Chapter 51

7.1K 225 5
                                    

Cindy's

"Huwag kang malikot, isa!"

"But—"

"Juliet!"

Nag-pout lang siya pero hindi na gumalaw. Aba! Siya itong nagpapaayos tapos ang likut-likot! Mabuti sana kung expert ako rito, eh, hindi naman. Kakalurkey!

Lumipat ako sa harapan niya para i-check yung ginawa ko pero natigilan ako nang bigla niya akong niyakap. "Juliet."

"I just want to hug you." Sabi niya na mas lalo pang hinigpitan yung pagkakayakap sa baywang ko. Napairap na lang ako pero ako naman 'tong si sira na hinaplos pa yung buhok niya.

"Saglit lang, ah."

"Hmm."

Umupo na ako sa couch pero nakayapos pa rin siya, nilipat niya yung ulo niya sa may leeg ko. Napangiti na lang ako kasi para siyang bata. "Cindy."

"Oh?"

"Tara, date tayo." Aya niya.

"Tinatamad ako." Walang siglang sagot ko. Pero ang totoo gusto ko lang itong kayakap ko siya. Eh, bakit ba? Sa gusto ko, eh!

Finals na lang ang kulang, matatapos na ang second sem namin. Hay, salamat! Kaso hindi ko sure kung makakasama pa ba ako sa scholar pagkatapos nito, may pakiramdam kasi ako na hindi ko masyadong ginalingan ngayon. Pero sana naman hindi iyon makaapekto sa relationship namin ni Juliet lalo na't kakaayos pa lang namin. Speaking of... "Juliet."

"Yes?"

"Yung mga magulang mo..." Napabuntong hininga ako. Ang hirap naman magtanong! Pinilig ko yung ulo ko. Kailan pa ba ako maduwag magtanong? Nah. Daanin sa ganda. Tama. "Totoo ba na mas bet nila si Romeo kaysa sa akin?"

"Why?" Natawa siya. "Insecure?"

"Pinagsasabi mo?" Depensa ko. Saan ako mai-insecure, aber? "Gusto mo yatang mabasted, eh."

Napahiwalay siya sa yakap, parang namumutla tapos umiling-iling. "I-I'm just kidding. Mine naman, eh," Tumawa siya na parang kinakabahan kaya napangisi ako. "Walang ganyanan."

"Ngayon," Mataray na nagtaas ako ng kilay. "Sino nga ulit yung insecure?"

"Romeo," Nakangusong sagot niya pero maya-maya ay ngumiti rin siya ng matamis. "Because you're the most beautiful woman I've ever seen."

"Totoo ba 'yan?" Inirapan ko siya. "Eh, nakulam ka nga ng mokong na 'yon."

Napakamot siya sa batok niya. "That will never happen again." Humalik siya sa lips ko ng mabilis. "I love you."

"K dot."

"Cindy," Ungot niya kaya natawa ako. Hay, nako. Bata rin talaga, eh

"I love you, too."

Para siyang kinikilig na ngumiti bago pisil-pisilin yung kamay ko. Nawawala tuloy lalo yung singkit niyang mata. Cute! "About my parents, you don't have to worry. They like you, I swear."

"Talaga?"

"Yup!"

Gumaan naman yung pakiramdam ko sa naging sagot niya. Hindi lang halata sa akin pero siyempre, may impact pa rin yung masasabi ng magulang niya sa akin. Ayoko naman na magmukhang maliit lang sa harap nila, 'no. Kailangan mapatunayan ko na kahit babae ako na—well, maganda—dapat makita at maging aware sila na deserve ako ni Juliet dahil bukod sa saksakan ako ng ganda ay may utak rin ako at plano sa buhay.

Eh, ano nga ba ang plano mo sa buhay?

Ano pa nga ba? Edi ang maging asawa ni Juliet! At sa susunod na may humadlang pa, katulad ni Romeo o ni Nikki, pagsasampigain ko na ang mga feslak nila at didikdikin gamit ang martilyo ko.

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now