Three

20.1K 526 96
                                    

Author's Narration

"Ano na kaya ang nangyayari sa dorm natin?" Tanong ni Pierce habang tumitipa sa kanyang piano keyboard, he's been stuck sa iisang melody pero wala pa rin siyang nabubuong kanta, dahil na rin sa pag-iisip sa katulong nilang nasa bahay. It's been 3 hours nang maka-alis sila sa dorm at ngayon at nagre-rehearse ng kanta.

"Makikita natin pagbalik mamaya sa dorm," sagot naman ni Drew at saka tumayo mula sa kinauupan, medyo nanga-ngalay na din siyang mag-drums lalo na at paulit-ulit sa iisang phrase. Dahil ito kay Vaughn na sobrang strict pagdating sa rehearsals, kaya hindi sila tumitigil hanggat hindi perpekto.

"I really don't get the management, seriously, something is really off," biglang sabi naman ni Blake saka binaba ang bass guitar niya. Tumango naman ang iba. It's really strange dahil dati rati'y wala naman silang katulong sa dorm, may on-call services lang para maglinis sa dorm every day tuwing aalis sila.

"I know, but we can't really do anything cause that's what the management wants," mahinang sabi naman ni Lance habang inaayos ang timpla ng tono ng gitara niya.

"Ano ba ang masama kung kasama natin siya sa dorm? I think it's fine, para may kasama tayo sa bahay, at may magbabantay at higit sa lahat ay may magluluto, cause Kuya Drew sucks at cooking, bigtime," sabi ni Pierce at saka nagbalat ng candy.

"Suck me instead, do you want?" Drew replied. Napangiwi naman si Pierce.

"But kidding aside, napansin nyo ba na nawala na yung mga security personnel around the dorm?" Sabi ni Drew at saka lumapit kay Vaughn at inakbayan siya. Lately, naging tahimik si Vaughn.

"What's with that maid anyway? And what's her connection with the management?" Wala sa sariling sabi ni Vaughn, parang kausap niya ang sarili niya sa sobrang hina ng boses niya.

Alam nilang may kakaiba sa kasambahay nila. They knew it, but what would a mere maid do besides cleaning? And she's a woman.

"Stop overthinking guys, she's just a maid," sabi ni Drew para matanggal ang pagkaseryoso ng bawat isa.

"Are you sure she's just a maid?" Biglang sabi ni Lance na kinatahimik nnila.

"Let's just trust the management, hindi naman siguro nila tayo ipapahamak," sagot naman ni Blake.

"And if she has hidden agenda then we need to figure that out immediately," sabi naman ni Pierce na sinang-ayunan naman nilang lahat.

After that discussion ay nagrehearse na ulit ang bandang EVE. They need to perfect every song dahil nalalapit na ang launching ng newest album nila. They rehearsed for an hour or so, pag tinopak kasi si Vaughn ay bigla-bigla na lang nagpapa-overtime. Sila na ang nagligpit ng ginamit nilang instruments ng matapos at saka bumaba para pumasok sa van. The best feeling talaga pag nasa sasakyan na, kasi nakakatulog sila sa sobrang haba ng byahe pabalik sa dorm.

Namalayan na lamang nila na nasa sa harap sila ng dorm. Isa-sa silang bumaba at naglakad papasok. Hinanda na ang kanilang sarili sa makikita nilang sitwasyon sa loob ng dorm. For sure, hindi natapos ng maid ang maglinis dahil iyon pa lang paglalaba ng mga damit nila ay aabutin ng isang buong araw.

Pero hindi nila inaasahan ang matutunghayan sa loob. Napanga-nga silang lahat sa gulat. Hindi nila ine-expect iyon. Napakalinis ng dorm, halos parang noong bagong lipat sila doon. Nakaayos ang lahat.

"Paanong---" sabi ni Blake.

"Kumusta? Tignan nyo naman mga Sir. Nalinis ko na ang buong dorm. Dapat pala pati yung sa kapit-bahay pinalinisan nyo na din eh," sambit ni Happy na napakalapad ng ngiti.

What? How? Who the hell is this woman? Tanong sa isipan ng bawat miyembro ng EVE.

Patricia's Point of View

THE SECRET AGENT MAIDWhere stories live. Discover now