya.

"Pero..." Napanguso na naman ako. "Sinaktan niya si Cindy. Ngayon lang 'yon nagmahal. Tapos sasaktan niya lang?"

"Normal naman na 'yon." Sagot niya, "Hindi naman siya masasaktan kung hindi siya nagmamahal. Sa case naman ni Juliet, hindi siya matututo kung hindi niya iyon mae-experience. Tingin ko naman, na-realize na niyang may mali siya. I can feel naman na genuine yung love niya kay Cindy."

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon