Four

19.8K 526 63
                                    

Patricia's Point of View

Manuel Calling...

Nagising ako sa tunog ng phone ko, si Manuel lang pala ang panot ko na boss. Kinuha ko ang phone at walang kagana-ganang sinagot ang tawag, wala pa kasi ako sa huwisyo dahil kagigising ko pa lamang.

"Oh!" bungad ko at saka umupo sa kama at nagkamot ng ulo. Istorbo.

"Agent Montreal yan ba ang ibubungad mo sa akin?" Sabi naman niya.

"Okay fine. May problema ba diyan?"

"Nothing. Kinukumusta lang kita diyan."

"Wow ha. May gana ka pang mangamusta samantalang pinatapon mo ako dito sa Maynila tapos kasama pa yung mga hinayupak na banda. Kung alam mo lang ang dinadanas ko na hirap dito, buti sana kung tinataasan mo naman ang sahod ko" pagrereklamo ko.

"Hahaha easy Agent M buhay ka pa naman diyan diba?"

"Of course, I am. Pero punung-puno na ako sa pang-aalipin nila sa akin..." gigil na gigil ko na pagkukwento kay Manuel, sinimulan ko ng sabihin ang lahat ng mga pang-aalispusta nila sa akin.

"Eh sino ba naman kasi ang may sabing magpa-api ka diyan? Top agent ka tapos hinahayaan mo lang na uto-utoin ka nila? Tsk tsk tsk"

"Seriously Manuel? Malamang kasi ito ang trabaho ko. Ang isang dakilang katulong. Magbasa-basa ka din ng job description ha," sarcastic ko na sagot sa kanya.

"Yes, that's your job but have you forgotten your other job? And I did say that you must act weak but it doesn't mean na hahayaan mo lang yung mga ginagawa nila sa iyo na below the belt. You're my best agent. Kung hindi mo sila pwedeng labanan, edi iwasan mo... ah, okay sige, tell them to wait... Patricia, I gotta go. I have an important meeting. Take good care of yourself,"

At nag-end na nga ang tawag. Napagisip-isip ko ang mga sinabi niya. Tama nga naman. Pero I'll save it for the future. Sa ngayon, kaya ko pa naman magtiis. Hindi naman grabe ang pinapagawa nila. Oo tama, kaya ko pa. Tumayo na ako at saka ginawa ang aking morning routine. Let's get the day started.

"Happy halika dito!" Tawag sa akin ni Pierce. Naka-upo sila ngayon sa sofa sa living room.

"Sandali lang ho!" Sigaw ko naman at saka minadali ang pag-spread ng palaman sa tinapay. Pinagpatong ko na lang ang mga sandwich na ginawa ko, of course with tissue wrap dahil hindi naman tayo salahula. Yung juice na ginawa ko ay dinala ko na din, mabuti at dinala ko na doon ang mga baso kanina pa.

"Ayan na pala si Happy eh ngayon nyo siya tanungin," sabi ni Pierce na bahagyang nakahiga sa mahabang sofa.

"Ano po ba yon?" Tanong ko habang nilalapag ang mga pagkain sa center table.

"Ano ba ang gusto nyong mga babae?" tanong niya. Napataas lang ang kilay ko? Ano ba naman na tanong yan?

"Easy! Flowers, bags, jewelry, fancy date, and so on. Women love material things," sabat ni Drew. Speaking from experience siguro, sa dami ba naman ng naging girlfriend at fling niya eh.

"Hindi iyon Kuya Drew. What I meant is anong gusto ng mga babae sa lalake," paglilinaw ni Pierce.

"Easy. Big c*ck," mabilis na sagot ni Drew, muntik pa akong maduwal sa sagot niya. Natawa naman ang iba sa sagot niya. Si Pierce naman ay hinampas lang siya dahil hindi iyon ang inaasahan niyang sagot.

"Tawa-tawa kayo diyan Lance at Vaughn! Like you knew better, kailan ba kayo huling nagka-girlfriend? Sige nga, anong gusto ng mga babae sa lalake?" hamon ni Drew kay Vaughn.

"Honest," sagot ni Vaughn.

"Consistent," matipid na sagot naman ni Lance.

"Respectful," sagot ulit ni Vaughn.

THE SECRET AGENT MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon