One

29.1K 606 108
                                    

"You are now arriving at the Manila International Airport..."

Malalim ang hugot ko ng paghinga, nandirito na naman ako sa Maynila. I don't get the hype over this place. Napaka-polluted ng hangin, ang lala ng traffic, idagdag pa ang napaka-init na panahon, malayong malayo sa napapanood sa mga teleserye na akala mo naman sobrang ganda ng lugar. Halos wala na ngang puno dito, panay building at establishments lang ang makikita. Nevermind, nandito ako para magtrabaho, hindi para magmasid sa tanawin.

Okay na sana ang pagpunta ko dito kung vacation trip ang purpose ko but no, matapos ang sandamakmak na pagpapaliwanag ko kay Manuel na ayaw ko sa misyong ito, awa ng Diyos ay hindi ako pinagbigyan. Tinakot pa ako na isu-suspend niya ako sa trabaho for 6 months kung hindi ko gagawin ang misyong ito. Buti na lang at nakumbinse ko pa siyang dagdagan ang sahod ko. Damn this mission. If it weren't for the money, I would not be here.

Ang misyong protektahan ang isang Filipino boy band by all means. Talking about these sh*theads, seriously, gaano ba kasikat ang boy band na iyon at para kailanganin pa nila ng agent na magbabantay sa kanila?

"Excuse me, Miss. Are you ehem miss Happy Reyes?"

Napabalik ako sa katinuan nang may tumawag sa akin na isang lalaki. Nasa late 30's na siguro siya base sa kanyang itsura. Ineksamin ko siyang mabuti at mukha namang hindi siya gagawa ng masama. Anyway, ito na yata yung manager noong banda na babantayan ko.

And speaking of my code name, hanggang ngayon ay hindi ako maka get-over sa binigay nilang pangalan. Kung sinuman ang nakapag-isip ng code name na iyon ay humanda siya sa akin sa pagbabalik ko sa agency.

"Yes. I am Happy."

"Wow! You are beautiful just like Mr. CEO said" his initial reaction when he saw me.

Halos wala din naman pinagkaiba ang itsura ko sa mga ordinaryong tao dito sa siyudad. Mga lalake talaga, bolero, hindi mapagkakatiwalaan ang mga sinasabi. At saka how come alam ni Mr. CEO eh hindi ko pa siya nakikita. Manuel. Siguradong pinagmalaki na naman niya, nai-imagine ko tuloy na sinasabi niyang sa kanya ako nagmana.

"......" hindi ako sumagot sa kanya and I gave him a cold stare. Napalunok naman siya ng makitang blangko ang mukha ko.

"So, what now?" nasabi ko na lang kasi mukhang wala naman siyang balak na magsalita hanggat hindi ako nagsasalita.

"Ah hehe. I'm Jeremy Cortez. The EVE's manager. I'm gonna take you to the Pyramid building first to meet the CEO of the Pyramid Entertainment. He personally requested to meet you upon arriving para maipaliwanag ang mga bagay-bagay then afterwards we're going to the EVE's dorm kung saan ka mag-i-stay," pagsisimula niya ng usapan. I just wish na hindi ko siya masyadong nasindak dahil mukhang nau-utal pa siya sa pagsasalita at halos hindi makatingin ng diretso sa akin.

Siya na mismo ang kumuha ng mga bagahe ko at itinuro ako kung saan nakapwesto ang van na sasakyan namin. We are on our way to meet the CEO ang may pakana ng lahat ng ito.

I don't really remember ang haba ng byahe dahil pre-occupied ako sa pag-iisip kung paanong hakbang ang gagawin ko, ilang minuto pa at nasa tapat na kami ng isang malaking establishment. Hmm. Not bad, kaya naman pala na-afford nila ang pagkuha sa akin. May sinasabi naman pala ang company nila. Not to mention na napakataas ng rate ko. This case is worth 10 million pesos for your information.

"We are now here at the Pyramid Building," masiglang sabi nang manager ng EVE na nakalimutan ko na naman ang pangalan.

Naglakad na kami papunta sa CEO's office. Marami ang mga napapalingon sa pagdaan ko. May mga bulung-bulongan pa akong narinig na baka isa daw ako sa mga bagong trainees dito. I was like, the hell? Wala akong balak maging artista o kung ano pa man! Mga marites nga naman. In-ignore ko na lang sila at naglakad ng diretso ang tingin. Pinagbuksan naman ako ng manager at pinauna akong makapasok sa office.

THE SECRET AGENT MAIDWhere stories live. Discover now