KABANATA 25

5.1K 132 0
                                    


Shinji POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria at tahimik lang ang mesa namin .ramdam ko rin na nakatingin sa among dalawa ni rexs ang mga kasama namin.

Sinulyapan ko si rexs na nasa unahan ko at tahimik naman na kumakain at parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina

"May hindi ba kami nalalaman? '- tanong ni ryle sa amin

Napatingin ako sa kanila tapos tinignan ko si rexs na nakatingin din sakin.

Bigla nalang siyang tumayo. Kaya naagaw namin ang atensyon ng lahat ng warriors na kumakain

"Nawalan na ako ng gana. Mauna na ako"- paalam ni rexs at lumabas na siya sa cafeteria.

Napabuntong hininga naman ako dahil sa inakto niya.

Hindi ako sanay na nakikita ko siyang nagkaaganon. Na hindi niya ako magawang pansinin.

"Shinji ano ba talagang nangyari sa inyong dalawa... Nag away ba kayo ni kuya rexs? "- tanong sa akin ni maximo

Tinignan ko sila at nakita kong naghihintay sila sa sasabihin ko.

Tumayo ako at tumakbo papalabas sa cafeteria. Kailangan kong makausap si rexs. Hindi ko kayang hindi niya ako pinapansin. Siya ang unang naging malapit sa akin dito sa warriors hall.

At aaminin ko. Umpisa palang na nakita ko ang mukha niya may kung ano sa akin na hindi na mawala sa isip ko at mukha niya. Alam ko ng mga oras na niligtas ko siya sa gubat alam kong nahulog na ako sa kanya.

Napunta ako sa fish pond at doon nakita ko siya na kaupo sa malaking bato habang nakatingin sa mga isda.

"Rexs"- tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at aalis na sana ng pigilan ko siya. "Sandali rexs. Magusap naman tayo"- sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.

Nagulat nalang ako ng bigla niya nalang inalis ang pagkakahawak ko sa kanya

"What for... Alam ko naman na hindi mo mabibigay ang gusto ko..na hindi mo ako makakayang mahalin dahil parehas tayong lalaki!!"- sigaw na sabi niya sa akin.

Hindi ko na napigilan na umiyak.

"Rexs.. Pakiusap mali ang iniisip mo. "- sabi ko sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya. Iniwas niya ang tingin niya sa akin.

"Ayuko na... Shinji ikaw na din nagsabi mali to. Kaya ako na mismo ang titigil bago pa lumalim ang nararamdaman ko sayo"- sabi niya sa akin.

Umiling naman ako sa kanya

"Hindi... Rexs hindi  mo kasi naiintindihan.. "- sabi ko sa kanya

"IDE IPAINTINDI MO!! "- sigaw niya sa akin.

"Rexs mali ang pagkakakilala mo sa akin... Hindi ako ito. Iba ako"- sabi ko sa kanya. Kita ko sa mukha niya na naguguluhan siya sa sinasabi ko

"Anong ibig mong sabihin? "- tanong niya sa akin.

"Rexs hindi ako.... L-alaki.. "- sabi ko sa kanya at napayuko nalang ako.

"B-abae ako rexs"- sabi ko pa sa kanya

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa pero binasag niya ito.

"I-big sabihin b-abae ka? "- tanong niya sa akin.

Tinignan ko siya at nakita ko sa mga mata niya ang hindi makapaniwala.

"R-exs"- nauutal na tawag ko sa kanya.

Umiling siya sa akin at napaluhod nalang ako dahil tumakbo siya at iniwan ako.

Hindi ko na kinaya ang mga luha ko at napahagulgol nalang.

"B-akit b-akit nangyayari sa akin to? "- tanong na bulong ko sa sarili ko

Naramdaman kong may bigla nalang yumakap sa akin. Tinignan ko ito at nakita ko si rude na nakangiti sa akin.

"Rude bakit?  Sinabi ko na sa kanya ang totoo pero bakit... "- naiiyak na tanong ko sa kanya

"Shhhh... Tahan na. Alam kong nabigla lang siya sa nalaman niya. Alam kong hindi siya galit sayo"- sabi niya sa akin at pinunasan ang mga luha ko.

Niyakap niya naman ako

"Tahan na... Bumalik nalang tayo sa kwarto nandon na silang lahat. I think you need to tell them the truth. Alam kong hindi sila magagalit sayo"- sabi niya sa akin

"Natatakot ako" sabi ko sa kanya

"Trust me. Maiintindihan nila ang totoo "- sabi niya sa akin at nginitian ako. Sa huli pumayag na din ako sa gusto niya.

Pagkarating namin sa labas ng kwarto tinignan ako ni rude. Nag nod naman ako sa kanya.

Ngintian niya ako. Binuksan niya na ang pinto at pumasok kami sa loob. Napatingin silang lahat sa amin.

"Shinji"- tawag sa akin ni ryle

"Nasan si kuya rexs. Hindi mo ba siya kasama? "- tanong niya pa. Napatingin ako Kay rude at tinanguan niya ako

"Hindi"- sabi ko sa kanya

"Ganon ba. Nagaalala na ako sa kanya"- sabi ni ryle

"May s-sasabihin sana ako sa inyo. Sana wag kayong magalit sa akin kung bakit ko nilihim to. Pakiusap"- sabi ko sa kanila. Nakita kong nagtataka sila sa sinasabi ko

"Ano naman yun.. Seguro naman maiintindihan ka naman namin"- sabi ni chris

"K-asi hindi ako ang totoong to."- sabi ko sa kanila

"Huh? "- nagtatanong na sabi nila sa akin

"Hindi ako lalaki. Babae ako"- sabi ko sa kanila. Bigla naman silang natahimik

Napayuko naman ako. Dahil don at hindi ko na nakayanan pa at kusa nalang tumulo ulit ang mga luha ko.

"Maiintindihan ko naman kung galit kayo sa akin. Alam kong kasalanan ko naman to"- sabi ko sa kanila.

"Hindi.. Hindi kami galit sayo shinji. Seguro may reason kanaman diba"- sabi sa akin ni kiel

"Bakit? "- tanong ko sa kanila. Nginitian naman nila ako

"Kung ano man ang reason mo kung bakit mo to nagawa. Hihintayin namin na sabihin mo sa amin. "- sabi sa akin ni aaron

"Salamat"- sabi ko sa kanila.

"Wait kung babae ka. Ano ang totoo mong pangalan? "- tanong sa akin ni josh

"Shiel "- sabi ko sa kanila

"Pwede ba namin nakita ang totoo mong ayos pagnakapangbabae lang damit? "- tanong sa akin ni maximo

Nag nod naman ako sa kanila

"Pero kailangan niyong lumabas? '- sabi ko sa kanila

"Eh? "- sila except lang Kay rude at Andrei

"Mga engot kayo. Syempre magbibihis yung Tao.. Tara na nga sa labas"- sabi sa kanila ni rude at nagsilabasan na sila

"I bet your beautiful kapag nagsuot ka nang pambabae"- sabi ni andrie sa akin at nginitian ako.

Ngumiti naman ako sa kanya

Lumabas na siya sa kwarto.

Ako nagumpisa na ako magbihis

------------------------------------------------------------

The Royal Twin: Hidden IdentityWhere stories live. Discover now