Two

24.4K 525 159
                                    

Patricia's Point of View

Damn it! Drop the attitude, Patricia. Drop it.

Inhale... Exhale...

Kalma ka lang self! You need to think of ways, better ways rather kung paano ko nga ba iibahin ang impression nila sa akin? Aargh. I really messed up earlier, dapat ay hindi ganoon ang inasal ko. Magtataka lang sila kung suddenly magiging jolly and friendly ako, pero may paraan pa naman siguro.

7pm na pala. Kanina pa ako dito for almost 3 hours. At hanggang ngayon, wala pa akong maisip na pambungad sa kanila mamaya. Pasabugin ko na lang kaya itong dorm nila para walang problema? No, di nga pala pwede. Ako naman ang mawawalan ng trabaho, and no job means no money.

Narinig ko na lang ang katok sa pintuan. Mukhang tinatawag na ako.

"Happy, labas ka na diyan. Kakain na," rinig ko mula sa pintuan. Malamang si Pierce yun. Lalabas na sana ako pero kailangan ko pang pag-isipan ang comeback ko! You've already fought a hundred criminals, Patricia. You can do this, drop the attitude!!! Be calm...

"Ah. Sige Sir," I said in my sweetest tone. Shit, nasusuka ako sa ginagawa ko. Aargh, trabaho lang ito, tandaan mo yan Patricia! Matitiis mong maging weakling! Kaya ko ito, fighting!

Pagkalabas ko sa pintuan, tumambad sa harapan ko si Pierce na may hawak na tinidor at saka bahagyang nakanguso sa akin. Imagine, poker face at saka naka-pout. Only Pierce can do that, weird.

"Ikaw na lang ang hinihintay. Kumakain na kami sa baba tinawag lang kita para makasabay ka sa amin," sabi niya ng medyo may pagka-jolly tone. Mas matanda siya sa akin ng isang taon pero mukhang mas matured pa akong kumilos at mag-isip sa kanya.

Pero sandali lang, parang may mali. Nawala yata ang dark aura niya, from pokerface, naka smile na siya sa akin. Nevermind, kanina pa din ako gutom eh. Ipagsawalang bahala ko na lang muna but I still have to guard myself.

Sabay na kaming nagtungo ni Pierce sa kitchen, at isang napaka-pormal na hapag-kainan ang naabutan ko. Sila ba ang may gawa nito? Parang high class restaurant lang ang dating ha, may talent rin pala sila sa pag-aarrange ng dining table. Bakit di na lang kaya sila maging receptionists?

Malawak ang ngiti nila sa akin ng masilayan ako, yung tipong walang hidden agenda. Ganito ba talaga sila? I don't think so, it's really strange, something's wrong and I need to figure that out.

"Pinaghanda ka namin ng makakain. Nagtulong-tulong kami para dito. Pa-welcome na rin namin sa'yo," sabi ni Blake. Bahagyang napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Kulang pa ba yung pag welcome nila sa akin kanina? Tsk tsk tsk. Halata na kayo hindi ko na lang ipinakita ang pagkadismaya ko.

"Sit here" Sabi naman ni Lance at saka siya tumayo sa inu-upuan niya at kinukumpas ang kamay niya na umupo ako doon. noong una naghinala pa ko baka kasi pag-uupo na ako ay saka niya hilain, pero hindi iyon nangyari. Buti naman... katabi ko ngayon si Drew at Blake na napaka-lapad ng ngiti sa akin. Well, that's creepy!

"Ate. Kumaen ka na. Ako ang nagluto niyan. Meatball spaghetti, specialty ko yan," mayabang na sahad ni Drew habang ino-offer sa akin yung pagkain. Hindi na lang ako umimik sa kanya. Kinuha ko naman iyon at nilapag sa harapan ko. Lahat naman sila ay titig na titig sa akin na parang may kapana-panabik na eksena ang mangyayari.

Alam ko na, akala nyo ha, nababasa ko kayo. Sigurado akong may kung anu-ano kayong nilagay sa pagkain ko. Pwes, hindi ako magpapa-uto sa inyo dahil bistado na kayo.

Kinuha ko ang tinidor at saka kumuha ng spaghetti. Medyo nakikita ko na napapa smirk sila mula sa aking peripheral view. Ng akmang isusubo ko na...

"Mga Sir. Pasensya na nga po pala sa inasal ko kanina. Medyo pagod lang talaga ako. Kaya hindi ako nakapagpakilala ng maayos," sabi ko.

THE SECRET AGENT MAIDWhere stories live. Discover now