KABANATA 17

5.1K 137 0
                                    


Rexskel POV

Napatingin ako Kay shinji na nakaupo ngayon sa isang upuan at nagpapahinga. Bakit ganon nalang kung may seryoso si master kai? May hindi ba kami alam?

"Bro matunaw na yan. Hahaha... Nababali ka na ba? "- napatingin ako Kay aaron ng tapikin niya ang balikat ko. Pero napataas naman ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Kapag hindi ka tunahimik sayo ko ititira ang palaso ko" may Diin na banta ko sa kanya. Umatras naman siya at nagtaas ng kamay na parang sumusuko

"Chill!  Hahaha... Di ka naman mabiro. Bakit mo kasi tinitignan si shinji? "- tanong sa akin ni aaron

"Nothing mag training ka na nga. "- sabi ko sa kanya at bumalik na ako sa pagpapana ko.

-------------------------------------------------------------

Shinji POV

Nandito na kami ngayon sa mga kwarto namin at nagpapahinga. Pagod na pagod na talaga ako.

"Shinji hindi kaba sasama sa amin. Kakain na kami sa cafeteria"- sabi sa akin ni ryle at umupo sa tabi ng kama ko

"Kayo nalang magpapahinga nalang muna ako. "- sabi ko sa kanila

"OK"- sabi nalang niya at naramdaman ko naman na umalis na siya sa kama ko at narinig ko nalang ang pagsara ng pinto.

Napaupo naman ako sa kama ko. Pumunta ako sa mesa namin dito at kumuha ng papel at nagsulat.

Hindi naman nagtagal natapos ko na ang sinusulat ko.

Kinuha ko ang maskara ko at lumabas sa kwarto namin at nagdahan dahan sa paglabas sa warriors hall.

Hindi naman ako nabigo at nakalabas na ako. Tinignan ko ang mga bantay sa pinto.

"Mga tanga"- bulong ko nalang sa sarili ko. At tumakbo na papunta sa bahay namin ni shin

Pagkarating ko sa bahay umakyat ako sa bakod .pumunta ako sa kwarto ni shin gamit ang bintana niya na nakabukas. Alam ko naman na binubuksan niya to dahil gusto niyang makita ang bituin paggabi

Nilagay ko ang sulat sa mesa niya at pinuntahan ko siya. Dahan dahan akong umupo sa gilid ng kama niya. At tinignan siya.

Hinawakan ko ang kanang pisngi niya.

At hinalikan ko siya dito

"Take care always shin"- bulong ko sa kanya at umalis na ako doon.

Bumalik na ako sa warriors hall. Dahan dahan akong pumunta sa kwarto namin ng nasa pinto na ako naririnig ko pa ang ingay nila sa loob. Hinubad ko ang maskara ko at tinago sa loob ng damit ko. Pumasok na ako sa loob at napatingin naman silang lahat sa akin.

"Shinji San ka nag punta? "- tanong sa akin ni josh

"Sa ilog lang. Nagliliwaliw lang ako"- palusot ko sa kanila. Pumunta na ako sa kama ko at humiga doon.

Tinignan ko sila at nakita Kong sa akin din silang lahat nakatingin. Napakunot naman ang noo ko dahil don.

"May problems ba. Bakit ganyan kayo mapatingin sa akin? "- tanong ko sa kanila.

"Wala naman. "- sabi ni rude
May nod nalang ako sa kanila

"Matulog na tayo"- sabi ni rexs. Sinunod naman namin ang sinabi niya.

Pinikit ko na ang mata ko at hinila na ako ng antok

-------------------------------------------------------------

prince shin POV

Nagising ako na parang may humalik sa akin pero ng minulat ko ang Mata ko wala naman akong nakitang ibang Tao dito sa silid ko.

Umupo nalang ako sa kama at napahawak sa noo.
Nahihibang na ako. Tumayo ako at naagaw ng pansin ko ang isang envelope sa mesa ko.

Kinuha ko ito at binasa ang papel na laman sa loob.

----------------

Dear twin Bro

     Kamusta?  Tagal din ah!  Ilang araw na ba?  Hehehe... Sana tumagal pa ang pagsisinungaling mo kila mom. Galingan mo ah! 😀

Your twin sis

---------------------

Pagkatapos Kong mabasa ang sulat sa akin ni azrael. Parang mas gusto ko nalang na hindi nalang sana siya nagbigay sa akin ng sulat.

Tsk!

"Ang bait mo talaga azrael"- bulong ko nalang sa sarili ko

Mukhang matatagalan pa nga siya. Sana hindi humantong sa galit na galit na si dad dahil sa mga pinaggagawa niya.

------------------------------------------------------------

An/ sorry Kong short chapter lang. Wala na akong maisip at isa pa. Wala akong samood ngayon

The Royal Twin: Hidden IdentityWhere stories live. Discover now