Chapter 50

6.7K 198 8
                                    

Yanyan's

"Ma naman!" Wala na akong nagawa nang kunin niya yung cellphone ko pati na rin yung ibang gadgets na mayro'n ako. Seryoso? "Akin na po kasi 'yan!"

"Hindi ko 'to isasauli habang hindi ko pa nakikita yung kapatid ko," Ang tinutukoy ni Mama ay yung nanay ni Cindy. "Pati na rin ang tatay ni Steff." Napahilot ito sa sentido. "Kuh! Nakaka-stress kayo!"

"Naman kasi, Mama," Stressed na sagot ko rin. "Tanggapin mo na lang po kasi kami."

"Heh!" Singhal niya kaya medyo napangiwi ako. "Kayo talaga. Hindi ninyo alam iyang mga pinaggagawa niyo."

Hindi na ako sumagot. Alam naman namin, eh. Bakit ba mahirap iyon intindihin? Tsaka, alam ko namang hindi ako sasaktan ni Steff. Patay na patay kaya 'yon sa akin. Mama talaga, para namang hindi niya kilala 'yon.

"Kung ako sa'yo, maglinis ka muna ng kwarto mo para naman may magawa ka."

Napamaang ako. "Malinis naman kwarto ko, eh."

"Malinis tawag mo riyan?" Sarcastic na tanong niya. Pinagmasdan ko yung kwarto ko—may mga nakasabit na damit, nagkalat na piles ng crumpled papers na ginamit kong drawing-an at pang-compute, gusot na bedsheet... Nangingiwing napatingin ako sa kanya. Ang sama makatingin! "Ito ngang kwarto mo hindi mo maayos, relasyon ninyo pa kaya?"

"Humuhugot lang, Ma?"

"Gusto mong utak mo ang hugutin ko?!"

"Joke lang po." Mama talaga, lagi na lang intense.

"Maglinis ka!"

Wala na akong nagawa. Pinanood niya talaga akong kunin yung mga panlinis bago ako iwan sa kwarto. Hay! Tinatamad ako, eh!

Habang naglilinis, hindi ko maiwasang mapaisip at malungkot. Baka kung anong isipin ni Steff kapag hindi ako nag-reply sa mga messages niya. Paano na 'yan? Pero... Napailing ako. Matalino 'yon! Mataba utak ng girlfriend ko kaya alam kong maf-feel niya na may reason kung bakit hindi ako nagpaparamdam.

Pero nakakaasar kasi miss ko na siya! Steff!

Para akong ewan dito. Naiiyak ako dahil lang sa nami-miss ko siya. Ito na nga ba, eh. Tama yung instinct ko na mangyayari 'to. Ito talaga yung downfall kapag ang jowa mo kapwa mo, at ang masaya, pinsan mo pa!

"Ice cream!" Matatag sa sagot ko sa namumuong stress sa katawan. "Kailangan ko ng ice cream!"

Lalabas na sana ako ng kwarto nang may marinig akong kaluskos. Bigla akong kinilabutan. Minumulto na ba ako?

"Psst!"

Inay ku pu!

Hindi ako makagalaw. Gusto ko lang naman ng ice cream! Masama na ba 'yon?

"Yanyan, para kang tanga riyan."

Huh? Unti-unti kong nilingon yung pinanggalingan ng pamilyar na boses. Agad nang bumilis yung kabog ng dibdib ko ng makita ko siya. Bongga! "Pahinging ice cream, Steff!"

Nag-pout ako nang tingnan niya ako ng masama. Eh, yung ice cream kasi, eh, kumakaway sa akin.

"So, mas gusto mong makita yung ice cream kaysa sa'kin, Marian?"

Napalunok ako nang ngumisi siya. Maaapurnada pa yata yung ice cream ko. "J-joke lang, eh." Tumaas ang kilay niya. "Promise!"

Naglakad siya palapit. Saka ko lang na-realize na sa bintana siya nanggaling at hindi sa pinto. Okay, ang slow ko para ngayon lang ma-realized 'yon. Pinatong niya yung plastic ng mga ice cream sa table bago ako lapitan. Nakaupo kasi ako sa kama. "Naka-lock ba yung pinto?"

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon