Chapter 52

7.7K 245 17
                                    

Steff's

"Mana ka talaga sa Papa mo, matinik sa chicks—aray, aray, aray!"

Natawa ako habang pinapanood si Mama na pinagkukurot si Papa sa tagiliran. Mukha tuloy silang bulateng hindi mapakali. Hay. Alam na alam na talaga kung saan nagmana si Cindy. Kawawang Juliet, magiging under na lang forevs. Buti pa ako.

"Kung anu-anong sinasabi mo riyan sa anak mo! Ngayon na nga lang ulit kayo nagkita, aba!"

"Kaya nga, Pa," tawag ko, "Ma, hindi ninyo man lang ulit ako yayakapin?" Paglalambing ko sa mga magulang. Mabilis naman silang tumalima at sabay akong niyakap.

"I missed you, anak."

"Miss ka namin ng Papa mo."

"Weh, ayaw ninyo na nga yatang umuwi, eh." Pang-aasar ko. Napaubo sila.

"Hindi, ah."

Alam na.

"Mama! Papa!"

Napabitaw kami sa yakapan. Nagulat na lang ako nang parang ipu-ipo na nakarating sa puwesto namin si Cindy at niyapos din yung dalawa. "Buti umuwi pa kayo!"

"Ay, pasensiya naman po, anak. Hiya naman kami sa binungad mo." Natatawang sabi ni Mama. Para kasing ewan 'tong kapatid ko. Hindi mo alam kung anong gusto.

"Mukha kasing wala na kayong balak umuwi." Sagot niya pagkatapos bumitaw sa pagkakayakap sa magulang namin. "Lalo ka na, Papa! Buti nga si Mama nauwi kahit papaano, aba ikaw, nag-enjoy na masyado!"

Napakamot na lang sa batok yung tatay namin. Kahit hindi naman talaga sila mag-ama sa dugo, e, parang gano'n na rin ang turingan nila. Parang kami ni Mama. Kahit ganito kami, wala na yata akong mawi-wish pa. Ni hindi ko nga maramdaman na magkakaiba kami. Ang swerte lang talaga ni Papa kay Mama. Bonus nang may instant kapatid ako. Tsaka kung hindi dahil sa pamilyang 'to, hindi ko makikilala si Yanyan.

"Pa, Ma," Agaw-pansin ko. "Kausapin na natin sina Tita."

Bigla silang sumeryoso. Hindi naman ako nakakaramdam ng kaba o takot. Una sa lahat, bukod sa open-minded sila, alam kong hindi sila magdedesisyon ng bagay na magpapahirap sa akin. Pangalawa, mas uunahin nilang intindihin ako. Ganoon naman ang magulang. Oo, nandiyan sila para pagsabihan ka ng kung tama o mali pero sa huli, ibibigay pa rin nila sa'yo yung karapatan mo na gumawa ng decision para sa sarili.

Kaya nga naiintindihan ko si Tita, yung mama ni Yanyan. Pinoprotektahan niya lang naman ang anak niya. Kung sabagay, normal na rin sa panahon ngayon yung ganitong relasyon pero aminadong hindi mawawala yung mga klase ng tao na hihilahin ka pababa. Ang kailangan ay lakas ng loob at tiwala. And naniniwala ako na pagkatapos, magiging malaya na kami ni Marian.

"Nakauwi na ba yung asawa niya?" Tanong ni Mama. Umiling lang ako, wala rin akong balita, eh. Pero ang alam ko alam na ng Papa ni Yanyan yung tungkol sa amin. Mukhang malabo lang na makauwi siya dahil sa kontrata niya sa trabaho. At hindi ko rin sure kung ano ang naging reaction niya. Sana naman hindi ganoon kasama. Mabait naman si Tito, eh.

"Oh, sige, mamayang gabi ay pupunta na tayo sa kanila." Sabi ni Mama.
"Parang aakyat ng ligaw 'tong anak natin, 'no?" Komento naman ni Papa. "Magbibigay na ba tayo ng ginto at—"

"Ano ka, Pa, katutubo?" Natatawang singit ni Cindy. Parang mga sira talaga, natatawa na lang tuloy ako, eh! "Magpahinga muna kayo ni Mama. Bilis na."

Boss talaga umasta, eh.

"Opo, anak."

Inaya ni Mama si Papa na pumunta nang kwarto nila. Naiwan kami ni Cindy, nakatingin lang siya in a mataray way. Sus! Wala naman nang bago. "Nakatingin ka riyan?" Tanong ko.

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon