Five

19.1K 485 64
                                    

Patricia's Point of View

Sana kainin na lang ako ng lupa. Sana panaginip lang ang lahat ng ito. Sana.

Tulala pa rin ako sa isang sulok dito sa aking kwarto. I know it already happened at wala naman na akong magagawa. Hindi ko lang talaga matanggap na dahil lang sa isang prank ay mangyayari ang lahat ng iyon. I have to commend Vaughn and Lance for being so courteous. Nang makita nilang nakahandusay na ako sa sahig ay hindi na sila nag-atubiling tulungan ako. Kumuha agad si Vaughn ng pantakip sa katawan ko samantalang tinulungan naman ako ni Lance na tumayo. Tulala lang ako the whole time, inupo muna nila ako sa kama at sinabihan na magbihis bago kami pumunta sa hospital dahil nag-aalala silang baka napano na ako. But going the hospital is too much, besides, wala naman masakit sa akin. Kaya lang ako hindi makakibo ay dahil sa shock sa mga pangyayari.

Idagdag pa sa mga problema ko itong buhok kong nagmukhang bulbol. I can't really find the appropriate term para i-describe iyon, maliban sa mukha nga iyong buhok sa ibaba. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Lintik lang ang walang ganti. Humanda sa akin sila Blake at Drew, hindi matatapos ang araw na ito na hindi ko sila nagagantihan. Pero bago yon, kailangan ko munang ayusin ang buhok ko.

"Happy are you done?" tanong ni Lance mula sa pinto.

"Opo sir, lalabas na ako," sagot ko. The hardest part of this ay kung papaano ko haharapin sina Vaughn at Lance after everything? Damn.

Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan. Nakabihis na din si Lance, he's wearing a simple white t-shirt topped with brown unrestrictive jacket, maong jeans and white sneakers. Hinayaan niya lang nakalugay ang kanyang mahabang buhok at saka nag-bonnet. Simpleng pananamit pero ang lakas ng dating sa kanya. A walking male model. Nahiya naman ako na naka-Sunday dress lamang at simpleng doll shoes, nilagyan ko na lang ng bandana ang aking buhok para hindi makita, pero mababakas pa rin ang pagka-afro. Nai-imagine ko tuloy ang sarili ko na mukhang microphone.

"You ready?" tanong niya. Tumango naman ako. Pagbaba namin ay naabutan namin sila Drew at Blake na natatawa pa. May araw din kayo sa akin!

"Stop it guys, it's not funny," sigaw sa kanila ni Pierce at saka binato sila ng throw pillow.

"Okay ka lang ba Happy?" baling sa akin ni Pierce na hindi na nakapaghintay na makarating kami sa kinaroroonan niya at sinalubong na kami.

"Okay lang ako sir Pierce," nginitian ko siya para na rin mabigyan siya ng assurance dahil mukhang nag-aalala talaga siya.

"Take care of her, man." Sabi ni Pierce saka tinapik ang braso ni Lance, tumango lang si Lance bilang pagsagot.

Paglabas naming sa dorm ay may naka-parada nang itim na Ford Ranger Raptor sa harapan, kanino ito? Napagtanto ko na lang na kay Lance iyon ng pagbuksan niya ako ng pinto.

"May kotse ka pala?" wala sa sarili kong tanong habang nagsi-seatbelt. Of course, I know all the informations about them, I just had to start a conversation para hindi awkward ang byahe.

Bahagyang napakunot naman ang kanyang kilay, "Of course I have, we all do." Sagot niya. "Hindi lang nagagamit because we use the van most of the time and wala naman kaming pinupuntahan, of course Drew is an exemption cause he's always out dating women." Patuloy niya sa pagpapaliwanag habang nagmamaneho, papunta kami ngayon sa hospital.

"Nasaan ho pala si sir Vaughn?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lamang siya, "out, heard he's scheduled to do a brand commercial today."

Hindi na ako muling nagsalita pagkatapos noon dahil wala naman mapag-uusapan. Ganun din naman siya, totoo nga ang sabi ni Pierce na kayang tumagal ni Lance ng hindi nagsasalita maghapon. Feel ko kaya niya.

THE SECRET AGENT MAIDWhere stories live. Discover now