Chapter 47

6.4K 208 11
                                    

Cindy's

Napadpad kami ni Nikki sa Jollibee. Ang walang kasawaang bida ang saya whatever na mahal na mahal ng mga bata. Ayoko sa Mcdo dahil walang poreber.

Nilibot ko ang tingin sa buong lugar habang umo-order iyong kasama ko. As usual, hindi yata nawawalan ng tao rito kahit twenty-four hours na bukas itong fastfood chain. May mga bata ring nagtatakbo sa kung saan na akala mo nakawala sa hawla. Oh, well. Bata, eh. Masarap sakalin.

"I'm here!" Tawag-pansin ni Nikki pagkaupo. Dumating na rin agad yung in-order namin na iniayos na ng waiter.

"Ang dami naman." Puna ko. Mauubos kaya namin lahat ng binili niya? Halos lahat in-order niya, eh! Kulang na lang mag-extend pa kami ng table. Kakaloka!

"I'm hungry," katwiran niya, "hindi ko rin kasi natanong kung anong gusto mo. Tsaka i-take out na lang natin yung matitira."

"K. Mayayaman talaga." Nasabi ko na lang. Mukha namang narinig niya yung sinabi ko kasi nagkibit lang siya ng balikat. "Gusto kitang sapakin." Diretsong sabi ko. Nakakaasar yung reaction, eh.

"Huwag naman," Tumawa siya. "Ang ganda ko masyado para suntukin lang."

Feeling ko tumaas yung kilay ko hanggang kisame sa sobrang pagka-presko ng sagot niya. Eh, kung bangasan ko kaya talaga siya? "Ang hangin! Grabe! Nahiya naman ako!"

Tumawa siya at nag-wink. Inirapan ko naman siya. "Papayagan kitang suntukin ako basta girlfriend na kita."

Ay, wow! "Mukha mo. Manigas ka riyan. Saksakin kita, eh."

"Ang sarap mo talaga magmahal." Pamimilosopo niya. Tinutukan ko siya ng plastic na letseng tinidor pero tinawanan lang ako ng loka-loka! Baliw talaga.

"Kain na us!"

Hindi na ako sumagot. Nagsimula na rin akong kumain katulad niya. Tiningnan ko siya habang abala sa paglamon. Mapapansin mo talaga na anak-mayaman kasi pino pa rin kumilos. Hindi na siguro talaga nawawala yung pagka-classy sa gesture ng mga tulad niya. Parehas lang sila ni Juliet.

Hay, si Juliet na naman. Mahal na mahal ko talaga, eh.

Kung ipagkukumpara silang dalawa, mas matino talaga si Juliet kausap kahit na manyakis kung minsan. May pagka-childish din iyon pero mature naman sa mga seryosong usapan. Si Nikki naman, chill-chill lang. Parang hindi marunong mapikon, marunong din makisabay sa usapan pero may pagka-spoiled. Siya yung tipong masarap maging kabarkada.

Iyon lang yung tingin ko sa kanya.

"So, anong pag-uusapan natin?" Tanong niya nang matapos kami sa pagkain. Gaya ng ine-expect ko, hindi namin naubos lahat ng orders kaya ipinabalot na namin. Pero hindi pa kami umaalis.

Umayos ako ng upo at tiningnan siya ng seryoso sa mata. Pansin ko, never talaga siya na-intimidate sa lahat ng ginawa ko. "Nakausap ko yung kuya mo."

"Oh, and?" Kaswal na tanong niya. Ni hindi man lang nakaramdam yata ng kaba or kung ano man.

"Sinabi na niya yung totoo." Simula ko. "Alam ko nang kinausap mo si Romeo para pormahan niya si Juliet. Na ginawa mo po 'yon kasi gusto mo ako—"

"Mahal kita."

Muntik na akong masamid sa sariling laway dahil sa sinabi niya. Mahal? As in?

"Hindi ko itatanggi yung sinabi ng kapatid ko. Totoo naman, eh." Itinukod niya ang braso sa lamesa. "Sinadya ko 'yon, at pumabor naman sa akin yung nangyari maliban na lang sa katotohanang hindi ka pa rin akin."

"Nikki—"

"Mahal na mahal mo talaga yung Juliet na 'yon, 'no?" Seryosong tanong niya. "Nakakainis. Alam mo 'yon? Break na kayo. Nanliligaw na ako pero hindi mo pa rin ako napapansin. Kasi nandiyan pa rin siya, eh." Napailing siya. "What's worse is she's pursuing you, too."

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now